Friday, August 14, 2009

Bakit kaya pagdating sa’yo nauubusan ako ng sasabihin?
Maraming salamat aking Wolverine. Kahit minsan lang tayo nagkakasama, nararamdaman ko ang iyong pag-aalaga.
Hindi mo ako hinahayaang bastusin ng kahit sino. 

Thank you! Alam mo na ang kasunod..(“\(^0^)/”)



KUNG AKO AY MAGIGING HAYOP..

Kung ako ay magiging hayop nais kong maging kalapati.

Ang kalapati kasi alam kung paano bumalik sa tirahan, ako kelangan pang alalayan. Magtatanong pa ako ng ilang beses sa iba’t- ibanag tao para masure kung yun ang tamang daan. Poor kasi ako sa direksyon. Kapag first time ako sa lugar palaging BOPLAKS ako..:Pl

Lampas o kaya naman kulang o kaya mali ang napupuntahan ko, hehe..


FEELING WRITER LANG

Ano namang pakialam nila kung sa wikang tagalog ako magsulat? Feel ko ang magkwento ng kabalahuraan eh. Haha!! Wala naman akong kaaway. Masarap lang talaga ang maaksyon pero hindi ako mahilig sa action movies ,hehe.

Nung ipinapambato pa ako ng paaralan para sa “School Press Conference” naranasan kong umiyak sa harap ng iba pang aspiring journalist. Feeling ko lang naman na writer ako dahil ang totoo, halimaw na yung mga kasama ko. Nasa anino lang kasi ako ng halimaw kong kapatid na sa kagandahan ng reputasyon eh kelangang sabayan para hindi mapahiya ang lahi.

*****pambato equals pambato!(may stress sa dulo)..-meaning pambato ng pusa, pambato ng aso, pambato sa prutas sa puno.

Maisundo ko ang kwento, Sports Writing- FIlipino ang aking category. Kelangan daw maapoy ang mga salita, maaksyon. Tipong nakkipagbakbakan si mahal kong Wolverine sa iba pang mutants. Naiinis ako wala akong maisip dahil sa pressure. One on one kasi kame ng adviser namen. Dahil wala ng mapiga ang utak ko dahil takot at hiya na kay teacher ko, napaityak na lang ako. Yung mga katabi naming estudyante na galing ng ibang school ay nagtinginan na. Mga anak kayo ng inay n’yo! Bakit hindi kayo naiyak sa publiko? Haha! 
Buti naman at umiyak ako, nagkaroon ng place kahit paano. 

MAKIKINIG KASI AT WAG AKALAING KAPAG PINAPAGALITAN EH PARA PARA PAGALITAN LANG. CONSTRUCTIVE CRITICISM PALA ANG TAWAG DUN, HEHE..

Dahil natanim sa utak ko ang pangyayaring iyon, hanggang ngayon maaksyon pa din ako kapag nagkukuwento lalo sa mga kaibigan ko. Me exclamation point!!!!!!!!!! Me konting mura at kalimitang parang laging makikipag-away ang terminologies. Me kasama pa nga palang mustra pag nagkukwento ako..:p

Naalala ko ang sinabi ng kaibigan naming Cholo, buhay na buhay daw ako lagi. Haha!! 

GUILTY PLEASURE

Sa probinsya lang may masarap na mami, goto, arroz caldo, lomi at guisado.
Pede ding sa sariling bayan lang makaktikim ng hinahanap mong pagkain.
Kahit pa Pinoy tayong lahat, may pagkakaiba pa din.

Halimbawa:
*hindi lahat ng Pinoy matulungin, hospitable at mapagkakatiwalaan.
 Me nagtanong kung ano daw ang hanap namen. Sabi ko apartment. Isama daw s’ya at ligtas kame kapag kasama s’ya. Kumusta naman ang pagmumukha ng mamang iyon na mukhang hindi pahuhuli ng buhay. Epal s’ya ng konti.
 May ilan ding nag-aalok ng tulong at sinasabing libre ang pagtatanong. Ayos si Manong. Hindi naman daw kasi masamang magtanong dahil walang bayad.


Hindi naman maselan ang aking tiyan at panlasa sa pagkain. Ngunit ng minsang matikman ko ang mami sa mga carinderia ng lungsod parang gusto ko na s’yang isumpa.hehe.

Dahil wala ng pera pinatulan na namen yung pagkaing nasa lansangan. Bente pesos lang ang isang order ng mami at arroz caldo. Ng matikman ko, wow! Kahit bulate sa tiyan ko ayaw lumunok, hehe.. tuyot na yung itlog. Maitim na yung piniritong bawang at malabnak ang sabaw, ahaha!! Siguro ganu ang lasa ng pinagbabaran ng pustiso ni ermat..haha!!

PAUNAWA: ang kwentong inyong nabasa ay personal na karanasan ng nag-sulat. Walang intensyong apihin ang mga nagtitinda. Isang paalala lang na sulitin ang bayad sa kanila o kaya mag-aral ng tamang pagluluto na makakatulong para lumago ang negosyo nila..
Haha!!



NANG HABULIN AKO NG MANYAKIS

Nung minsang umuwi ako galing trabaho naisipan kong mag-ordinary bus na lang puntang Sucat. Mas matipid at mas mabilis. Sa tatluhang tao ako naupo, katabi ko ang isang matanda; nasa tapat s’ya ng bintana at natutulog. 

Tumigil ang bus na sinasakyan ko sa Bicutan at nagsisakayan ang ibang pasahero. Nang biglang tatayo na ako para lumipat ng upuan, bigla namang me umupo sa aking tabi kaya hindi na ako nakalipat. Kinuwento ako ng mama. Ang tantiya ko mga nasa early 60’s na s’ya. Nakatingin lang ako sa bintana hindi sa kanyang mukha. Alam ko na ang mga diskarte ng mga taong katulad n’ya. Kinakausap ako at kinuha ang aking numero. Dahil maloko din naman ang utak ko, binigyan ko nga ng kung anong numero.

Eto ang masama. Pagbaba ko ng Sucat bumaba din si pedophile man alias Dirty Old Man. Hindi ko man pinapahalata ang kaba ko, kabado talaga ako. Naghintay muna ako ng oras na umalis s’ya. Pero bumalik para itanong ang numero na aking isinulat. Kinahig kasi ng manok ang pagkasulat ko sa papel na binigay n’ya. Tinanong ako kung pasaan pa daw ako, sabi ko hinihintay ko kapatid ko at umalis na si nakakalbong matanda. Nang mawala na ang matanda, naglakad na akong puntang terminal. Andun yung pedophile! Nagda-dial s’ya sa cellphone n’ya at nagtitingin sa paligid.

Ano ang aking next move?na-overpass ako at sumakay sa jeep na sibat para lang makaligtas sa kabang aking nararamdaman. Noon lang ulet kumabog ang puso ko at nanginig ang tuhod sa sobrang takot. Hanggang sa bahay hindi ako mapakali sa aking kapatid dahil sa takot.

Tinuruan ako ng aking magulang na gumalang sa matanda, pero ang katulad n’ya ay dapat ipinapadala sa IRAQ para ipa-rape sa mga bilanggo dun! Hinayupak kang mama ka! Sana matanggal ang lahat ng buhok sa’yong katawan..haha!

LESSON: HINDI KO NA IRERELAX ANG MUKHA KO PAG NAG-BIBIYAHE. DAPAT LAGI AKONG MUKHANG GALIT.

Saturday, July 11, 2009

profession: HUNTER



MISSION: Job-hunting


LENGTH OF TIME: 2 Days

LOCATION: MANILA

Sa sobrang hirap maghanap ng trabaho parang gusto mo na lang mapagod at humilata maghapon sa bahay.

Nakakapagod nga naman talaga tapos puro rejection ang iyong matatanggap.

DAY 1:

Ang unang araw ng aking job-hunting ay hindi kasing lala ng aking ikalawang araw.

Lumuwas kami ng maaga. May kasama ako siyempre. Mahirap ng maging ignorante sa mabangis na kuko ng Maynila. Tsaka medyo first time ko yatang hahanapin ang mga singit-singit ng lungsod..:p

(MUSIC PLAYING: MISSION IMPOSIBBLE)

Akala ko ang city na ito ay walang bangketa. Normal lang pala. Me basura sa tabi, me pulubi sa overpass at may mapanghi ding mga lugar.

Hindi naitago ng kaputian ang maliit na mantsa.

Lakad,lakad.tawid ng overpass. Hintay ng bus. Lakad ulet. Tawid.

Nakakamangha naman talaga ang mga buildings. Ganito ang reaksyon ko oh:

WOW! SHIT! ANG TAAS NG BUILDINGS! ANG GANDA!

Hekhek!! Ay sa tunay na maganda eh..:p

Pati mga pipol ay magaganda din. (meron ding mas maganda ako,hehe..)

Maganda ang kanilang suot,makisig, at magagandang tao.

Napansin ko lang ang trend sa Manila eh napakalupit magyosi talaga ng pipol.

Nakakastress kaya talaga ang trabaho, ang pagtira sa siyudad o ginawa na lang libangan ang habit na yun? Habit na libangan pa.. (redundancy)


1st station: COCOLIFE

Wala lang nakigamit lang naman kami ng comfort room at madulas-dulas pa ako dahil yung aking deadly weapon ay walang goma yung isang takong..hehe.. Nag-aus ng konti para hindi naman mukhang inabuso ng panahon.


2nd station: SMART Philippines

Kinuhanan ng temperature para sa kampanya versus ewan-ewan virus. 36.5 degrees.

Matapos itanong sa receptionist kung saan ang HRD, lumabas na kame. Hindi pala sila natanggap ng walk-in applicant. Talagang kelangang magsign-in sa talent bank nila. Sayang naman ang oras. Tsk! Tsk!


3rd station: UCPB Gen

Hindi naman talaga ako mag-aapply dito. May kabraso lang yung kasama ko dun. Pagkatapos niyang makapagbigay ng resume. Stokwa na naman.


4th station: RCBC building

Cool… ang ganda ng building. Pramiz! Gaano kaya katibay ang pundasyon nun? Ilang toneladang dugo kaya ang ibinuhos para tumibay..hehe..joke lang..:P Tumambay lang naman kame. Mainit kasi sa labas at walang upuan. Siguro nga sadyang hindi nilagyan ng upuan ang lugar na yun para lahat ng tao ay busy at panindigan ang pagiging commercial place ng lugar.


5th station: KFC

Medyo tanghali na din at gutom kaya kelangan ng chumicha. Isa pa, ayaw naming makipagsabayan sa mga pipol. Baka anudin o anurin,whatever! .hehe.. Sanay naman kaming kumain sa mga resto ano?? Kaso lang naranasan naming maging tae na na-flush sa toilet ng dumating ang isang grupo na nag-excuse me para umupo sa aming table. Walang nagawa kundi mag-evacuate kahit hindi pa nakakarecover ang tiyan sa kabusugan. May araw din sila, mas makisig nga lang pero……..hehehe…bad na ulet..:p


Pagkatapos kumain tumambay lang kami sa labas. 1:00 pa kasi ang interview ko. Naisipan ko nga ding dalawin si Tita Cory para malaman ang kalagayan n’ya. Kaso baka hindi kami papasukin..:p


6th station: PHIL AXA Buiding

Hindi naman nahirapang mkapasok kasi may kakilala ako dun. Dahil me kasama ako, pinag-apply na din s’ya. Sakto namang nagdelubyo kaya safe na safe ang aming kinaroroonan. Ilang interviews. May kwela, may seryoso.. may nambobola lang at me isang applicant na may pagkaepal din..haha!!

Akala n’ya naman hindi namin alam ang technique n’ya. Itinatanong sa amin kung anung mga itinatanong sa interviews. Tapos sa kagustuhan n’yang matanggap dun eh pinapapunta n’ya kame sa Greenhills para mag-apply dun..haha!!


“ok will be calling you na lang, you can go.”


Awa naman ng Diyos eh nakauwi din kame sa bahay na tutuluyan.

Preparing for the next battle…


(MUSIC PLAYING: PAGSUBOK...WAG MONG ISUKO ANG LABAN)


DAY 2:


Kahit nakaalarm yung phone, walang bumabangon. Para kasing binugbog. Ilang beses ng kumatok si utol sa kawarto pero walang gustong gumising.

Para sa day 2 ng aming pakikipagsapalaran tinarget naming ang Boni Avenue sa Mandaluyong.

Lola Techie ang exam ah..hehe..hindi na papel, computer na.. malas pang hindi ko dala ang salamin ko kaya kelangang magtiyagang basahin para matapos dahil may time limit. Parang sa Civil Service. Ayus lang. Nakapasa sa exam at ini-schedule ng interview ng 2:00.


Tanghali na din kaya napagdesisyunan na pumunta ng Ortigas para makipagkita sa namimiss na kaklase. Sila yung mga mas maswerte agad na natanggap sa trabaho. Bigatin pa ang company.hehe.

Ang sabi ng kasama ko, medyo malayo lang daw yung pupuntahan. Lakad-lakad lang. tawid. Lakad. Ok lang kahit mabigat ang gamit na dala ko. Nakakaaliw namang tingnan ang building eh. Nagpalit na ako ng pampaa para mas komportable. Lakad, lakad. Bagakbak na yung pawis ko. Pagod na din. Parang me hindi tama ah

.

AKO: Erleth, malayo pa?

“Mukhang malayo pa eh, hindi ko pa natatanaw yung building”

AKO: “magsakay na kaya tayo?

Sige..


Lakad ulet.lakad pa din. Malayo pa din kahit nagsakay na. sa wakas..

Kelangan yatang uminom ng alaxan tablet bago makarating ng Galleria.


PASAKALYE:

THE ERLETH CUEVAS STORY

Kung matiyaga ka at kayang magtiis sa kanya ka sumama. Kaso eh hindi kasing tibay ng apog ko at ng katawan kong manipis at sexy ang mga organ n’ya sa katawan. Siya lang yata ang kilala ko na hindi nauuhaw agad. Sa layo ng nilalakad namin sa ilalim ng nagbabagang araw ay wala man lang akong narinig na nauuhaw s’ya o nagugutom. Kelangan pang ako ang magpaalala na kelangan na ng aming sistema ang pampalakas.

Anak ng putek naman oh! Parang nahihiya akong gumastos kapag s’ya ang kasama. Hindi naman sasabihing wala s’yang pera. Robot lang talaga siguro yung tiyan n’ya. Ako nga lumipas lang ang dalawang oras eh gutom na gutom na.

Nabadtrip naman din ako sa taong ito. Alam n’ya yun..haha!!

Ikaw na kaya ang mglakad na kapag sinakay mo pala ang pamasahe eh PHP11.00. malayo din yun ha!!? Mula Boni Avenue hanggang Galleria lalakadin???? No way boss!!


AKO: ERLETH, PAPATAYIN KITA KAPAG PINAGLAKAD MO PA AKO NG GANONG KALAYO.


THE MRT VIRGIN:

Dahil napasarap ang kwentuhan with batchmates, hindi napansin na malapit ng mag-2:00. Pinayuhan na lang na mag-MRT.


SWABE, mararanasan ko na ang mag-MRT.


MRT card ga nga ang tawag dun? Siyempre kunwari hindi first time, daming kaluluwa dun hirap ng maging naive. Nanggaya lang kami nung ginagawa ng iba. Ipinasok ang card sa card slot. VOILA! Pwede ng mag-abang ng MRT at ng tumigil sa aming harapan hindi alam kung san sasakay na lalagyan. Haha!! Maiipit pa ako nung pintuan. Ang tanda ko lang may humila sa amin papasok. Ang tanong ko lang, me censor ga yung MRT na katulad ng sa elevator? Napansin ko lang na yung sinakyan naming ay puro lalaki ang laman..hehe.. tsaka ko lang naalala yung news sa TV tungkol sa paghiwalay ng babae sa lalaki sa MRT.

Tanungan pa kame ng kasama ko kung san ang baba. Pakinggan ko daw yung magsasalita. Sabi ko siya na lang, bingi ako kapag mahina.


Me nagsalita nga narinig ko din kahit medyo maingay ang makina: “next stop, Boni Avenue station.”

Ang ganda ng boses nung operator.hehe..cool na cool sa tenga.. CHILL…

Pagkalabas ng mrt, nanggaya na naman ang mga hunyango. Ipinasok ang card sa card slot. Inabangan bakit hindi nalabas yung card. Sadya palang hindi na yun nareretrieve..hekhek..

So much for the MRT virgin..haha!!


(Sa nakabasa nito, pakipaliwanag kung may censor yung pintuan ng MRT)


NEXT CHAPTER

Hindi pa tapos ang kwento ng aking job hunting. That was the most spontaneous job interview na naranasan ko..hehe..hindi ako naubusan ng English. Ok kasing kapulong yung interviewer.


“Ok Cayen. I have no reason why I would let you fail with this interview so I’m endorsing you for your medical, just wait outside and I will give you your medical slip.’


ROCK EN ROLL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


ME KASUNOD PA..

Yung araw na yun din ang medical. Pero nakiusap kami na kung pwede ire-schedule dahil sobrang pagod na ang aming inabot at hindi pa ok ang pagkain.


AKO: Mam pwede po kayang magpaschedule ng medical kasi po hindi pa po kami nakain eh hindi po yata kami fit para sa condition ng medical na kelangan me kain na ayos?


MAM: eh kumain na lang kayo dun. Dun naman din ang punta n’yo.


AKO: eh mam, kahiya-hiya man pong sabihin, wala na po kaming pera.


AT TUMAWA SI MAM PATI ANG IBANG APLIKANTE SA AMING LIKOD.


Pero ang tunay na nakapag-save sa amin para maiwasan ang medical for that day ay ang monthly visitor.

Mukhang me nagpalinis na ng chiminea..


(MUSIC PLAYING: I BELIEVE I CAN FLY)


YAHUUUUUUUUUUUUUUU!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Wednesday, July 1, 2009

palinis ng chimineaaa!!!!!!


Nanunuod lang ako ng Boys Over Flowers.
Sabi nung babae, “ang pag-ibig ay hindi paghihintay, sundan mo xa!”
Biglang gumuhit ang kidlat sa aking utak. TRABAHO!!!!!!!
Ano ga namang connect ng Boys Over Flowers sa pagkakaroon ko ng trabaho?
Bigla na lang akong nalungkot. Parang walang pag-asa ang buhay ko ngayon ah. (Exaggeration ..: P)
Ito realidad pagkatapos ng graduation at bigla mong maiisip na sana habang buhay ka na lang estudyante.

Two months na akong nakatambay sa bahay. Maikli pa naman daw panahon yun pero naiinip na ako.
Sabi ni utol huwag daw akong mainip.
Sinong hindi maiinip?????
Bakit sila may trabaho na, ako wala pa din.
Nakakalakas nga lang ng loob na marami pa din kame sa batch na mga istambay ngayon..hehehe.. (devil on my shoulder, no job at present..:P)
Overqualified ga?o underqualified?hehe..

Masasabi kong sa pagtigil ko sa bahay eh nagging mas responsableng anak ako ngayo.
Kasipag kong maglinis ng bahy,magluto ng sopas tsaka maglaba.
Makakita lang ako ng tubal eh umiinit na ang ulo ko.
Sadyang ganyan. Tambay pa eh.

Kaso nagiging bobo ako habang nasa aquarium, nagiging goldfish.
Kaya nga ako na ang nagpiprisinta na gumawa ng mga assignments ng mga barkada.
Nitong huli gagawa ako ng book review,haha!!
Dinayo ko pang makuha ang librong yun para me pamasahe at magkaroon ng tirang perang panload.

Nagkaroon ako ng part-time for the previous 5 days Hindi naman talaga yun 5 days. Sana naman makuha ko ang bayad na sinabi nila. Ung fair sana please.. para kahit paano ay mabawi ko ang aking pamasahe at ang pinagpawis ko sa siyudad ng Batangas. Sa sobrang init pwede ka ng magprito at maglabon ng itlog sa gitna ng kalsada.

Ung pera sana ay pamasahe ko paluwas para sa trabaho. Ibigay mo na Lord..

Hindi ako pinupuwersang magtrabaho.
Kaso mo lang, nakakapressure din kapag sinasabi ni ermat at erpat ang ganito:
“kapag si nene ang nagkatrabaho,ako na ang magiging manager ng Avon.”
“kapag si nene ang nagkatrabaho shopping na lang lage kame.”
“kapag si nene ang nagkatrabaho magbabayad na ako ng labandera.”
“kapag si nene ang nagkatrabaho,maghahanda tayo ng isang malaking baboy sa pista.”

Gusto ko namang matupad ito. Matanda na ang mga magulang ko. Hindi naman masyado, early 50’s kaso maaga silang nasa stage ng Senelity eh..hehehe

TRIVIA: Sa Portuguese language ang ibig sabihin ng salitang “NENE” ay “BABY”
Bwahahahaha!!!! Baby pa din ako kahit damulag na.
Kaya pala “INENG” ang pangalan ko sa phone n’ya..hekhek..uy, makeso..:p

“YOU HAVE THE KIND OF SUCCESS THAT OTHER PEOPLE CAN DREAM ABOUT. BUT YOU APPROACH EVERYTHING YOU DO LIKE YOU’RE GONNA FAIL.”

Palinis ng chimineaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Monday, June 29, 2009

ANG MGA BAGAY NA NAMIMISS KO SA SKUL..

Ang pinaka-ultimate kong namimiss ay ang aking “BAON.”
150 pesos lang yun pero makakaipon pa ako ng 50 kada-araw. Hindi kasi ako nakain sa skul.
Minsan PIG-OUT talaga pag badtrip kay BOKALON..sino si bokalon??? ABANGAN.....

Namimiss kong maghintay ng bus sa paradahan kasabay ng ibang estudyante.
Nakakamiss ding maging standing with matching makapal na accounting books, with matching kumot na palda hanggang sakong with matching deadly weapon sa paa. Tek na! sarap manipa ng mgalalaking natutulog..hahaha!! sarap minsan pag stampede sa bus. Yung tipong hindi ka na masisingil ng konduktor.

Kamiss mambalahura ng teacher. Siguro namimiss din nilang mambalahura ng mga senior students. Yung mga nagmamakaawa na tanggapin ang thesis o feasibility studies.
Amanos naman.. bibilangin naming sa mga pamosong salita nila. Tapos sa teacher’s evaluation sheet..hekhek..

Eot na si bokalon.
Namimiss ko si Robocop bokalon! (echusa lang, chika!) baka kulamin ako ‘pag nabalitaan na ikinukwento ko xa sa publiko..hahaha!! pang-akin na lang muna..hahaha!!!

Ok class! “OBEY THE ROLLS, WAIT FOR YOUR TORN.” Tulo luha at laway ko sa pagtawa nung narinig ko ito,hahaha!! Aus din naman timing na pag tinatamad kang pumasok eh pwede kang mag-absent sa subject n’ya. Pumasok ka at magpa-attendance tapos pwede ka ng mag-istokwa..haha!

Paborito ko yung umimbento ng word na “jogalism” hahaha!! Lupeeeeeeeeeeet!!
Galing daw yun sa word na journalism at _________(censored..;p)
Tsaka kung gusto mu daw tingalain mag-paint ka ng building..hahahaha!!

Yung mga gigs sa skul na once in a blue moon. Mga fair na kunwari lang.
Bakit ga walang magdedicate saken ng kanta??;p
Retreats! Outing! Overnights! Samaan ng loob!

Ang word na uwian. Makikipagpayabangan sa mga kabatchmates kung aling course ang mahirap.
In the end, pareho lang mayayabang..hekhek..
Nakakamiss tumambay sa skul..
Wooh!!! Lalo at walang klase.
Tamang kwentuhan,chika, kulitan.
Kain, hunta, kain.
Kahit maghapong tambay lang solve na.
Ang mga holidays, absent si mam o si sir,o kaya pag me program o mga delay na quizzes.
Pero hindi ko namimiss ang corporate attire. Hasel, nakastockings at pag nagka-run pa eh kunsumisyon.
Mas masarap maalala na isinuot ko ang uniform ng skul na yun,hahaha!
(ITO ANG KWENTO ng AKING UNIFORM)

INAY: ‘Ne mag-uuniform pa ga kayo sa next week?
AKO: hindi na ho,bakit ho?
INAY: gagawin ko sanang punda ng unan.
AKO: ayun! Pwede n’yo ng gawinng punda.

KINABUKASAN…..
MAM: class yung mga graduating students ay required umattend ng mass at required kayong mag-suot ng inyong school uniform sa Monday..

Maswerte pa din naman ako hindi sinipag si ermat at hindi n’ya nakita yung gunting.

Masaya talagang maging estudyante ngayon ko pa lang ulet naiisip na sana habambuhay na lang akong pumapasok at nag-aaral sa school.
Wala kang iisipin kundi paano isosolve ang mga accounting problems, kung magkano ang paphotocopy.
Problema mo lang ang pidong kapag wala ng kahit isang sentimo sa bulsa.
Lovelife, projects, major exams, quizzes.

Mas mahirap yata ang buhay ng fresh graduate. Tambay. Walang pera. Panget.

Abangan ang susunod na mga talata at iba ko pang pakikipagsapalaran.

bakit daw asin sa sopas?


ASIN SA SOPAS 2009

Bakit daw asin sa sopas?
“Wala lang, paborito ko ang sopas macaroni.”
Wala akong pakialam kahit katanghaliang pipitik o umuulan.
Basta natripan ng tiyan kong hanapin ang sabaw ng sopas,gO!!
Kahit walang sahog tuloy pa din.
Magdidikit ako ng apoy at mag-a-as-is ng kaldero.
Para makilala mo ang sopas ko lalagyan ko ito ng madaming paminta para ako lang ang makakaubos.

Hayaan mo sa sunod naman papalitan ko ang pangalan ko ng talbos ng kamote.
Pwede ding talbos ng sili…(kumakalam ang sikmura ko sa tinola ng kapitbahay ngayon).
Sa isang araw pwede ding talbos ng kangkong.