Friday, October 5, 2012

SOPAS CHOSE TO LIVE


***Photo credits: ANGELO FAN https://www.facebook.com/angelo.xfanx?fref=ts

I am SOPAS.
I defy life.
 I defy love. 
I got impaired.
I got wasted.

 Recently, I discovered that I’m a weakling.
I’m crying while laughing.
I’m laughing while crying.

But life is not a road if without bumpy edges, without dirty companions, without overtakes.
Oftentimes we will run out of gas leaving us stuck in the midst of nowhere.
 We are sure where we are going but do not know how to get there.
The thing that will ignite the machine is the same flame that we have to find inside our heart to continue the journey.
The big difference between the gas and strive is that the former came from the others while the latter comes from the deepest hope in ourselves.

 People have fooled me.
My soul has been crushed to tiny pieces.
My heart has been traumatized.

Beyond the uncertainties of my voyage, I learned to stand up from the big fall.
 I’m still learning to rise from an acute technical knock-out, giving myself the benefit of the doubt that the future which I do not have an access, holds a big space for me; believing that the plans of great Him are waiting for me.

My self-destructive tendencies are often emphasized.
I don’t mind as long as I’m not losing control.
The scenes have stains making it as a flop movie.
 But I take pride of saying that everything has revisions.

My life is not fuckin’ perfect.
The perfect thing is that my heart is getting its way there to be in good working condition to pursue everything that I would love to do.

Crying is an art.
I’m proud that I cried.

For in the end, a rose will be more sweet-smelling when crushed repeatedly.             

Tuesday, August 21, 2012

X-LOVE (SOPAS' Diaries)

photo credits: Angelo FAN-https://www.facebook.com/angelo.xfanx

Tunay nga namang madami kang mahahagilap na samu’t-sari ng kwento at eksena kapag ikaw ay nagbibyahe.
Mas maganda siguro kung gumawa ako ng sarili kong version ng “Motorcycle Diaries”
Tatawagin ko itong “Sopas’ Jeepney Diaries.”

Pinababa ni Manong Driver ang isang estudyante ng high school ng kalapit kong pinagtatrabuhan.
Tinanong kasi n’ya ang bata kung magbabayad ng pamasahe.
Hindi na ito sumagot ng sinabihan s’ya ng driver na bumaba na ng kanyang sasakyan.

Noon ay katabi ko ang isang ginang ng tahanan na naghihimay ng binili n’yang papaya para daw kanyang pang-atsara.
Ginawa na n ‘ya yun sa loob ng sasakyan para pampalipas oras habang umaandar ang jeep.
Ganito ang aming naging usapan:

Ginang: Neng, bakit pinababa ang bata?
Ako: “Hindi daw po nagbabayad ng pamasahe.”
Ginang: “Paano naman n’ya nalaman na hindi nagbabayad ng pamasahe?”
Ako: “Baka po tanda na  ng driver, tapos ngayon ay hindi na nakatiis at sinita.”
Ginang: “Naku, kawawa naman. Paano na nga lang kung wala talagang baon?”
Sobra naman ang driver. Baka yun ay maglakad na lang pakanila. Pwede namang ilibre na lang.
Ako: “Hindi ko po alam. Pero maigi na din po na ginawa yun ng driver.”
Maigi na po yung tinuturuan ang bata na huwag magnakaw para paglaki n’ya ay hindi n’ya ugaliin.
Doon ho nagsisimula ang maliliit na pangungurakot eh.

Sumang-ayon naman ang ale.

SOFAST critique:

Naiintindihan ko na   malambot na puso ng Ginang.
Isa s’yang ina at natural sa kanya ang pusong maunawain.
Ngunit dahil ako naman ay dalaga, maaring ngang hindi ko maiintindihan kung bakit s’ya ganoon mag-isip.

Marahas ang driver.
Masama sa pakiramdam ang mapahiya.
Subalit mabuti na din ‘yun.
Sa ganoong paraan ay nlalaman n’ya na mali ang kanyang ginagawa dahil iyon ay isang uri ng pagnanakaw.
Dagdag pa doon ay isang kasalanan din ito ng pagsisinungaling.
Nakakaawa nga ang bata dahil pinababa s’ya ng jeepney.
Nakakaawa dahil maari nga s’yang maglakad pauwi ngunit may pagpipilian pa s’ya para huwag masita ni Manong Driver

Pwede s’yang makiusap ngunit hindi n’ya ito ginawa.
Sa halip ngumiti na lang s’ya at dali-daling bumaba.
Ang mga malalaking sakit ng lipunan ay nagsisimula sa mga “small time” na panloloko.
Mabuti ng tinuturuan ang mga bata ng tamang-asal bago pa man sila lumala at maging problema ng lipunan.
Malas mo lang bata at malupit si Manong Driver.
Swerte mo din at kinaawaan ka ng ale.
Ngunit mas maswerte ka dahil ang pagsita sa iyo ng Manong driver ay magtutulak sa iyo na gumawa ng mabuti.

Minsan ay hindi ko maintindihan ang pagmamahal.
Pikit-mata mong tatanggapin at hahayaan ang maling asal.
Magiging magulang din ako.
Sana hindi mangibabaw saken ang pusong mamon.
Magiging magulang din ako.
Sana magkaroon ako ng tama at pantay na pagmamahal

Magiging magulang TAYO.
Sana huwag nating kunsintihin ang maling ginagawa ng ating anak.
Nasa tao ang gawa.
Ngunit kapag nasa magulang ang Awa, anak ay mas lalong magiging kawawa.

Anak din ako.
Gagawa din ako ng mali.
Sana maging maunawain ang magulang ko.
Sana maging mabuti ako.



Thursday, August 16, 2012

HINDI ITO AKIN (CREDITS TO THE OWNER)



*photo credits from ANGELO FAN, https://www.facebook.com/angelo.xfanx
re post: https://www.facebook.com/elrobeliza, via https://www.facebook.com/savcorpuz
RP(c/o Elro's Page): 
"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo...at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun.

"Ang mga babae, masyadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday".

"Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasing tapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba.

Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig.

And if you are with a great girl, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang populasyon nila sa mundo, NAPAKA-LIIT NG TSANSANG MAKAKILALA KA ULIT NG KATULAD NIYA NA MAG TYA-TYAGA SAYO...

Monday, June 18, 2012

SI TATANG AT ANG BILANG NA ISA, DALAWA, TATLO




Maigi naman at umulan.
Lumamig ang paligid.
Napatid ang uhaw ng mga natutuyot na halaman at nabawasan ang alikabok.
Nagkaroon ng pagkakataon na makaligo ang mga taong grasa.

Sumakay si Tatang.
Nakabitin s’ya sa estribo at kaagad na nag-abot ng bayad.
Sa palagay ko ay nasa panggabing edad na s’ya ng sitenta.
Sunog ang balat sa araw na mapula at makintab.
Matipuno ang kanyang katawan.
Na nagdidikta sa aking isip na malakas si Tatang.
Nakakasabit pa nga siya sa jeep bilang parte ng kaarogantehan ng ibang pasahero.
Buti na lang may kaagad na bumaba.

Kulay puti na ang kanyang buhok na may mangilan-ngilang kulay abo.
Ganundin ang kulay ng kanyang bigote at kilay.
Malalim ang mata at tila hindi natutulog.
Umuulan noon kaya ang kanyang mga binti ay puno ng mantsa ng putik.
Ang kanyang paa naman at tsinelas ay basa marahil dahil na din sa pusaw sa lansangan.

Nakasuot s’ya ng kulay asul na sumbrero.
Ngunit nangingitim na dahil sa kalumaan.
Nakasulat sa sumbrero ang pangalan ng girlfriend ni Shrek.
May sakbat s’yang bag sa kanyang likuran.
Ang kanyang sandong puti at puruntong ay halatang madumi at manipis na din.
Sa kanyang kanang kamay ay may hawak s’yang plastic bag.
Puno ito ng mga basura  ng mga bote ng mineral water at baso ng  buko juice.

Maingay sa jeep dahil sa tunog ng “Teach Me How To Dougie” ng radyo ni Manong Driver.
Ngunit sa aking palagay ay hindi yun naririnig ni lolo.
Malayo ang kanyang tingin at tila may sinasabi ang kanyang mga mata.
Hindi man mukhang pagod ang kanyang katawan ay nararamadaman ko na pagod ang kanyang puso.
Wala s’yang pakialam kung yumayanig-yanig ang speaker sa ilalim ng kanyang upuan.
Ang kanyang hindi pagpansin sa tugtog at sa mga sasakyang nakikipag-unahan ay katulad din ng mga pasaherong walang pakialam sa kanyang presensya.

Naalala ko ang aking lolo at ang kanyang katandaan kay Tatang.

“When we go down, will be dreaming safe and sound.
You better know why.
Well baby that’s all I got”

Napakaswabe ng tugtog sa aking tenga.
Hindi katulad ng sounds ni Manong.
Kahit tumatapik-tapik pa ang aking paa, napagpasyahan ko na itigil ang aking pagsasounds.
Nagkaroon ako ng maitim na balak.
Inilagay ko ang phone sa camera settings at pinilit kong kuhanan si lolo.
Ang mga ganitong pagkakataon ay hindi ko kayang palampasin.
Hindi ganun kaganda ang aking gamit na camera dahil sa cellphone lang ito.
Mahirap kapag moving ang subject.
Yung jeep ang moving.
Kaya tinityempuhan ko na kuhanan si Tatang.
Dinamihan ko ang shots para madami akong mapagpilian.

May katabi si Tatang na Ale.
Tingin s’ya ng tingin sa akin.
Yun nga lang, hindi ako sigurado kung nakatingin nga s’ya.
May diperensya kasi ang kanyang mata.
Lampas an ang titig n’ya.
Yun yata ang tinatawag na banlag.
Hindi rin ako sigurado kungalam n’ya na nililitratuhan ko si Tatang.
Magkaganun pa man, hindi n’ya ako mapipigilan(hehehehehehe)

Hindi ko mawari kung si Tatang ay “junk man”.
Naisip ko na baka negosyo n’ya ang paglimot ng mga basura.
O baka naman isa s’yang mamayan na may malasakit sa kalikasan.
Bawal na kasi ang anumang uri  ng plastic ngayon sa siyudad.
Hindi ko naman sasabihin na isa s’yang pulubi dahil lamang sa kanyang hitsura at kasuotan.
Napatunayan ko naman na maliwang ang kanyang isipan dahil nagbayad s’ya kaagad ng pamasahe sa jeep.

Isa talaga s’yang malaking palaisipan sa akin.
Naglaro na ang mga ideya kung may pamilya kaya s’ya.
Kung saan kaya s’ya bababa at kung may permanente s’yang tahanan.
Patuloy pa din ang pagkuha ko ng mga larawan niya.
Binubura ko na lang kapag masama ang kuha.
Patuloy pa din ang pagtingin sa akin ng ale kahit hindi ko taalga sigurado kung sa akin nga s’ya nakatingin.
Bumaba si Tatang.
Sinundan ko s’ya ng tingin kung saan s’ya pupunta.
Malayo man ang jeep ay sinigurado ko kung may pupuntahan nga s’ya.
Pumasok s’ya sa isang iskinita.
Umasa ako nasana mayroon nga s’yang tinutuluyan.

Makabuluhan ang aking pagbyahe noong araw na yun kahit na istorbo sa sarili kong musika ang Teach Me How To Dougie ni Manong Driver.
Solve na ako kahit palaging nakatingin sa akin si ale.

Hapon na noon at lumalakas na ang pag-ambon.
Madaming nag-aabang na pasahero kaya pinatulan ko na ang dumaang bus.
Masikip na dahil sa mga unahang pasahero.
Kahit dalawa ang dala kong bag ay nagtiis na lang ako sa pagsabit sa estribo.
Pilit ko na ilabas ang aking wallet para kumuha ng pamasahe.
Pagtingin ko nagtaka ako.
Buo pa din ang aking 20 pesos.
Bakit buo pa ito???
Gumuhit ang mga pangyayari sa utak ko.
Kumabog ang aking dibdib.
Kaya pala nakatingin sa akin ang ale.
Hindi ako nakabayad ng pamasahe.

Kwang! Kwang!!!







Saturday, March 31, 2012

KARAMBOLA

Balik na naman sa normal na estado ang utak ko.
Ito ang normal ko.
Yung magulo.
Yung sanga-sanga.
Nagtatalunan na naman ang mga idea.
Parang dila ko lang kapag madaming gustong sabihin, nauutal.
Animoy mga langgam na nag-uunahan sa asukal.

Ligaw na ligaw na naman ako.;p
Nililigawan din ako ng panahon.
Ang daming pagpipilian.

Limang lalaki na pare-parehong may sports car.
Saan sila magkakatalo.
Ilusyunada.(^_^)

Alin ang mabuti para sa akin.
Yung para sa akin naman.
Huwag muna yung sa inyo.

Masama sa pakiramdam kapag maraming gusto sa buhay.
Nahihiya na ako sa Diyos eh.
Nagpapasalamat naman ako sa lahat ng biyaya.
Pero bakit ganun ang tao?
Kahit kailan hindi nagiging kuntento.

Ang hirap kapag maraming kaya at gustong gawin.
Hindi alam kung alin ang uunahin.
Hindi din alam kung alin ang pipiliin.
Isang pili ko, ito na ang magiging tadhana ko.

Operation  DECISION-MAKING. PRAY.

Friday, March 30, 2012

"MEA CULPA"



BINOMBA AKO NG MGA MENSAHE.
Pissed.
What the F******
I got sick.

Oppsss!
Pasakalye.

Peste.
Bakit ganun ang mga estudyante.
Nabigay mo ng lahat ikaw pa ang masama sa huli.
Hindi ko naman kasalanan kung bumagsak sila.
Sila naman ang gumawa ng sariling marka.
Nakakabugnot na lilitanyahan ng paghihirap ng kanilang magulang.
Kung makapanumbat sagad na sagad.
Anong karapatan n’yo kung hindi naman nag-aaral ng ayos.
Ipinangutang din ng magulang ko yung pang-tuition naming magkakapatid.
Kapalit nun inayos ko ang pag-aaral ko.

Nagtiis ako ng isang palda nung elementary.
Buti na lang malnourished ako noon.
Natatandaan ko nga nirarasyunan ako ng gulay tuwing tanghali noong grade 3 ako.
Degrade na degrade ang pagkatao ko nun.
Akala ko ang mga batang binibigyan nun ay mga batang walang makain sa bahay.
Sino naman ang hindi masasaktan na para ka ng pulubi na dinadalahan ng pagkain.
Buti na lang nalaman ko na para yun sa mga payat.
Ngayon ko lang naisip ang purpose ng pagiging malnourished ko.
Isa lang ang palda ko.
Wahahaha!

Hindi naman sa walang makain.
Madami namang damo sa paligid.
Madaming talbos ng kamote.
Nilagang talbos ng kamote na isasawsaw sa toyong may kalamansi.
Nilagang kamote.
 Sana mabasa ito ni kamote. (a.k.a FRANCES JOHN JALMANZAR)

Continuation ng hirap ….

Wala akong payong.
Yung ibibili nun, pambili na ng libro ko.
Improvised kapote lang.
Ipinaplastic ko yung bag ko kapag malakas ang ulan.
Naranasan mo ng mabasa ng ulan dahil ayaw ka pasukubin?

Nagbabaon ako sa dahon ng saging.
Masaya na sa tuyo at kanin.
Tuyo at kanin; walang sabaw.
Walang tender juicy hotdog.
Longganisa na yata ang pinaka-tutyal kong ulam.
Recess?  Isang bun ( hindi buns---dalawa na pag me “S”) at ice candy.:P (solve na)

Yung bag ko pinaglumaan lang ng mga pinsan ko.
Kapag may competition sa school, ihihiram ako sa mga merong sapatos.
Buti na lang mababait sila.

Kapag may competition na kailangan ng pera hindi na ako kasali.
Wala kasi kami pera.
Wala kaming maraming pera.

(Mam! Yung pang-tuition naming ipinapangutang lang!!)

Pera.
Iyan ang pinakamahigpit na problema.
S’yempre high school at college  na.
Kelangan na ng pamasahe.
Hindi sapat ang scholarship eh.
Kahit umiinit na ulo ng tatay ko, gumagawa pa din s’ya ng paraan na magkaroon kami ng pambaon.
Naisip ko na magtrabaho.
Naranasan kong  magburda.
Sumasama ako ng pagpuputi ng paminta at kape.
Ang pagpuputi sa English ay harvesting.
Nagharvest ako. Ahahaha!
Nag-Farmville ako.
Nag-alaga din ako ng mga batang makukulit

Noong college naglagari ako sa mga gig.
Kahit pumapasok ng puyat ayos lang.
Hindi na ako hihingi ng pambaon
Nakakapagbigay pa ako sa magulang ko.

Baka sasabihin ng mga estudyanteng nagbabasa hindi ako gumawa ako ng kalokohan.
Naranasan ko din yung mga cutting at absent.
Kaso nga lang sa mga panahon na walang quiz o exam.
Nanulad kaya ako?
Hindi ko matandaan.
Ipagtanong na lang.:)

Ramdam naming magkakapatid yung hirap ng magulang namin kaya nga sinuklian  namin yun ng mabuting pag-aaral.
Kahit lampara lang ang ilaw tuloy pa din ang pag-aaral naming magkakapatid.
Buti na lang ginawa naming laruan ang libro.
Buti na lang wala kaming tamagotchi noon.
Wala ding brick game.
Buti walang facebook.
Walang psp at selpon.
Pero kahit naman meron hindi naman kami sanay sa luho.
Katulad nga ng sinabi ko, pambaon na yung ibibili ng mga mamahaling bagay.
Sabay-sabay kaming magkakapatid na iginapang ng magulang ko.
Iginapang nga ba ang term dun?
Hindi lang iginapang eh, yung term na mas mahirap sa paggapang.

Ok. Ok.
Badtrip ako sa mga estudyanteng makulit.
Call boy at call girl na pala ngayon ang mga estudyante.
Anong akala n’yo saken? Customer?
Ok lang sana kung sasabihin na: mam ang cute n’yo po. Salamat sa 3.00 na grade.
O kaya naman: mam. Ang sexy mo, salamat po sa 4/3  n’yo.

Kunswelo ko na yata yung may dadating na magulang tapos kakausapin ako.
Sarap ng feeling na ipapakita ko yung computation ko.
Tapos hindi ako mahihiya na pagsabihan ko yung bata sa harap ng mga mommy nila.
Ang kulit kasi.
Kawawa talaga yung magulang.
Kitang-kita ko.
Kitang-kita ko ang luho na binibigay sa anak.
Kita ko ang hirap.
Pero hindi yun naappreciate ng anak.

Hindi ko naman sinasabi na kelangang maranasan ng mga estudyante ang mga naranasan ko.
Madrama yun eh.
Hindi na kailanagang umabot pa sa mayroon iiyak at maramdamang ang liit-liit mo.
Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa pag-aaral ko.
Hindi ko namalayan kung paano napagdugtong ng mga mgaulang at kapatid ko ang mga dulo.

Sana lang hindi mahuli ang lahat para sa inyo.
Pagsisisihan n’yo yan
Lalong huwag isisi sa ibang tao ang inyong kasalanan.
Huwag kumbinsihin ang sarili na ginawa n’yo ang lahat kung hindi naman talaga.
Wala naman ang kapalaran n’yo sa kay dean, kay teacher, o kay mommy at daddy.
Kahit pa sagad na ang suporta ng magulang at mananatili kang napatda sa pwesto mo, walang mangyayari.

Earth calling.
Magugunaw na nga ang mundo ayaw pang gawin ng tama ang mga bagay.

WARNING: I suggest we learn to love ourselves before it’s made illegal.