Saturday, July 23, 2011

WALANG PAMAGAT

Nakakapanghinayang.
Kaya ko din naman ang board course kaso madaming nangyaring hindi inaasahan.
Dahil napagod na ako sa kaaral sumuko na ako na maging CPA.
Kung hindi lang madaming problemang dumating sa akin siguro may comma na din ang dulo ng aking pangalan.
Nakakalungkot na hindi ko man lang naranasang magreview at magtake ng board exam.

Hindi ko naman talaga choice ang business course.
Nakigaya lang ako sa mga pinsan at kaklase.
Mahirap kasing mag-aral na hindi idinidikta ng iyong puso ang iyong inaaral.
Kung mayaman lang ako pwede akong pumasok sa malalaki at sikat na university sa Manila.

Kung mayaman ako siguro nakapag-aral ako sa Conservatory of Music.
Pero wala daw pera sa musika.
Pwede ding fine arts.
Hindi lang naman drawing ang pinag-aaralan dun.
Gusto ko kasi ng multimedia arts.

Pwede ding pharmacist na ako.
May board exam yun.
At kung naging pharmacist na ako, may sarili na akong botikang negosyo.

Pwede ding nurse na ako.
O kaya doctor.
Imagination ko lang  ang propesyong yun dahil takot ako sa dugo ng iba.

Minsan ko ding naisipan na masarap na maging dentist.
Nakakainggit kasi yung mga banner ng mga nakakapasa.
Kung dentist na ako ngayon siguro may sarili na akong klinika.
Marahil ako na din ang gumagawa ng pustiso ni Erpat at Mamita.

Pwede ding engineer na ako.
Chemical engineer para tagatimpla ng gamot.hehehe.
Hindi lang naman lalaki ang nagdodominate sa course na ito.
Engr. Maria Carina Ariola……
Ang ganda sana.
Pangarap lang.

Pwede ding nag-criminology ako.
Buti na lng din at hindi.
Naanticipate ko na kasi ang magiging imahe ng pulis  dahil sa kakapanuod ng pelikula ni FPJ.
Pinangarap ko ding maging sundalo kaso mahina daw ang aking katawan.
Payatola kasi ako dati.

Kung ang kinuha ko namang course eh Customs Administration pihong sabay kaming nakagraduate ni Hemats boy.
Nasa Makati Stock Exchange sana ako ngayon.
Pwedeng nasa Bureau of Customs o kaya nasa isang brokerage firm.

Kung nag-Veterinary Medicine, mayamang-mayaman na ako.
Papalitan ko na si Doc Ferdz sa Born to be Wild.
O kaya naman magiging mas sikat pa ako kesa kay Kuya Kim.

Ang dami nga palang course na madaming board exam.
Sayang.
Kaya naman ng utak at loob ko pero hindi kaya ng bulsa.

Tanda ko bago ako mag-college.
Sinamahan ko ang aking itinuturing na bestfriend na kumuha ng UPCAT.
Ngayon ko lang naisip, napakauto-uto ko nga noon.
Bakit ako pumayag na maghintay ng buong araw sa Saint Bridgette?
Sana sinabihan n’ya man lang ako na kumuha din ako ng form at mag-exam.
Hay ang mundo talaga.
Pero tapos na  yun.
Kung kumuha ako ng exam at nakapasa,  siguro nasa Elbi nights na ako palagi o nasa UP MANILA.
Kakayamot din lang maalala.               
Pakiramdam ko tuloy nasayang ang aking buhay.

Kapag nagkaanak ako, hindi ko s’ya pipigilan sa gusto n’yang kurso.
Ayaw ko kasing ng maramdaman n’ya ang nararamdaman ko ngayon.

Sabihin mo man na hindi ako makuntento sa Graduate School ko ngayon eh hindi mo ako masisisi.
Ang hirap ng may pinanghihinayangan.

Para sa mga nagbabasa:
Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?
Kung pahihintulutan ako, gusto ko sanang magtuloy ng Law school.
Kahit hindi makapasa basta magkaroon lang ako ng fulfilment na maranasang magtake ng government mandated exam.
Sana bago ako magwakas sa mundo matupad ang pangarap ko.
Sana lang.


“BECAUSE THE END JUSTIFIES THE MEANS.”

Sunday, July 17, 2011

RECUERDO DE ELEMENTARYA

Nalala ko lang bigla ang aking elementary days.
Ito ang panahong sobrang inosente pa at uto-uto ang mga bata.
Nais ko lang kwento yung mga bagay na natatandaan kong nakakatawa noong nasa elementary pa.


Dahil sa public school ako nag-aral, nasaksihan ko talaga ang lahat ng kalokohan at kasamlangan ng kapwa ko “pupil”.
Hindi estudyante.
Hindi din kolehiyala o kolehiyolo kundi pupil.
Mag-aaral sa tagalong
Mag-aaral sa elementary.


Baka naman nakiuso ka din dati sa sobrang kagalangan kay teacher?
Yun ba gang sa umaga eh maka-ilang beses kang mag-good morning sa minamahal mong guro.
Ibig sabihin kung may twenty na teacher mga twenty times mo din s’yang babatiin.


Mahirap maging guro lalo na sa mga maliit at makukulit na batuta.
Tanda ko noon nung nagpapaliwanag ang teacher ko noong grade 2.
Sisisgaw s’ya ng malakas sa mga bata marahil nakukulitan na s’ya.
Matapos n’yang ipaliwanag ng ubod ng galit ang lesson sa math, mauubos ang isang buo n’yang chalk sa kabibilog ng sagot sa pisara.
Imagine mo na lang kung paanong burahin ang sobrang diin at kapal ng chalk na inilagay ni teacher sa pisara. Hehe


Nagtataka ba kayo kung bakit masipag pumasok ang mga bata kapag malakas ang ulan?;p
Enjoy na enjoy akong pumasok noon kapag may bagyo,
Yung signal number 3 eh pinapasukan ko pa din.
Gusto ko kasing maenjoy yung feeling na kokonti lang ang nakapasok.
Pero ang totoo gusto kong makisali sa payabangan ng mga matatapang pag tag-bagyo.
Hehe..


Dahil sobrang kulit ng mga bata sa elementary naisipan na lang na bibigyan ng parusa ang gagwa ng kasalanan.
Ililista lahat ng maling kilos.
Nag-ingay.
Lumabas ng room.
Nagpasok ng tsinelas sa room.
Nakabasag ng paso.
Nambato ng papel.
Tumawa.
Minsan ang simpleng pag-ngiti eh nakalista din.
Kada isang lista piso ang katumbas.
Pandagdag sa class fund pambili ng floorwax.
Exaggerated.


Pupusta akong naranasan mo ding itaas ng inam ang iyong mga kamay para lang mapabili ni mam ng isang kendi sa canteen.Ü
O kaya naman eh sobra kang magpiprisinta na magtanggal ng balakubak at patay na buhok nya tuwing tanghali with matching paypay pa.


Masaya kaya kapag nauutusan.
Feeling mo ikaw ang reyna at hari ng sangkabataan.
Teacher’s pet.
Ibig sabihin paborito.
Ngunit hindi sa lahat ng panahon masayang maging teacher’s pet..
Ayos din.
Sikat naman eh..hehe


Naranasan mo din sigurong may uutot sa classroom.
Ito yung pinakaayaw ko ng maalala.
Hindi ko matanggap!!!!!!!………………………….


Hindi ko matanggap na naranasan kong amuyin ang pwet ng aking mga kaklase!!!!!!!
Hahahahaha!!!!
Ang hirap din palang maging peyborit ni teacher. Hahaha!


Minsan may umutot sa klase namin.
Buti hindi naman ako ang nakatiyempong umamoy.


Sabi ni klasmeyt: Mam! Si kuwan po ang umutot
Sabi ni kuwan: paano mo nalaman na ako? Nakita mo???
Klasmeyt: nakita ko ang utot mo.
Kuwan: wehhhh????!! Anong kulay sige nga!
Klasmeyt: kulay BLUE!


May utot palang kulay BLUE.
Hahaha!


Swerte mo pa kung utot lang ang aamuyin mo.
Paano kapag may kasama ng explosive substance?
Hindi ko din maintindihan kung bakit noong elementary eh big deal kapag inabutan ka ng malupit na kalikasan sa school.
Humanitarian reason naman na matae.
Normal yun.
Ginagawa ko nga yun araw-araw sa school eh. Nyahahaha! Peace!


Naniniwala na ako na noong bata pa ako eh napakapilya ko na din
Tanda ko ang utos ni teacher noong grade one.
Pabasahin tuwing tanghali ang mga hindi makabasa.
Kakainis.
Yung isang oras ko ng paglalaro eh ibibigay ko pa sa aking kaklase para pabasahin.
Oo.
Inaamin ko nung bata ako pwede akong kasuhan ng human rights violation ng kapwa bata.
Kapag hindi kasi mabasa ni klasmeyt ang ba,be,bi,bo,bu eh kinukurot ko s’ya at pinapagalitan.
Kapag nagkikita kami nung kaklase ko, nagkakatawanan na lang kami.
May asawa na s’ya ngayon.;p
Ako naman ay nagtuturo na sa isang State University.


Kokonti lang pala ang natatandaan kong katatawanan.
Akala ko ay marami.
Baka may suggestion kayo na pandagdag.
Willing kong ieedit ito.
Babayu..;p