Saturday, December 4, 2010

BLUE MOON

Nakakapagtaka.
Bakit lagi kitang napapanaginipan.
Isa ka lang bahagi ng aking imahinasyon na akin ng kinalimutan.
Yes, you’re far from reality.
But at least I know you existed.


Sumulpot ka lang isang tag-araw ng aking buhay.
Sabi mo nga: “and everything’s so blurry and everyone’s so fake,
Everybody’s empty & every one’s so mess up.


Isa ka ngang batang palalo.
Naging estudyante kita sa hamon ng iyong buhay.
Hindi ko lang alam kung ikaw ay may natutunan.
Ang mga detalye ng iyong pagkatao, ang mga marka sa katawan na simbolo ng lahat ng pait at pakikibaka; lahat ng iyan tumatak sa aking puso at isipan.
Hindi ka nahiya na isambulat ang iyong pagkakamali.


Nagulat ako, naawa at natakot sa’yo.
Sino ako para sabihin sa akin ang lahat ng iyan?


Ilang beses ko ding pinag-isipan kung dapat ka ding pagkatiwalaan ng aking mga saya, kalungkutan, at katwiran sa buhay.
Pinangarap kong makita ka, ngunit alam ko na hindi ka handa.
Pinangarap kong marinig sa’yo ang mahiwagang salita.
Alam ko din ang iyong laro.
Hindi ako nadala.
Pinatunayan mong ikaw ay isang bula.


Nagdulot ka ng sakit sa aking pagkatao.
Sa panahong sumisibol ang isang espesyal na pakiramdam, doon ka nawala.
Sa panahong pulido at patas na ang aking gulanit na pagkatao muli ka na naming dumating.
Sa kalagitnaan ng ulan naghuhumiyaw ang sakit na kinimkim ko ng mahabang panahon.
Ano ang pakay mo?
Bakit ka andito?


Masaya na akong nakita ang iyong likuran at ang paru-paro.
Masaya akong pagkatapos ng lahat malaki ang natutunan ko sa’yo.
Masaya akong malaman na nasa mabuti kang kalagayan.
Ano’t-ano pa man, nahigitan mo inaasahan kong mangyari.


Nakakalungkot dahil hindi ako ang kasama mo sa pag-abot ng mga butil ng bituin.


Maliit lang ang mundo; Magkikita pa din tayo.
Maliit lang ang mundo, magtatagpo din ang dulo.


Kung mababasa mo itong pilas na ito, matatandaan mo kaya na sinabi mo?:


Noon ako'y nalulungkot at walang kasama
Kasamang nagmamahal, kasamang umuunawa
Kaya ako'y humingi ng tulong sa Poong Bathala
At kanyang ibinigay magandang diwata


Diwata ikaw ang buhay ko
Diwata ikaw ang pag-asa ko
Diwata ikaw ang liwanag sa buhay kong madilim
Diwata ikaw lamang ang aking iibigin


Ngunit sa pagdaan ng mga panahon
Ako'y muling nalulungkot
Dahil mukha mo'y di na muling nasilayan
At buhay ko'y bumalik sa kadiliman
----INDIO I