Wednesday, January 9, 2013

PAHINGA

phot credits: Angelo Fan--https://www.facebook.com/media/set/?set=a.2996126593725.132767.1579041393&type=3

Minsan nabasag ang iyong puso, mundo mo ay huminto
Pilitin mo mang magmulat, hindi maisingit.
‘Pagkat malasa ang pait ng unang halik
Minsan ikaw ay natakot pairalin ang tibok ng puso.
Pilitin mo mang humakbang ay hindi makagalaw.
‘Pagkat malalim ang sakit ng unang pag-ibig.

Kung hindi mo naramdaman masasabi mong ok lang yan.
Ngnit ang pag-ibig ay mapanlinlang.
Hindi mo ito matatakasan..


Hindi madali ang paghilom
Hindi magdamagan ang paggaling ng sugat ng  kahapon
Hilaw ang saya kung hindi kusang sasara ang tabing ng nabigong pag-asa
Kaya….
Pahinga ka muna...


Tuesday, January 1, 2013

GRACIAS FARSANTE DOSE


photo credits: https://www.facebook.com/angelo.xfanx?fref=ts

DIRETSO na.

Salamat sa lahat ng taong nagmamahal sa akin.
Ang dami n’yo nga pala.
Hindi ko na babanggitin lahat.
Alam n’yo na iyon.
Hindi ko mabibilang at masusukat kung ilang iyak ang aking nagawa dahil sa pagsabog ng aking puso sa saya at sorpresa.

Salamat sa lahat ng aking kaibigan na gumabay sa akin sa panahon ng aking “ALL TIME LOW.”

Yung nagdrive para may kasama ako.
Yung dalawang psychotic. Hahaha!
Yung dalawang Diyosa ng kagandahan na kinalikar ko.
Yung kasabay ko pag-uwi.

Sa mga tengang biningi ko. 
Sa  dakilang abangers.

Sa taong huli kong nakilala pero huli ko ding kasama.
Napakadakila mo; Righteous lion.
Magdasal ka lang palage.

Sa aking extended family.
Kaway-kaway na lang tayo pag nagkasalubong.
Alam ko naman na hindi n’yo ako makakalimutan.

Sa taong nasa malayo na nagsabing ako ay TUNAY.
Salamat.
Natitiis ko naman ang kayabangan mo habang buhay. Wahaha!

Sa lahat ng aking kaibigan na nakakakita ng pagiging tunay na ako.
Salamat at naiyak kayo sa kwento ko habang ako ay ngumingiti na lang.

Yung mga nagpaalala na ako ay “first class citizen’ at hindi pwedeng pantayan ng mga basura.
Yung mga nagsabi kung gaano ako kaganda sa loob at labas. Chareng!!!!

Yung mga taong hindi ako iniwan sa dalawang bote ng espiritu.
My brothers in different mothers and fathers.
Mga kumpare, masaya akong malaman ang mga pangarap n’yo sa akin.
Salamat at gusto n’yo akong sumaya.
Hindi ko kayo makakalimutan.
Maraming salamat at sinalo n’yo lahat ng gulpi ko ng walang alinlangan.
Mananatili kayong may kinalaman sa malaking bahagi ng aking pagkatao.
Huwag n’yo sana akong ipagpapalit basta dahil papaskuhin ko ang mga anak n’yo sa mga susunod na taon.:)

Maraming salamat sa mga estranghero/extrang hero na aking nakausap.
Sa mga bago kong  nakilala at makikilala pa.
Life is dull without newbies.
Sa mga bagong nakakilala sa akin.
Sa mga estudyante ko na mga bago kong fans, mahal ko kayo lalo na kung papasa kayo lahat.

Maraming salamat working place at ginawa mo akong burgis kahit isang buwan lang.
TAYONG KUMAIN SA HINDI MASARAP , BASTA MAHAL!!!!!!

Salamat sa mesa ng restaurant na itatago naten sa pangalang “ TOOOOOOOOOTTTTTT!!!”
Sopas is hardcore.:

Maraming salamat sa aking mga magulang.
Pinalaki n’yo ako na may spinal cord.
Pinalaki n’yo akong matibay at matapang.
Salamat at wala akong narinig kahit anong panunumbat.
Napakaswerte po ng mapapangasawa  ni NINE dahil kayo ay napakamaunawain at mabuting mga nilalang.
Alam ko na kilala n’yo ako kahit hindi kayo nagtatanong.

Sa aking mga kuyang malulupit at mga gwapo, hindi kayo aabante sa akin.
Bwahahaha!

AT HIGIT SA LAHAT……………………………………………………………………………………………………………………………………. MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG TAONG NANAKIT SA AKIN.

Kung hindi n’yo ako sinaktan ay hindi ko malalaman kung hanggang saan ang aking pain tolerance.

Maraming salamat dahil lumiit ang muscles ko at nawalan ako ng bilbil.
Maraming salamat dahil tumaba si Brandy sa aking binalot.
Maraming salamat dahil sa kagustuhan kong kumain ay nakapambakal ako.
Nakatipid ang aking bulsa at hindi nakakahiya sa grasya dahil naubos ko ang laman ng plato.

Maraming salamat dahil mahal “NILA” ako.

Maraming salamat dahil natutunan ko na hindi lahat ng tao ay dapat pagkatiwalaan.
Dahil tunay nga palang may taong doble kara at walang kwenta.
Maraming salamat at ako ay inyong pinaiyak.
Natutunan kong mag- lossen up at makihalubilo sa mga tao.

Salamat at ako ay inyong pinatibay.
Mas matibay kaysa sa inyo habang tumatagal ang panahon.
Salamat at napagtanto ko na madaming ahas sa mundo.
Na tunay ang mga nangyayari sa pelikula.

Salamat at naranasan kong maging “ampalaya anonymous.”
Sa ganitong paraan ay nalaman ko na may mga taong utak ipis na hindi nakakaintindi ng sitwasyon.
Salamat at napatunayan kong mga wala kayong kwenta.
Mga basura lang kayo ng lipunan na walang ginawa kundi magpahirap sa bansa. (wahahahahahaha!!!)
Kapag naging Presidente  ako, sisilaban ko kayong lahat. (Wahahahaha!!)

Salamat at ako ay inyong sinaktan.
Salamat at hindi ako ang nakasakit.;p
Naisip ko din na hindi ako naging kulang,
Mas lalo akong naging buo.

Ang aking paghinga ay kasing luwag ng kalsadang aking dinadaanan.

Lilipas din ang sakit na sa damdamin naiukit.
Hihilom din bawat sugat,  ang hapdi.
Ilang hakbang papalayo sa mga yakap.
Paalam.
Salamat.
                ------SICARIUS

Nagsimula ako sa dose.
Nagtapos din ako sa dose.
Tingnan naten kung anong naghihintay sa akin sa numerong trese.