Saturday, March 31, 2012

KARAMBOLA

Balik na naman sa normal na estado ang utak ko.
Ito ang normal ko.
Yung magulo.
Yung sanga-sanga.
Nagtatalunan na naman ang mga idea.
Parang dila ko lang kapag madaming gustong sabihin, nauutal.
Animoy mga langgam na nag-uunahan sa asukal.

Ligaw na ligaw na naman ako.;p
Nililigawan din ako ng panahon.
Ang daming pagpipilian.

Limang lalaki na pare-parehong may sports car.
Saan sila magkakatalo.
Ilusyunada.(^_^)

Alin ang mabuti para sa akin.
Yung para sa akin naman.
Huwag muna yung sa inyo.

Masama sa pakiramdam kapag maraming gusto sa buhay.
Nahihiya na ako sa Diyos eh.
Nagpapasalamat naman ako sa lahat ng biyaya.
Pero bakit ganun ang tao?
Kahit kailan hindi nagiging kuntento.

Ang hirap kapag maraming kaya at gustong gawin.
Hindi alam kung alin ang uunahin.
Hindi din alam kung alin ang pipiliin.
Isang pili ko, ito na ang magiging tadhana ko.

Operation  DECISION-MAKING. PRAY.

Friday, March 30, 2012

"MEA CULPA"



BINOMBA AKO NG MGA MENSAHE.
Pissed.
What the F******
I got sick.

Oppsss!
Pasakalye.

Peste.
Bakit ganun ang mga estudyante.
Nabigay mo ng lahat ikaw pa ang masama sa huli.
Hindi ko naman kasalanan kung bumagsak sila.
Sila naman ang gumawa ng sariling marka.
Nakakabugnot na lilitanyahan ng paghihirap ng kanilang magulang.
Kung makapanumbat sagad na sagad.
Anong karapatan n’yo kung hindi naman nag-aaral ng ayos.
Ipinangutang din ng magulang ko yung pang-tuition naming magkakapatid.
Kapalit nun inayos ko ang pag-aaral ko.

Nagtiis ako ng isang palda nung elementary.
Buti na lang malnourished ako noon.
Natatandaan ko nga nirarasyunan ako ng gulay tuwing tanghali noong grade 3 ako.
Degrade na degrade ang pagkatao ko nun.
Akala ko ang mga batang binibigyan nun ay mga batang walang makain sa bahay.
Sino naman ang hindi masasaktan na para ka ng pulubi na dinadalahan ng pagkain.
Buti na lang nalaman ko na para yun sa mga payat.
Ngayon ko lang naisip ang purpose ng pagiging malnourished ko.
Isa lang ang palda ko.
Wahahaha!

Hindi naman sa walang makain.
Madami namang damo sa paligid.
Madaming talbos ng kamote.
Nilagang talbos ng kamote na isasawsaw sa toyong may kalamansi.
Nilagang kamote.
 Sana mabasa ito ni kamote. (a.k.a FRANCES JOHN JALMANZAR)

Continuation ng hirap ….

Wala akong payong.
Yung ibibili nun, pambili na ng libro ko.
Improvised kapote lang.
Ipinaplastic ko yung bag ko kapag malakas ang ulan.
Naranasan mo ng mabasa ng ulan dahil ayaw ka pasukubin?

Nagbabaon ako sa dahon ng saging.
Masaya na sa tuyo at kanin.
Tuyo at kanin; walang sabaw.
Walang tender juicy hotdog.
Longganisa na yata ang pinaka-tutyal kong ulam.
Recess?  Isang bun ( hindi buns---dalawa na pag me “S”) at ice candy.:P (solve na)

Yung bag ko pinaglumaan lang ng mga pinsan ko.
Kapag may competition sa school, ihihiram ako sa mga merong sapatos.
Buti na lang mababait sila.

Kapag may competition na kailangan ng pera hindi na ako kasali.
Wala kasi kami pera.
Wala kaming maraming pera.

(Mam! Yung pang-tuition naming ipinapangutang lang!!)

Pera.
Iyan ang pinakamahigpit na problema.
S’yempre high school at college  na.
Kelangan na ng pamasahe.
Hindi sapat ang scholarship eh.
Kahit umiinit na ulo ng tatay ko, gumagawa pa din s’ya ng paraan na magkaroon kami ng pambaon.
Naisip ko na magtrabaho.
Naranasan kong  magburda.
Sumasama ako ng pagpuputi ng paminta at kape.
Ang pagpuputi sa English ay harvesting.
Nagharvest ako. Ahahaha!
Nag-Farmville ako.
Nag-alaga din ako ng mga batang makukulit

Noong college naglagari ako sa mga gig.
Kahit pumapasok ng puyat ayos lang.
Hindi na ako hihingi ng pambaon
Nakakapagbigay pa ako sa magulang ko.

Baka sasabihin ng mga estudyanteng nagbabasa hindi ako gumawa ako ng kalokohan.
Naranasan ko din yung mga cutting at absent.
Kaso nga lang sa mga panahon na walang quiz o exam.
Nanulad kaya ako?
Hindi ko matandaan.
Ipagtanong na lang.:)

Ramdam naming magkakapatid yung hirap ng magulang namin kaya nga sinuklian  namin yun ng mabuting pag-aaral.
Kahit lampara lang ang ilaw tuloy pa din ang pag-aaral naming magkakapatid.
Buti na lang ginawa naming laruan ang libro.
Buti na lang wala kaming tamagotchi noon.
Wala ding brick game.
Buti walang facebook.
Walang psp at selpon.
Pero kahit naman meron hindi naman kami sanay sa luho.
Katulad nga ng sinabi ko, pambaon na yung ibibili ng mga mamahaling bagay.
Sabay-sabay kaming magkakapatid na iginapang ng magulang ko.
Iginapang nga ba ang term dun?
Hindi lang iginapang eh, yung term na mas mahirap sa paggapang.

Ok. Ok.
Badtrip ako sa mga estudyanteng makulit.
Call boy at call girl na pala ngayon ang mga estudyante.
Anong akala n’yo saken? Customer?
Ok lang sana kung sasabihin na: mam ang cute n’yo po. Salamat sa 3.00 na grade.
O kaya naman: mam. Ang sexy mo, salamat po sa 4/3  n’yo.

Kunswelo ko na yata yung may dadating na magulang tapos kakausapin ako.
Sarap ng feeling na ipapakita ko yung computation ko.
Tapos hindi ako mahihiya na pagsabihan ko yung bata sa harap ng mga mommy nila.
Ang kulit kasi.
Kawawa talaga yung magulang.
Kitang-kita ko.
Kitang-kita ko ang luho na binibigay sa anak.
Kita ko ang hirap.
Pero hindi yun naappreciate ng anak.

Hindi ko naman sinasabi na kelangang maranasan ng mga estudyante ang mga naranasan ko.
Madrama yun eh.
Hindi na kailanagang umabot pa sa mayroon iiyak at maramdamang ang liit-liit mo.
Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa pag-aaral ko.
Hindi ko namalayan kung paano napagdugtong ng mga mgaulang at kapatid ko ang mga dulo.

Sana lang hindi mahuli ang lahat para sa inyo.
Pagsisisihan n’yo yan
Lalong huwag isisi sa ibang tao ang inyong kasalanan.
Huwag kumbinsihin ang sarili na ginawa n’yo ang lahat kung hindi naman talaga.
Wala naman ang kapalaran n’yo sa kay dean, kay teacher, o kay mommy at daddy.
Kahit pa sagad na ang suporta ng magulang at mananatili kang napatda sa pwesto mo, walang mangyayari.

Earth calling.
Magugunaw na nga ang mundo ayaw pang gawin ng tama ang mga bagay.

WARNING: I suggest we learn to love ourselves before it’s made illegal.