Saturday, December 10, 2011

PULANG LASO MUNA TAYO..

Fist time kong susulat ng may kabuluhan.
Yata..
Madali lang ito.
One, two, three…..
Go!!!!!!

Ano ang misteryo at may teacher na nagtitinda ng longganisa?
Bakit palaging late ang sweldo?

Bakit may mga baku-bakong kalsada?
Ang mga barangay kayang liblib ay sadyang hindi abot ng linya ng kuryente?
Oh di kaya’y sadya lang walang kuryente para sa pag-usad ng bidding ng  pondo?

Bakit mataba ang mga Congressman?
Bakit “out of fashion’ ka kapag hindi ka corrupt sa gobyerno?
Bakit nagkakaroon ng corrupt?
Bakit dapat makapal ang mukha mo kapag nagtatrabaho ka sa BIR at sa Customs?

Bakit mabagal ang transaksyon  ng gobyerno?
Bakit panget justice system?
Kalian mabibigyan ng hustisya ang mga api.
Mapaparusahan nga kaya ang Ampatuan clan?
Mabibigyan ba n g hustisya ang pagkatalo ni Fernando Poe Jr.?
Mabibigyang katarungan kaya ang panloloko sa mga Pilipino?
Mapapamigay na ba talaga ang mga lupain sa mga biktima ng Hacienda Luisita?

Ayon sa principles of Management:
An organization should have simplicity. Unnecessary elements should be eliminated from all activities as well as from the process and procedures established for carrying them.

Dahil sa sobrang bagal ng pagproseso ng mga transaksyon.
Nauuso ang lagay.
Nauso ang maging corrupt.
Madami ang umiiyak.

Itanong mo ngayon kay google kung ano ang RED TAPE.

Red tape…
------------ is excessive regulation or rigid conformity to formal rules that is considered redundant or bureaucratic and hinders or prevents action or decision-making. It is usually applied to governments, corporations and other large organizations.


Sunday, October 16, 2011

SA KANYANG SAPATOS


Teacher’s day pala noong isang araw.
Hindi ko naramdaman maliban na lang sa panaka-nakang pagbati ng mga bata.
May nagtetext.
May nagppopost sa wall ko.
Ang humble kong estudyante naman ay kinantahan ako ng happy teacher’s day to the tune of happy birthday. (kantahin n’yo sa isip n’yo.)
Nakaka-tats ng konti.
Hindi ko naman pinangarap na maging teacher.
Naengganyo lang ako kasi medyo malaki ang kabig.
Bawal na ang plastic sa Batangas.
Mahirap maging guro.
Kaya ko namang magpaliwanag ng lesson kaso mahirap maging huwaran.
Hindi ako sobrang mabait na tao.
Maldita nga ako eh.;p
Kapag nalalaman ng mga kaklase at kabarkada ko na nagtuturo ako sa university, nakakaloko ang reaksyon nila.
Wala daw matututunan ang mga estudyante sa akin.
Ok lang.
Yun naman ang gusto kong reaksyon nila eh. Hahaha!
“Hindi mo kailangang magdamit ng magarbo para lang seryosohin ng mga tao.”
I say no to corporate attire.
Pero may mga pagkakataong kelangang sumunod dahil kelangan talaga.
Ito naman ay huntahan lang natin kaya pagpasensyahan n’yo na ako.(^_*)v
Ibibigay ko pa din ang opinion ko.
Blog ko ito eh..:p
Noong unang araw na pumasok ako sa classroom, naka-chuck taylor ako suot ang paborito kong t-shirt blouse.
Malay ko kung magsisimula na pala.
Ang alam ko lang noon kukuha ng subject load.
Pero dahil judgement day ko na, pasok lang sa classroom.
Inaasahan ko na ang reaksyon ng mga bata.
Ganyan talaga.
Kyut talaga ako. ;p
Madaming benefits kapag hindi ako nakasuot ng corporate attire..
Unang-unang, para akong may anting na invisibility.
Hindi ako napapansin ng kapwa teacher dahil nagbe-blend ako sa mga estudyante.
Parang hunyango. Hehe
At ang pinakagusto kong parte, sinusuklian ako ng Mamang Drayber. (^_^)v
Naiintindihan ko naman na kelangang maging presentable.
Kaso,katwiran ko, lalo lang tinuturuan ng panuntunang ito na maging plastic ang mga tao.
Sabi ko nga sa mga bata, mas gusto ko na nakadamit ordinaryo.
Kapag gayak timawa ka kasi mas nalalaman mo kung sino ang tunay sa iyo..
Mas gusto kong inirerespeto ako kahit pa naka-tsinelas lang ako.
Dahil usapang paggalang tayo, babangitin ko na din.
Palagi kong ipinaalala sa mga bata na kahit hindi ako huwarang guro maging asal estudyante man lang sana aking harapan.
Ang susuway, patay. Joke lang.;p
Ang mahirap sa pagiging teacher dapat role model ka ng lahat.
Kaso hindi nga ako role model eh.
Roll model ako. Chareng!
Hindi ko matagalan ang palaging “po at opo” kahit sa mga faculty na kaedad ko lang.
Hindi ako sobrang galang na tao.
Hindi din naman ako bastos.
Pakiramdam ko kasi nagpoproject ako ng imahe na hindi ako.
“Hindi ka maiisalba ng talent mo.”
Napansin ko lang sa ibang estudyante, asa na sa incentives.
Yung wala pa din sa klase pero kapal muks naman kapag pumasok.
S’yempre lagi akong mayabang.
Ibibida ko ang sarili ko.
NA NAMAN.
Noong kapanahunan ko naman nakakasali din ako sa mga extra-curricular activities pero kahit kelan hindi ko pinabayaan ang aking pag-aaral.
Hindi ko inaasahan na magkaroon ng incentives mapwera na lang sa isang subject na boplaks talaga ako.
Mas maige na yung ginagawa mo ang isang bagay na bukal sa iyong kalooban kesa mayroon kang inaasahan.
Salamat sa aking kaibigan sa pagpapaliwanag.
Salamat Mac sa pagpapaliwanag.
Ngayon ko lang narealize ito pero inaapply ko naman matagal na sa pag-aaral hindi lang sa pakikitungo sa tao.
Hindi ko alam kung tutubuan ako ng puso ngayong unang semester ng pag-aaral.
Madami kasing malokong estudyante.
Wala na ngang grades, sutil pa.
Pero handa naman akong magbigay ng second chance.
Iba daw ang gurong dalaga sa may anak na.
Hindi ko pa maiintindihan ang pakiramdam ng may anak na tinu-tuition.
Pero sana tubuan ako ng kunsyensya.
Siguradong hindi ako makkatulog sa susunod na lingo.
Tiba-tiba na naman ang mga tagiyawat sa aking mukha.
Dear Brother God,
Mahirap magturo.
Sana po hindi madelay ang sweldo…
Kawawa naman ang mga sinusustento ko..
HAPPY WORLD  TEACHER’s DAY!!

Sunday, September 4, 2011

Q & A PORTION


Puro pag-ibig na yata ang naisusulat ko ngayon ah...

Masarap din palang maging DJ paminsan-minsan.hindi ng mga kanta 
Kundi tagapayo sa mga caller na gustong maging maaliwalas ang pakiramdam.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni papa Gervin kapag kinukulit ko s’ya ng walang humpay na tawag..hehe
Peace yow..:)

Napuyat ako ng todo noong isang gabi.
Ayaw ko man na mapuyat at madagdagan ang aking tigidigyawat,  matiyaga kong sinagot ang mga katanungan ng aking kaibigan.

Puro plantsa daw ang kanyang lovelie.
sa palagay ko, lahat naman ay dumadaan sa plantsa.
 Pabiro n’yang sinabi na alipin s’ya ng pag-ibig.

Akalain mo yun.
Ang kaibigan kong puge ay alipin ng pag-ibig.
kunsabagay, lahat ay pantay-pantay pag pag-ibig na ang usapan.

Ito ang mga sumunod n’yang tanong:

Posible ba na ang isang babae na nasa relationship na ay mainlove pa sa iba?.
S’yempre, walang imposible sa mundo.
Kung ang lalaki nga naiinlove sa iba kahit pa sabihin n’ya na faithful s’ya.
Kaya nauso ang salitang two-timer di ga mga kosa?;p

Dalawang bagay lang naman kung bakit nagyayari ang mga ito.
May mga pagkukulang na hindi napupunuan kaya nagkakawalaan.
 O kaya naman, talagang hindi lang maging responsible ang nasa relasyon.
lumalaki ang ulo dahilsa mga atensyon na nakukuha sa iba sabay patol sa bola hanggang sa ang bola ay tumalbog- talbog na at magkaroon ng pogi points ang dumidiga..

Madali bang mawala ng pagka-inlove ng babae?
Eto naman ang opinion ko…………………

Kapag unag nainlove ang babae mas mauunang  mawala ng tibok sa kanyang puso.
Pero kung huling nain-love ang babae matagal mawala yun.
Gusto mo pa ng mas mahabang paliwanag?

Case to case basis na naman.
Ganito kasi yun para sa akin. Para sa akin lang ha?
Kung ikaw na nagbabasa ay isang lalaki at habang nanliligaw ka eh nakita mo agad na may pag-asa ka, ibig sabihin  unang nainlove sa’yo ang babae.
Pero kung nanliligaw ka at sinagot ka agad ng wala ng isip pa, kapag sinuswerte ka, marerealize  ng babae na mahal ka pala talaga n’ya.
Magulo pa?:)

Kapag madali bang nakuha madali ding mawala?.
Wala sa tagal ng courtship ang relasyon.
Iyan ay nasa pag-uusap ng dalawang tao.
Ang pag-ibig ay hindi katulad ng pagtaya mo sa color game sa perya na kapag trip mo ang isang kulay basta mo tatayaan. At kapag ayaw mo ng makabawi sa pagkakatalo eh ayawan na.
Iyan ay choice at desisyon.
Para kang bumibili ng damit.
Pipiliin mo kung alin ang pinakamainam na komportable sa iyong katawan.
Kung napabilis ka ng pagbili at pagdating mo sa bahay ay nakita mo na hindi maganda ang kulay nasa sa’iyo na yun kung ipamimigay o paninindigan mong isuot.

Heto ang last at walang kamatayang tanong:
NANINIWALA KA BA SA DESTINY???????
Kung ang kaibigan naming si UTOT ang tatanungin mo ng ganyan, ganito ang sagot n’ya.

PARE, NGAYON MO IPAKILALA SA AMIN ANG DESTINY NA YAN AT BIBIGTIHIN KO!!!

Kung naniniwala ka sa destiny, paniniwala mo yan.
UNLITALK------tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana.
Kung papabayaan mo na mawala ng taong mahal mo, mabilis s’yang sasaluhin ng mga buwitre sa paligid.
Tsaka lang magiging destiny ang isang sitwasyon kung nagawa mo nang lahat ng effort..

Ang desisyon mo ang basehan ng iyong tadhana.





NA NAMAN??

Minsan iibig ka sa isang taong hindi mo nakikita.
At dadating ka sa oras na malalaman mong wala na pala s’ya.

Ako ang iyong diwata sabi mo.
Wala naman akong itinawag na iba sa’yo maliban sa buo mong pangalan.
Ang iyong pangalan;  ang pakiramdam ko ay kumakain ako ng potchi candy kapag aking binibigkas.

Hindi ako nacurious sa kung ano mang yaman mayroon ka o sa estado ng inyong pamilya.
Basta ang alam ko dumating isang tag-araw para pukawin ang puso kong noon ay walang ginawa kundi makihati sa sayang nararamdaman ng iba.

Hindi ko alam at kung saan nagsimula ang ating pagkakaibigan.
Sa rock and roll na usapan tayo ay nabuhay.
Hanggang nahantong sa usapang kumplikado at masakit saloob.

Hindi ko alam kung trip mo lang ikuwento ang hinanakit mo sa mundo.
Hindi ko din alam kung seryoso kang sabihin sa akin lahat ang iyong naranasang pagkadapa.
Sa lahat ng kwento mong iyon, tinapatan ko ng pang-unawang higit pa sa pang-unawang ibinibigay ng ina sa kanyang anak, ng kapatid sa kapatid, o ng pang-unawang pangkasintahan,.
Hindi ko amalaman kung bakit habang tumatagal na hindi kita nakikita, may sumisibol na bulaklak sa aking puso.
Hindi ako ang  tipong aamin na mahal na kita.

Habang tumatagal ang pag-uusap natin ay nagiging malalim.
Natuto ka ng bolahin ako at pasayahin.
Isang salita mo lang ako ay natutunaw at natutulala.
Palihim na nagdadasal n asana ay matuloy na nga.

Isang araw na ako ay nagulat ng alukin mo ako ng isang relasyon.
Sapagkat bago sa aking pandinig ako ay kinabahan.
Paano ko mamahalin ang isang taong sa boses ko lang nakilala?
 Masaya.
May thrill sabi nga nila.
Ngunit nung ikalimang araw sinabi mo na ayaw mo na at nahihirapan ka.
Masakit man sa akin ikaw ay aking pinakawalan.
Hindi ko alam kung ano ka talaga?
Kung magulo lang o natatakot ka na na b aka lumalim ang relasyon at hindi ka handang ako ay Makita.
Inaamin ko na lubha akong naghinagpis sa isang linggo nating pag-ibig at natutunang pakawalan ka,

Isang araw na galiing eskwela biglang may dumating na mensahe sa akin at kasabay ng buhos ng ulan  ako ay naiyak,
Corny man sasabihin ko sayo na mayroon akong testigo na nagtataka at hidi na alaman ang gagawin upang ako ay patahanin.
Bakit hindi ka patas?
Pinilit kong huwag kang pansinin, pero nanaig ang damdaming naghihingalo dahil sa iyong  paglubog-litaw.
Gusto sana kitang tanungin.
“MAHAL MO BA AKO O LAHAT AY TRIP MO LANG?”
HINDI AKO NANINIWALANG HINDI KA NASASAKTAN.

Lumipas ang panahon…

Nakita din kita.
Isang humahagibis na lowtoys car ang aking nadungawan sa bintana ng aking sinasakyan at natiyak ko na ikaw nga iyon.
Muli bumalik ang ang korning alaala ng kahapon.
Andun pa din ang pilat na ginawa mo noon.
Ang pagtakas sa damdamin na pinilit mong patayin.

Hanggang sa isang araw nalaman kong kasal ka na pala.
Wala na akong pag-asa.

“Goodbye, nice to know you.”
                                                --------INCUBUS


Saturday, July 23, 2011

WALANG PAMAGAT

Nakakapanghinayang.
Kaya ko din naman ang board course kaso madaming nangyaring hindi inaasahan.
Dahil napagod na ako sa kaaral sumuko na ako na maging CPA.
Kung hindi lang madaming problemang dumating sa akin siguro may comma na din ang dulo ng aking pangalan.
Nakakalungkot na hindi ko man lang naranasang magreview at magtake ng board exam.

Hindi ko naman talaga choice ang business course.
Nakigaya lang ako sa mga pinsan at kaklase.
Mahirap kasing mag-aral na hindi idinidikta ng iyong puso ang iyong inaaral.
Kung mayaman lang ako pwede akong pumasok sa malalaki at sikat na university sa Manila.

Kung mayaman ako siguro nakapag-aral ako sa Conservatory of Music.
Pero wala daw pera sa musika.
Pwede ding fine arts.
Hindi lang naman drawing ang pinag-aaralan dun.
Gusto ko kasi ng multimedia arts.

Pwede ding pharmacist na ako.
May board exam yun.
At kung naging pharmacist na ako, may sarili na akong botikang negosyo.

Pwede ding nurse na ako.
O kaya doctor.
Imagination ko lang  ang propesyong yun dahil takot ako sa dugo ng iba.

Minsan ko ding naisipan na masarap na maging dentist.
Nakakainggit kasi yung mga banner ng mga nakakapasa.
Kung dentist na ako ngayon siguro may sarili na akong klinika.
Marahil ako na din ang gumagawa ng pustiso ni Erpat at Mamita.

Pwede ding engineer na ako.
Chemical engineer para tagatimpla ng gamot.hehehe.
Hindi lang naman lalaki ang nagdodominate sa course na ito.
Engr. Maria Carina Ariola……
Ang ganda sana.
Pangarap lang.

Pwede ding nag-criminology ako.
Buti na lng din at hindi.
Naanticipate ko na kasi ang magiging imahe ng pulis  dahil sa kakapanuod ng pelikula ni FPJ.
Pinangarap ko ding maging sundalo kaso mahina daw ang aking katawan.
Payatola kasi ako dati.

Kung ang kinuha ko namang course eh Customs Administration pihong sabay kaming nakagraduate ni Hemats boy.
Nasa Makati Stock Exchange sana ako ngayon.
Pwedeng nasa Bureau of Customs o kaya nasa isang brokerage firm.

Kung nag-Veterinary Medicine, mayamang-mayaman na ako.
Papalitan ko na si Doc Ferdz sa Born to be Wild.
O kaya naman magiging mas sikat pa ako kesa kay Kuya Kim.

Ang dami nga palang course na madaming board exam.
Sayang.
Kaya naman ng utak at loob ko pero hindi kaya ng bulsa.

Tanda ko bago ako mag-college.
Sinamahan ko ang aking itinuturing na bestfriend na kumuha ng UPCAT.
Ngayon ko lang naisip, napakauto-uto ko nga noon.
Bakit ako pumayag na maghintay ng buong araw sa Saint Bridgette?
Sana sinabihan n’ya man lang ako na kumuha din ako ng form at mag-exam.
Hay ang mundo talaga.
Pero tapos na  yun.
Kung kumuha ako ng exam at nakapasa,  siguro nasa Elbi nights na ako palagi o nasa UP MANILA.
Kakayamot din lang maalala.               
Pakiramdam ko tuloy nasayang ang aking buhay.

Kapag nagkaanak ako, hindi ko s’ya pipigilan sa gusto n’yang kurso.
Ayaw ko kasing ng maramdaman n’ya ang nararamdaman ko ngayon.

Sabihin mo man na hindi ako makuntento sa Graduate School ko ngayon eh hindi mo ako masisisi.
Ang hirap ng may pinanghihinayangan.

Para sa mga nagbabasa:
Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?
Kung pahihintulutan ako, gusto ko sanang magtuloy ng Law school.
Kahit hindi makapasa basta magkaroon lang ako ng fulfilment na maranasang magtake ng government mandated exam.
Sana bago ako magwakas sa mundo matupad ang pangarap ko.
Sana lang.


“BECAUSE THE END JUSTIFIES THE MEANS.”