Animapu’t anim na taong gulang na
si Juan Bantugon.
Sabi niya ang kanyang angkan ang isa sa
pinakamayaman sa Mabini, Batangas.
Ngunit sa kanyang angkan siya na ang pinakamahirap.
Kinalimutan o sadyang nagpalimot, ay hindi matiyak.
Matanda na at payat para sa kanyang edad si Mang
Juan.
Umuubo-ubo at mabagal maglakad.
Nakabanil ang mga ugat sa braso at binti at medyo
uugod-ugod habang naglalakad.
Sabi ni Mang Juan, nagkasakit siya dahil sa bisyo.
Alak at sigarilyo ay libangan niya noong kabinataan.
Tumigil lamang noong pinayuhan ng doktor na
kailangan na niyang iwan ang kaibigan niyang bisyo.
Naninirahan si Mang Juan sa isang maliit at payak
na bahay na sa tingin ay mukhang nangangailngan ng operasyon.
Ang kinatitirikan ng kanyang bahay ay pag-aari ng
isang taga-Maynila na hindi naman nila nakikita simula’t-sapul.
Nagtayo lang sila ng bahay at wala naman daw
sumisita.
Si Jhonny at ang kinakasamang si Irene, si John
First lee na kanilang anak, si Jinggoy, Alexis at Nico ang mga kasama ni Mang
Juan sa kanyang tahanan.
Wala na ang kanyang asawa, iniwan o wala na talaga
ay hindi maliwanag.
Si Jhonny ay isang parking attendant.
Si Irene ang nangangasiwa ng bahay.
Si Jinggoy ay namamasada gamit ag kanyang tricycle.
Sina Alexis at Nico ay mga estudyante ng high
school.
Ang aking mga tanong na bitbit ay tungkol sa
programa ng gobyerno.
Bilang matanda ay madami siyang komento tungkol
dito.
Nag-aalala s Mang Juan para kay Alexis at Nico.
Mataas ang pangarap ng dalawang bata na
makapagtapos ng kolehiyo.
Natanggal ang scholarship grant ng dalawang bata
dahil hindi naabot ang kotang marka.
Ganun pa man, buo ang paninidigan ni MAng Juan na
matalino ang kanyang mga anak.
Ang sabi ni Mang Juan, kung alam lang niya na ganun
ang kahahantungan ng kanyang pamilya ay pinagbuti niya ang pag-aaral niya.
Nag-iisa siyang anak at pinag-aaral ng kanyang
magulang ngunit hindi siya nakinig.
Kaya ngayon, nalulungkot siya para sa kanyang mga
anak na may interes sa pag-aaral ngunit problema ang pang-ayuda sa araw-araw.
Panalangin niya sana makatapos ang dalawa.
Bahagyang nagkwento si Mang Juan sa kanyang buhay
pag-ibig.
Para sa kanya, ang tunay na pag-ibig ay yung hindi
lumilipas.
Hanggang ngayon daw ay mahal pa din niya ang unang
babae na kanyang minahal.
Tunay na pag-ibig daw ang kanyang naramdaman kahit
na hindi sila ang nagkatuluyan.
Bagama’t inaatake ng ligalig si Mang Juan dulot ng
katandaan, mabait naman ito ayon kay Irene.
Hindi ito mahilig makipag-usap sa kapit-bahay lalo
at wala naming mapapala kundi chismis.
May transisitor radio si Mang Juan na kanyang libangan.
Sa halip na makipaglimayon sa kapit-bahay at
magsugal, nagtatanim si Mang Juan sa paligid.
Napapakinabangan niya ang kanyang mga tanim na
prutas at gulay sapagkat maya’t-maya ay may sumusulpot na batang uhuguin upang
bumili ng Indian mango na sa tingin ko ay bubot pa.
Ipinagbebenta niya ito ng mamiso.
Ayon pa kay Irene, inaapi ang pamilya ni Mang Juan.
Pinagchichismisan ang pamilya BAntugon ng mga taong
nasa paigid.
Walang linya ng kuryente si Mang Juan.
Nakikisipi lang sila sa kaptbahay nilang
mag-asawang lalaki.
Limang daan piso ang bayad nila sa kuryente.
May isa silang tv, electric fan at dalawang ilaw na
malimit ay patay.
Inalok daw sila ng pampatipid ng kuryente ngunit
ganun pa din kanilang ibinabayad.
Sa pagitan ng aking interview palagi niyang sinasabi sakin na pasensya
na daw at hindi na ako nagmeryenda. Ang sabi ko naman ay huwag ng mag-abala
dahil isang basong tubig lang ang aking kailangan.
Sabi ni MAng Juan, sana daw lahat ng nabanggit kong programa ay
mapamahagi ng gobyerno lalo sa mga katulad nilang kapos.
Panalangin lang ni Mang Juan makatapos ang dalawa niyang anak upan
hindi magaya sa kanya.
Bago ako umalis binigyan ako ni Mang Juan ng apat na manga.
Pagdamutan na lamang daw ang kanyang nakayanan dahil medyo kapos
talaga.
Umakyat si Mang Juan ng puno para muling pagbilhan ang mga batang
uhugin.
JUAN BANTUGON.
BANTUGON JUAN.