Saturday, January 29, 2011

ALUMNI HOMECOMING

Uuwi na ako.

Wala nang mabigat na bag tuwing Lunes.
Hindi na gigising ng maaga at malalamigan ang likod.
Hindi na magpipigil jumingle o kaya paminsan-minsang pagpigil ng jebs.(hehe)
Wala ng masakit na likod sa byahe.
Wala ng masikip na MRT.
Hindi na maglalakad ng malayo punta sa opisina.
Hindi na maje-jaywalking.
Hindi na matatrapik.

Isang taon at limang buwan.
Routinary.
Luluwas, babalik.

Bakit?
Sa gusto ko eh.
Kasalanan mo ba ga iyon? (pilosopong sagot..Ü)

Napapagod na din kasi ako.
Paroon at parito.
Mahabang byahe.
Maingay na paligid.
Maliligalig na tao.
Maduming lungsod.
May bayad ang bawat kilos.

Magpapaalam na ako mabangis na lungsod.
Hanggang sa muli nating pagkikita.
Paminsan-minsan ay dadalawin kita.
Sisilipin kung may ipinagbago ka.

Salamat sa mga konduktor at driver ng bus.
Kahit minsan hindi nyo ako binigo sa ligtas na byahe.

Sa aking tinirhan, kina lolo at lola.
Salamat po kahit kayo ay bigla kong tinakbuhan.
Babawi naman ako bago matapos ang mga araw ko.

Salamat sa aking pinasukang kumpanya.
Madami akong natutunan sa’yo kahit paminsan-minsan ikaw ay aking isinusuka.
Dala lang iyon ng pagod na binibigay mo sa akin.
Sa kabuuan ay mataas ang iyong marka.
10------ karta diyes.
Pasensya ka na.
Matapos kong kunin ang lahat sa’yo ako ay aalis.
Alam mo naman kung bakit.

Salamat sa aking mga KAIPISINA.
Malaking aral ang aking nakuha.
Bagama’t may mga taong nambalahura sa akin sa ilan sa inyo,
Ipinagdadasal ko pa din ang harmonious n’yong pagsasama.
Sana maiwasan na ang crab mentality.
Sana pagtulungang itaas ang bawat isa.
Dapat ipagdiwang ang APIR DAY sa tuwi-tuwina.

Sa iilan na natuwa sa aking mga knock-knock jokes at kakornihan,
Binabati ko kayo at nakadaupang-palad n’yo ang isang tulad ko.
CHAROT!!!!!!!!! Hahaha!

 Sa lahat-lahat ng dapat pasalamatan,
Hindi ko malilimutang banggitin ang mga pulubi sa kalsada.
Ang mga namamalimos.
Si lolo, si inay at itay na kumakanta,
Ang mga nagtitinda sa lansangan.
Sa inyo ako kumuha ng lakas na bumangon sa tuwing ako ay sugatan.

BRO,
Kahit pa tahimik ka d’yan, mananatili kang andito a aking puso.
Punks na kung punks, pero alam mo na ikaw ay laging nasa aking isipan.
Salamat sa paggabay mo sa aking rock en roll na adventure.
Samahan mo sana ulet ako sa aking sunod na pupuntahan.

Hanggang sa muli..
Paalam..♪♫♪♫♫♪



Saturday, January 22, 2011

THE DAWN..


Lolo ano pong ginagawa n’yo  d’yan?
Sa tantiya ko ay nasa edad 70 na kayo.
Suot mo ang iyong sumbrerong yari sa buli.
Hindi ko nakita, pero may kapansanan din yata iyong mga mata.
Kupas ang iyong damit at pantalon katulad ng kupas na panahon.

Hindi po ako makakababa sa sinasakyan kong jeep para ikaw ay lapitan.
Pinilit kong habaan ang aking leeg para maabot kayo ng tingin.
At ng makalampas ang aking sinasakyan, hindi ko namalayang may likido sa balintataw.
Malungkot.
Nakakahabag ang iyong tanawin.

Makulimlim at umaambon po lolo.
Baka ikaw ay magkasakit.
Nakatayo ka sa tabi ng highway.
Kilik ng mga putol mong braso ang  lagayan ng limos.
Dumadaan ang mga tao.
Sana bigyan ka nila kahit konting barya.
Kung lolo kita at apo mo ako, hindi kita hahayaan sa kalsada.
Matanda ka na lolo.
Kelangan mo ng pahinga na bagay para sa isang matanda.

Kahit paano nabawasan ang pag-aalala ko ng malaman ko na may pamilya ka pala.
May sumusundo at naghahatid pala sa’yo d’yan sa iyong pwesto.
Ngunit bakit ganun?
Bakit ikaw pa ang kelangang tumayo d’yan.
Hindi na kita huhusgahan.
Siguro nga masyadong mahirap ang iyong pamilya kaya ganyan ang sitwasyon.

Hangad ko na dumating ang araw na magretiro ka na sa iyong gawain.
Sana Makita ka ng “ Wish Ko Lang.”
Hindi ko kasi maasikaso na isulat sa kanila ang iyong buhay.
Sana sa libo-libong dumadaan sa highway na yan, may isang magmalasakit sa’yo.
Hindi ko na kasi yun maiintindi dahil aalis na din ako.

Ipananalangin kita lolo…

Saturday, January 8, 2011

ASSESSMENT 2010


--Narealize ko na dalaga nga pala ako.
Kelan ko huling binigyan ng reward ang sarili ko?August 2009.
Ayos lang, nakikita ko naman ang aking pinaghirapan.
Baka kasi maibili ko pa ng Krispy Kreme(pronounced as krem) ang aking pera kaya dali-dali ko ng ikinapit sa aking sahig at lababo.(^-^)

-Nagsusuot na ako ng dress.
Sa buong  2010, mga 3 beses akong nag-astang babae.
Nagsuot ako ng gown sa sagala.
Nag-cocktail dress sa wedding anniversary ng aking kaibigang Teletubbies(a.k.a Kimpoy)
Uy, extra. Hahaha!
Itong huli sa Christmas party.
Hindi makaget-over ang mga fans ko.
Yeah, late bloomer ang sopas.(^-^)

--May bago akong kaibigan.
ADDY is fantastic.
Addy is balahura.
Addy is the epitome of a schizophrenic in a normal schizophrenic world.
I love ADDY! (hindi ako tomboy!!!)
Balahura ako; mas balahura s’ya,.
Baliw ako pero mas baliw s’ya.
Masayang isipin na may kasama kang nanunuod ng ipis sa kalsada habang nagkukwentuhan ng daloy ng buhay na hindi emo style.
Special talent namin na amuyin ang naiwang bakas ng mga aso.
(Ewwwwwwwww!!) that’s effing gross...;p
Naghihinayang ako sa apat na taon sa college na hindi ko s’ya nakaclose.
Nakakapanghinayang na tsaka ko lang s’ya nakakausap kapag naniningil lang s’ya ng bayad sa photocopy.
Sana makasama ko s’ya hindi sa trabaho.
Baka mag-away pa kame sayang naman..;p

-May bago na namang lalaki sa aking buhay.
Don’t get me wrong.
Hindi ako two-timer.
Matagal na din kaming magkasama pero ngayon ko lang naappreciate.
Maswerte ako, pinagkatiwalaan mo ESPREN.
Hindi ko na idedetalye kung bakit.
Basta ilabas ang 100% kulet..Ü

-Bawal magsalita ng tapos.
Kapag may binitawan kang salita, dapat kayo mo itong lunukin kahit gaano man kapanget ng lasa kapag nagkalintikan na.
I have my own fair of shitsssssssssss.
Pero isa lang ang ma-assure ko.
Kapag sinabi ko, ginagawa ko.
Sana maging lesson sa lahat na pag napraning ka sa isang bagay, panindigan na hanggang huli kaya mong mapraning.
Matalas ang aking pluma.
Kung hindi mo matagalan, itigil mo na.

-Naranasan ko ang ligayang dulot ng matiyagang paghihintay.
Malas man ako sa ibang aspeto ng aking buhay,
Ang matagal ko namang inaasam ay dumating din.
Siguro ganun talaga ang batas ng kalikasan.
Kapag may ibinigay sa’yo, may mawawala din.
Paikot-ikot lang.
Natuto na akong tanggapin ito.
Bubuyog, sana tuloy-tuloy ka na..T_T

-Natuto akong magpasalamat sa aking mga paa.
Napakagaling talaga ng Rockstar ko sa taas.
Binigyan n’ya ako ng mga paa at binti para makalakad.
Kung wala ang aking mga binti at paa, tiyak hindi ko mararanasan ang mapunta sa kung saan-saan para matunghayan ang bangis ng mundo.
Hindi ko maiwasang mangiti kapag nangangawit na ang aking mga paa.
Natuto akong pahalagahan s’ya.
Ipinama-manicure ko every two weeks para hindi tubuan ng hayupan.;p
Nilolotion ko din para hindi nada-dry. Hahaha! (Kidding)
God is good all the time.

-Nalaman ko na konti lang ang masasabing kaibigan sa mundo.
Tama.
Madaming dadating pero konti lang ang matitira.
Ipagpapalit ka din nila.
Wala pa ding tatalo sa nauna na.
Kung sisikat ka, dapat hindi ka primadonna.

-78% completed patience
Pinipilit ko pa lang gawing 100%.
Isang pagsubok sa akin yan.
Kung ako ay lalaki, pihong nasa barangay ako lage.hehe
Noong isang araw, hindi ako nakatiis na magtungayaw sa mga batang nakatambay sa harap ng aking tinitirhan.

Ang sumusunod ang aking naging litanya (BENTE-NUWEBE STYLE):

          “Hoy! Mga estudyante pa kayo mga utoy?................
          “Hoy! Mga estudyante pa kayo?

          “Opo”

          “Ah, kaya pala hindi pa ninyo alam ang pakiramdam ng nagtatrabaho. Alam n’yo ga na kapag nag-trabaho na kayo, ang pahinga n’yo na lang ay yung itutulog sa gabe? Kaya habang estudyante matulog na kayo ng mainam. Ako ay dumaan din sa pagiging teenager. Totoo at talagang masarap tumambay sa kalsada lalo na at kalahati ng mundo ay natutulog pero hindi ko naman inugali na mambulahaw ng kahanggan. Kita n’yo yung basketball court dun sa kabila? Dun kayo pumunta at ngumalngal. At pakiusap na, pwedeng  huwag kayong nagmumurahan kapag nag-uusap? Ang sakit sa tenga. Eh kung ilagay ko kaya kayo sa isang baso at sasabihan ng TA-nga! PI!! Lechugas! Matuwa kaya kayo? Isa sa bahay na iyan ay mayroong matandang may sakit, sanggol na natutulog o kaya tao na may sleeping disorder? Ala –eh! Ano ga namang totoong kinukurinding n’yo diyan? Uwi na!!
          “Opo ate”

Buti naman naintindihan nila ang aking sinabi. Nakakatulog na ako ng mahimbing at kung tatambay ang mga binatilyo, me curfew na..;p
Nyahahahahaha!

-Hindi nilalaro ang buhay.
At kung laro man, dapat may konkretong gameplan.
Aalamin mo kung sino dapat ang kasagpi at kalaban.

Hindi ka basta pupukol ng bola.
Hindi basta tira ng tira.
Makinig kay coach.
Kailangan din ng DEFFENSE hindi lang puro OFFENSE.
Hindi maitatanggi na kailangan mo ding humingi ng tulong mula sa iba(-kaibigang Allen)

Bawal tumira ng basta paboarding o kaya fastbreak dahil sayang ang pagkakataon.
Quickly but surely, iyan ang uso ngayon.

Bawal ang basta magbigay ng foul sa kalaban.
Mahirap ng makakasakit ka pa para lang makaangat ka ng ilang puntos.
Habambuhay nilang matatandaan ang ginawa mong injury sa kanila.
Baka matechnical ka pa at mathrown-out sa laro.
At sa susunod baka ikaw naman ang bigyan nila ng foul na magdudulot ng ACL injury.
Masakit yun. Baka hindi ka na makabangon.

Kung masyadong masakit at magulang ang kalaro, pumunta sa referee para magreklamo.
Publish or perish.

Kabag binigyan ka ng chance na mag-freethrow, dapat focus ka sa ring.
Hindi pwedeng Sakuragi style.
Nakaporma ang mga kamay, diretso ang tingin at malakas ang pulso.
Dapat nagdadasal ka sa Kanya na sana hindi ka sumablay o magkaroon ng line violation.
At kung sakaling sa freethrow hindi magshoot ang bola dapat me Plan B ka.
Maagap dapat  sa rebound.
Hindi sasagutin ni Bro ang iyong panalangin kung wala ka ding tiwala sa sarili mo.

Ang 6th man on court ay nagsisilbing anghang sa buhay.
Sila ang mga players na ba-blocked at magkocommit ng ball tending para hindi mo ma-shoot ang bola.
Palagi kang susubukan kung hanggang saan ang kaya mong itagal.
Para kang lastikong babanatin hanggang kung saan mo kaya.
Ingat nga lang at baka malagot ka.

Kung manalo ka at maging best player pa, batiin sa camera ang mga supporters mo.
Ialay sa kanila ang panalo.
Lagi mong tatandaan na mahalaga sa ating kultura na batiin ang kapamilya, kaibigan, kumpare at ipis on air.
Magdidiwang sila para sa’yo at para kang si Spiderman na iniligtas ang mundo.

Kung matalo ka, nasa lowest standing at ma-boo ng tao, huwag kang mawalan ng pag-asa.
Ang bola ay bilog, ang ring ay bilog.
Laging isipin na may next season pa.
Ang huli kong sinabi ay medyo risky kaya huwag mo masyadong susundin.
Walang tamang panahon kundi ang bawat ngayon(kanta..hehe)
Experience is the best teacher but that’s a very dangerous statement. (-PROF DIAZ)
Ang bawat pagkakataon ay hindi dapat sinasayang.
Yan ang mahalaga kong natutunan.

Kung susuko ka na, pwede ka namang magpahinga mula sa tadtad na pagkatalo.
Gugulin ang mga oras sa pagplano para maiwasan ang pagsablay.
Kung hindi man maiwasan, mabawasan.

Failure to plan, is plan to fail (SM residence)
-ginamit na halimbawa ng reporter sa strategic management, hahahaha!)

OK.. tapos na po. Next assessment year,,(^_^)