Tuesday, April 19, 2011

WARNING: MALUNGKOT


Kung hindi mo na ako maalala, wala na akong mgagawa doon.
Kung may pinatigas man ang panahon, hindi ako; ikaw yun.

Tutal nasaktan na, gawin na nating isang bagsakan.
Sa katunayan, nakita ko na ang hinaharap kaya hindi na ganoon katindi ang sakit.

Isa, dalawa, tatlo.
Madaming beses ng nangyari ang nagyari ngayon.
Para na akong manhid.
Ilang taon ng nakapreserve sa nagbabagang yelo ang aking katauhan.

Mga ilang beses ko na ding inagapan na huwag mapasok sa sitwasyon na ito.
Anong magagawa ko?
May kasalanan din ako.
Natural na yata na may mga taong abusado.
Mga prenteng anino na humahabol sa aking bawat paghinga.

Konti lang ang tunay sa mundo kaya takot na ako.
Kung itatanong mo kuna paano abuso; tanungin mo ang sarili mo.
Hindi ko na alam at hindi ko na matandaan kung paano tayo umabot sa ganito,.
Siguro talagang ganun ang pagtanda, paurong.

Marahil sasabihin na naman sa akin na hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.
Paano ako gagalaw kung lagi mong nilaagyan ng pandikit ang aking bawat hakbang.

Tulong!
Sinong magpapaliwanag sa akin ng salitang KAPAYAPAAn????