Tuesday, February 8, 2011

ZAGU BABY-Z

Kaya pala hindi ako agad nakasakay ng jeep.
Dahil may makakapalitan na naman ako ng kuro ngayong araw.
Sobra na akong matagal sa palengke ng biglang may sumigaw ng “hoy”

Uy, si Manong Tatay  tricycle driver na pogi.
Pogi pa din nga si Tatay.
S’ya ang isa sa driver sa pilahan sa bustop noong ako ay college.
Ngayon at sira pa ang tulay, inilipat sila sa palengke.
Wala pa daw naman jeep kaya ang simpleng hoy ay napunta sa mahabang huntahan.

Kamustahan, kung saan daw ako ngayon.
Kahit hindi ko naman itinatanong, nagkwento s’ya tungkol sa kanyang anak.

Panganay ang kanyanganak.
General engineering ang course sa parehong school na aking pinasukan.
Php150 araw-araw ang baon hindi pa kasama ang ibang hinihingi.

Nabuntis ang kanyang panganay.
Nadaanan ng magmamanok.
Masyado daw mahal ang lalaki.
Siguro nga kapag highschool puppy love ay napupunta sa doggie love. Hehe.(censored??)

Bukod sa may killer smile na si tatay pogi,
Sobrang bait din n’ya.
Hiniling daw ng lalaki na mag-ipon bago pakasalan si ineng.
Samantalang s’ya ay cool na cool at chillax sa nangyari,
Ang kanya namang asawa ay naghihimutok.
Ano pa nga namang magagawa kung andiyan na.
Naiyak lang daw s’ya ng kaunti pero ngumiti na din dahil magkakaapo na din s’ya.

Sa anak na lang daw n’yang lalaki sunod s’ya babawi.

Inaalo ko si Manong tricycle driver na pogi.
Hindi naman abnormal ang nangyari sa kanyang panganay.
.........................

"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" 
---DEKADA '70

No comments:

Post a Comment