Saturday, February 26, 2011

UNICA HIJO

Aking uulitin..
Nag-iisang babae lang ako sa anim na magkakapatid.
Unica hija.
Minsan UNICA HIJO..

Hayaan mong ikuwento ko ang ilan sa aking karanasan bilang UNICA HIJO.

May mga classmates akong Mindoro ladies nung nakaraang sem.
Ang sabi nga nila, malayo pa lang, kilala na nila ang magandang dalagang naglalakad.
Charot lang! ;p
Lakad pa lang alam na alam na nila.
Ilang beses ko ding sinubukan na mag-ensayo ng lakad ng katulad sa alaga kong pusa.
Ngunit kahit madaming ulit na aking ensayuhin, hindi ko naman magawa.
Kaya heto, lakad siga.
Buti na lang paminsan-minsan napapagtripan ko ang takong..Ü

Napagtripan din ako ng mga guro ko nung elementary.
Dahil hinihingi ng role ko, kelangan kong magbihis lalaki.
Gugupitin daw ang mahaba kong buhok.
Kaya todo iyak ako sa mga eksena sa declamation contest na aking sasalihan.
Buti na lang hindi pumayag si mudra.
Sa huli, nakatali ang aking buhok, may pomada, nakabigote, barong tagalong,pantalon ni utol.
Saklap, panget!

Dahil angkan kami ng mga lalaki, madalas na kasama nila ako sa inuman.
Trivia din para sa’yo, mas madami ang kaibigan kong lalaki kesa babae.
Bongga!
Mahabang buhok, problema ang pag-upo sa bowl.Ü
Matiid akong kasama sa gimikan.
Walang yosi, walang alak.
Hindi manginginom ang role ko.
Tirador ng pulutan at tagatapos ng kanta sa videoke, diyan ako bida.
Hindi pa sila luge, kahit anong mababaw na joke aking tinatawanan.
Tiyak na hindi magmumukhang engot ang mga korning banat.

Nabanggit ko na din na sumali ako sa sagala nitong nakaraan.
Aking sanang tatanggihan.
Dahil may kahilingan ako sa taas, pumayag na ako sa gusto ni Erpat.
Tiis-ganda kong sinagupang lakarin ang kahabaan ng barangay.
Bumulaga ang aking mga Tito, kaibigan, pinsan at mga kapatid.
Hindi nila pa din ako pinatawad.
Ginawang atraksyon ang pagsasagala ko.
Nakasaya at nakatakong  ako na may hilang buntot habang inuumangan ko sila ng suntok..belat!!!!

Uso talaga sa pamilya ang manahan ng mga gamit.
Wala akong mamanahin at walang pagmamanahan.
Kaya napagkasunduan ng aking magulang na wag na lang akong ibili ng gamit.,,
Hay…….

NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Tunay yun mga tsong, ‘tol, pare, men, dude.
Ang sinusuot ko dati ay mga damit nina utol noong aking kabataan.
Kung nagtataka pa kayo kung saan ako kumuha ng uniform,galing iyon sa mga pinsan kong babae.
Noong highschool naman, ipinaggawa ng kapatid ko ng book review ang isang graduating student kapalit ang uniform na ibibigay sa akin..(herher)

Natatandaan ko na gumaraduate ako ng kinder.
Ibinili nga ako ng inay ng sariling sapatos.
Nakakatuwa na sana at nakakatats.
May isa lang problema.
Sa liit ko nung kinder, naglalakad ako ng stage na may hilang sapatos na pang-grade3!
Tsk! Tsk!

Mabuti lima ang utol ko.
Limang babae din ang magegelpren nila o tayms two pa.(haha!)
Buti na lang nagsisipsip sila sa akin.
Binibigyan nila ako ng gamit..(hekhek)
Hanggang sa pagdadalaga, nakabasetball shorts pa din ako.
Masarap isuot, mahangin..;p

KUWENTONG DAMIT PA DIN
Tuwing Pasko, nireregaluhan ako ng aking Ninang ng laruan.
Nakakalungkot pag umuwi ako ng bahay na sira na ang mata ng aking manika.
Tanggal na ang mata na ipinukpok sa pako ng sahig.
Ang aking lutu-lutuan, kung hindi kulang ay wasak.
Kaya ipinanalangin ko na sana huwag na lang laruan ang aking matanggap.

Iniba nga ng aking NInang na mabait ang regalo.
Isang ternong damit na kulay penk.

May adornong manik-manik ang blusa na may burdang sapatos.
Ang pantalon naman ay makintab-kintab din dahil sa uri ng tela.
Isang beses ko lang nasuot ang damit na ito.
Dahil bago, kailangang ingatan.

Ngunit isang kamalasan ang nagyari.
Kagagaling lang namin ni Mudra ng ilog.
Ibinalita ng aking kapatid na ang aking pinakakamamahal na damit na kulay penk ay pinagtripan.

Hindi tao!
Hindi mga magmamanok na dumadaaan!
Hindi ang mga kapatid kong barako!

ISANG BAKLANG BAKA!!!!!

Ang walang pakundangang hayop ang kumain ng aking damit.
Naabot n’ya ang sampayan.
Nilunok n’ya ang blusa.
Nagtira s’ya ng konting gula-gulanit na pantaloon.
Siguro naman sa tagal ng panahon, nabigyan na ng hustisya ang penk kong terno.

Siguro gusto n’yang magcross-dress.
Natuwa ang baka sa aking kulay penk at makintab na damit.
Wala akong nagawa kundi umiyak na lang at batuhin ang baklang baka.

Ang aking tatay ay si PAQUITO DIAZ slash MARK GIL.
Imagine mo na lang ang kanyang hitsura.
Kapag tumaas ang bigote n’ya, naginginig na ang aking tumbong.
Noong dumating na ako sa edad na dose-anyos, malimit na n’ya akong sunduin sa ilog.
Ang sweet ni erpat ano?
Kaso lang ang hawak n’ya ay nakapal na kahoy, pamalo sa akin.
Nagdadalaga na nga pala ang kanyang unica hijo ng mga panahong iyon.hehe

Isipin mo na lang ang takot ko noong ako ay naging dalaga.
Sino ang aking sasabihan. Kakahiya.
Buti na lang nasa bahay ang aking mananahing ermat.
Nakakadiri na ang bahaging ito para sa kalalakihang mambabasa.
Hindi ko na itutuloy. Hehe.
Ngiiiiii.....

Ang isa lang sa nakakapagsisi na unica hija ay yung hindi ka malapitan ng mga boys.
Yun nga ang tingin nila sa akin.
Maton at tomboy.
Hay…
Hinayang, hindi nakatikim ng ibat-ibanag ulam.harhar!!
Ok lang naman.
Tama na ang isa..♥♥♥☻♫♪♫

Masaya naming lumaki ako ng ganito..
No more mords, Masaya talaga!!!!!!!!!!!

Sa isang araw ulet.
Masaya ka na masyado...hehehehe...peace!! 

No comments:

Post a Comment