Monday, February 14, 2011

13*14

Ang lalaking iibig sa akin ay dapat marunong humaplos sa kurtina ng balat.
Makita ang pangkaraniwan kong mata at makilala yaong namumugad sa akin.
Ang transparenteng maya ng paglalambing.
Ang lalaking iibig sa akin ay hindi ko iibigin bilang isang kalakal
O kaya ipagyayabang na parang isang tropeo.
Ang lalaking iibig sa akin ay mananatili taglay ang pag-ibig kong nadarama kapag siya ay kapiling.

---------BERSO SA METRO

Dear Hoy,

Alam mo naman na hindi ako ang tipong nagkukuwento ng tungkol sa ating dalawa.
Tama na yung paminsan-minsan ay umeepal ako sa Facebook para i-announce kita.
Pero ngayon sinusulat ko ito dahil………………………………………..

WALA LANG(hehehe)

Nagkakilala tayo sa ating common ground, ang musika.
Tandang-tanda ko pa.
Nanginginig ang iyong mga kamay habang isine-save mo ang aking numero.;p
Nanginig din ako noon; sa TAKOT.
Ikaw na ang makakita ng style Steve Badiola at tinging hardkur na hardkur.
Ewan ko lang kung hindi ka matitiklop.

Naabutan pa kita sa parehong eskwelahan.
Ikaw ang panira sa magandang tanawin.
Alam mo na ang dahilan.
Kras ko kasi si kuwan na palagi mong kasama.
At hindi ko alam na ang puso ko pala ay sa’yo ang punta.

Tunay nga namang first impression never last.
Ikaw na ang pinakamagalang na lalaking aking nakilala.
Walang yabang kahit maangas ang dating.
Nakakatawa man, nakakatuwa ang manginig ka sa hawak kamay ng “Ama Namin”

Hindi ka naman pogi.
Cute ka lang sabi mo.
Pero dahil ako si Girl Labo, sige na, ikaw na si Adonis.
Kahit mahimatay na ako ke Marc Abaya, ke Otcho, ke Pochoy…..
Mananatili ka pa ding pinakamagandang lalaki sa aking buhay..yak!! (suka!) (^-^)v

Malimit kitang tinatanong kung trip mo lang ako noon.
Ang sabi mo ay hindi.
Dahil hindi ako naniwala sa iyong sinseridad noong una,
Ipinilit ko pa din ang taytol story na “TRIP LANG KITA”

Aaminin ko, sobrang boring kang kasama.haha!
Pero wala naman akong magagawa.
Dahil ikaw nga iyan, tinanggap kita ng may kusa.
Kahit ikaw ay minsan ay aning.
Coke sakto ang iyong pagdating..(^-^)

Sasabihin ko na.
Ang isa sa pinakamahal ko sa’yo ay ang iyong pangalan.
Gwapong-gwapo.
Kapag idinugtong yung apelyido mo sa pangalan ko ay tunay na…. VOILA!!!
Ang  ganda at ang bongga!

Madami-dami na ding masaya.
Madami na din ang malungkot.
Palagay ko matindi talaga yung helmet na inilagay mo sa aking bumbunan.
Akalain mo yun.
Kahit ilang aksidente, hindi pa ako natatauhan?

Matagal-tagal na din nga pala.  
           
Ipinagpapasalamat ko na hindi na ako tumatawid mag-isa.
May kaholding hands kapag walang nakakakita.
May nagtatanong na kung kumain ka na?
May kasama na akong sumisimba kahit may mga araw na may hangover ka pa.

May nagdadala na ng mabigat kong bagahe.
May nagbabawal na huwag magpagabe.

May napapag-aksayahan na ng load kahit once a week.
May kasama na ako sa lahat ng trip.
Foodtrip. (salamat sa luto mong masarap..☺)
Laughtrip! (mga practical jokes mo na benta sa akin)
Soundtrip! (basagan ng tenga, palutangan sa reggae musika)

May nagseselos ng 0.01%.
Please namn pataasin mo naman yung selos meter kahit 0.02% lang.

Ang pinakanakakaantig na parte…
May nagsasabi ng mahal kita..yihiiiiiiiii!!!!!!!!!!! kilig!
Naiihi! Haha!

Madami na ba ga nga tayong stop-over?
Isa pa lang ano?
Sana wag nang madagdagan.
Ayaw kong makita na sa selpon mo ay iba ang aking pangalan.

Hindi ako perpekto,
Aminado,
Inihihingi ko na din ng tawad yung mga mali kong nagawa.
Hindi na kita susuntukin.
Hindi ko na yun uulitin.
Hindi na din kita susugudin..hehehe..
Ipaalala mo lang sa aking lagi na ipinangako ko ito.☺

Sana maayos na ang lahat ng gusot na hindi kaya sa isang hagod.
Handa nama akong maghintay kahit matagal.
Basta wag lang yung tayo ay aagiwin..;p
Pakiayos naman ng patas.
Mahirap kasing maghanap.

Ehem!
Eto na si Sopas makata..

Kung saan man tayo makarating,
Asahan mo na ang aking mata ay sa’yo nakatingin.
Ikaw ang saranggola, ako yung hapin.
Lagi kitang kukublahin pabalik sa akin.
Wala ka ng magagawa.
Dahil ipinakita mo na sa akin ang matindi mong paggalang
Dito sa aking puso ikaw ay nakabinbin.

Hindi pa tapos……………….

Tama nga…

Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang Economics subject.
Mahirap intindihin.
Masakit sa ulo.
Dugo sa ilong.
Masakit sa puso kapag tinalo ng mga graphs.
Challenging.
Pero magaan sa feeling kapag napakisamahan mo ng lahat ang ideya.

Kahit kelan hindi ko pagsisihan na sinulat ko ito.
Ikaw man o hindi…
Kung uulitin, ikaw pa din ulit..

Magdasal tayo ng madami..

Nagmamahal,
Hoy..Ü

5 comments: