Sunday, July 17, 2011

RECUERDO DE ELEMENTARYA

Nalala ko lang bigla ang aking elementary days.
Ito ang panahong sobrang inosente pa at uto-uto ang mga bata.
Nais ko lang kwento yung mga bagay na natatandaan kong nakakatawa noong nasa elementary pa.


Dahil sa public school ako nag-aral, nasaksihan ko talaga ang lahat ng kalokohan at kasamlangan ng kapwa ko “pupil”.
Hindi estudyante.
Hindi din kolehiyala o kolehiyolo kundi pupil.
Mag-aaral sa tagalong
Mag-aaral sa elementary.


Baka naman nakiuso ka din dati sa sobrang kagalangan kay teacher?
Yun ba gang sa umaga eh maka-ilang beses kang mag-good morning sa minamahal mong guro.
Ibig sabihin kung may twenty na teacher mga twenty times mo din s’yang babatiin.


Mahirap maging guro lalo na sa mga maliit at makukulit na batuta.
Tanda ko noon nung nagpapaliwanag ang teacher ko noong grade 2.
Sisisgaw s’ya ng malakas sa mga bata marahil nakukulitan na s’ya.
Matapos n’yang ipaliwanag ng ubod ng galit ang lesson sa math, mauubos ang isang buo n’yang chalk sa kabibilog ng sagot sa pisara.
Imagine mo na lang kung paanong burahin ang sobrang diin at kapal ng chalk na inilagay ni teacher sa pisara. Hehe


Nagtataka ba kayo kung bakit masipag pumasok ang mga bata kapag malakas ang ulan?;p
Enjoy na enjoy akong pumasok noon kapag may bagyo,
Yung signal number 3 eh pinapasukan ko pa din.
Gusto ko kasing maenjoy yung feeling na kokonti lang ang nakapasok.
Pero ang totoo gusto kong makisali sa payabangan ng mga matatapang pag tag-bagyo.
Hehe..


Dahil sobrang kulit ng mga bata sa elementary naisipan na lang na bibigyan ng parusa ang gagwa ng kasalanan.
Ililista lahat ng maling kilos.
Nag-ingay.
Lumabas ng room.
Nagpasok ng tsinelas sa room.
Nakabasag ng paso.
Nambato ng papel.
Tumawa.
Minsan ang simpleng pag-ngiti eh nakalista din.
Kada isang lista piso ang katumbas.
Pandagdag sa class fund pambili ng floorwax.
Exaggerated.


Pupusta akong naranasan mo ding itaas ng inam ang iyong mga kamay para lang mapabili ni mam ng isang kendi sa canteen.Ü
O kaya naman eh sobra kang magpiprisinta na magtanggal ng balakubak at patay na buhok nya tuwing tanghali with matching paypay pa.


Masaya kaya kapag nauutusan.
Feeling mo ikaw ang reyna at hari ng sangkabataan.
Teacher’s pet.
Ibig sabihin paborito.
Ngunit hindi sa lahat ng panahon masayang maging teacher’s pet..
Ayos din.
Sikat naman eh..hehe


Naranasan mo din sigurong may uutot sa classroom.
Ito yung pinakaayaw ko ng maalala.
Hindi ko matanggap!!!!!!!………………………….


Hindi ko matanggap na naranasan kong amuyin ang pwet ng aking mga kaklase!!!!!!!
Hahahahaha!!!!
Ang hirap din palang maging peyborit ni teacher. Hahaha!


Minsan may umutot sa klase namin.
Buti hindi naman ako ang nakatiyempong umamoy.


Sabi ni klasmeyt: Mam! Si kuwan po ang umutot
Sabi ni kuwan: paano mo nalaman na ako? Nakita mo???
Klasmeyt: nakita ko ang utot mo.
Kuwan: wehhhh????!! Anong kulay sige nga!
Klasmeyt: kulay BLUE!


May utot palang kulay BLUE.
Hahaha!


Swerte mo pa kung utot lang ang aamuyin mo.
Paano kapag may kasama ng explosive substance?
Hindi ko din maintindihan kung bakit noong elementary eh big deal kapag inabutan ka ng malupit na kalikasan sa school.
Humanitarian reason naman na matae.
Normal yun.
Ginagawa ko nga yun araw-araw sa school eh. Nyahahaha! Peace!


Naniniwala na ako na noong bata pa ako eh napakapilya ko na din
Tanda ko ang utos ni teacher noong grade one.
Pabasahin tuwing tanghali ang mga hindi makabasa.
Kakainis.
Yung isang oras ko ng paglalaro eh ibibigay ko pa sa aking kaklase para pabasahin.
Oo.
Inaamin ko nung bata ako pwede akong kasuhan ng human rights violation ng kapwa bata.
Kapag hindi kasi mabasa ni klasmeyt ang ba,be,bi,bo,bu eh kinukurot ko s’ya at pinapagalitan.
Kapag nagkikita kami nung kaklase ko, nagkakatawanan na lang kami.
May asawa na s’ya ngayon.;p
Ako naman ay nagtuturo na sa isang State University.


Kokonti lang pala ang natatandaan kong katatawanan.
Akala ko ay marami.
Baka may suggestion kayo na pandagdag.
Willing kong ieedit ito.
Babayu..;p

Saturday, June 18, 2011

PYSCHEDELIC: THREE FOLD

“Madami ng baboy sa mundo, huwag na tayong makiuso.”
Pagpasensyahan mo na kung ginamit ko pa ang mga baboy.
Hindi ako galit sa kanila kahit pa masarap ang inihaw at lechon.
May concern naman talaga ako sa mga hayop maliban na lang sa class reptilia.

Mabuti pa ang baboy alam n’ya ang silbi n’ya sa mundo.
Samantalang tao hindi naman hayop, binababoy ang isipan at katawan.

Baboy ang mga pulitikong corrupt at manyakis.
Baboy ang mga nagpapanggap na tao.
Baboy ang mga adik!
Baboy ang mga showbiz personality..
Baboy ang pera dahil pinagsisimulan ng baboy na kasalanan.
Baboy ang mga kaibigang walang kwenta.

Baboy ang mga babae at lalaki na nagpopost ng hubad na katawan sa mga social networking sites.
Sana naiisip ng mga babae at lalaki ang mga matris nilang pinagmulan.
Kung ginagawa nila ito dahil sa kahirapan, iyan na ang patunay na ang pera ay isang baboy.;p
Mayroon namang nagpopost lang dahil gusto nilang manyakin at maka-recruit para maging kaisa ng kultong baboy.

Napansin ko lang.
Bakit may lakas pang magpost ng kababuyan ang mga babaeng panget.
Hipon ka talaga Ineng.
Kapag nangangati ka, kamutin mo na lang mag-isa huwag mo ng ipakamot sa iba.
Kung hindi mo na kaya, sasabuyan kita ng sukang paombong para gumaling ka.
Kung hindi naiisip ng mga kabataang ito ang kanilang pinagmulan sana magpakamatay na lang sila para mabawasan ang mga baboy at kababuyan sa mundo.

Nagsisimula ang baboy na kaisipan dahil sa mga nagkalat na kababuyan ng bad media.
Ang mga baboy na babasahin at panoorin ang ugat ng kahalayan.
Kapag naging super hero ako, wawalisin ko lahat ng mga malanding baboy sa mundo.
Masyadong brutal ang mga salita ko.
Pagpasensyahan n’yo na pero iyan ang aking point of view.
Kung sa tingin mo ay baboy ang pananalita ko, baboy ka din dahil hindi mo matanggap ang katotohanan na lahat tayo ay may baboy na katangian ibat’-ibang level nga lang.
BABOOOOOOOOOOOYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!

*BABOY-tinutukoy ang bastos na pagkilos, madumi at malaswang pag-iisip.

Sumagi sa aking isipan kung bakit napakadaling gumawa ng mga bagay na hindi na mababawi pa samantalang mahirap itama ang mga sitwasyon na may gamot pa.
Hindi ako ligtas sa katwirang ito dahil kahit ako matigas din ang ulo.

May nakausap akong isang artist sa larangan ng potograpiya.
Mayabang din ako kaya ibinida ko kung saan ako magaling.
Artist daw ako sabi n’ya.
Artist ang mga nasa larangan ng musika, multimedia arts, creative writing at kung anu-anong arts category.
Ngunit masasabi ko na tayo ay artist ng ating mga sarili.
Sa katapusan ng araw huhusgahan ng kapwa artist ang ating craft.
Kung sumablay huwag natin silang i-trash talk dahil tayo naman ang gumawa noon.
Tayo ang pluma, camera, tinta at boses ng ating mga sarili.
Napakadami ko ng galos na nakuha.
Aksidenteng galos, sinadyang galos, meron ako ng lahat ng iyan.
Para silang mga bio-mechanical na tattoo na invisible nga lang.
Ang lahat ng mga galos na iyon ang souvenir ng lahat ng aking mga naranasan.
Mga nagpapaalala ng aking kalungkutan, at pagkadapa na siya ding patuloy na nagpapatatag sa akin.
Matuto sa mga galos na iyong nakuha.
Bumagsak ka ‘man sa exam ng buhay tiyak na matatandaan mo ang lahat ng sagot sa mga tanong.

LIFE EQUALS EXAM.
ARTIST AKO I’M CLAIMING IT.
PAKE MO EH DI GUMAYA KA..(^-^)v

Siguro parusa sa mga matitinong babae na mainlove sa mala-Robin Padilla ang dating.
Namuhay sila sa tuwid , matalino at malinis na landas kaya naman inatasan sila ng Diyos na umakay sa mga naliligaw.
Napansin mo?
Sa mga pelikula kalimitan si Ms. Sunshine ang nakakatuluyan ni Mr. Wasak.
May mga patunay naman sa tunay na buhay ng sitwasyon na ito kaso lang pili-pili.
Yin at yang,
Ang isa ay itim ang isa ay puti.
Pinupunuan ni Ms. Sunshine ang kakulangan ni Mr. Wasak.
Samantalang itinuturo naman ni Mr. Wasak na ang mundo ay hindi tulad ng makulay na gulay.

Nagbibigay –pugay ako sa mga ina na nanatiling nasa tabi ng kanilang matitigas na ulong anak.
Ipinagdadasal ko ang mga girlfriend na hindi sinusukuan ang kanilang mga wasak na boyfriend.
Kung tanga man kayo sa paningin ng iba, tanggapin n’yo na minsan dapat talaga kayong maging tanga para maisakripisyo ang inyong katinuan sa paggabay sa kanila.
Ipinapanalangin ko ang mga lalaki na sana mapagod na sila sa paggawa ng mga bagay na nakakasama ng loob.
Ang paligid ay hindi titigil para sa’yo.

“Dahil kapag walang pang-unawa, pagmamahal at sakripisyo yan ay hindi tunay na pag-ibig.”
---MY GIRLFRIEND IS A KUNIHO..:p

Monday, June 13, 2011

PANGARAP KONG JACKPOT

Manalo sa Super Mega Lotto.

Acoustic jamming mag-isa sa bar na maganda.
Makapagset-up ng jamming studio sa bahay.
Conservatory of Music. Tsk.
Mapuntahan lahat ng gig na gusto ko!
Makanuod ng Pulp Summer Slam kahit isang beses lang.

Vicky Belat buwan-buwan para magpatanggal ng imperfections sa katawan.
Sangkaterbang sneakers at wardrobe closet.
Makapagsuot ng two-piece. Two piece earrings. Hahahahaha!!!
Makain lahat ng pagkain na pinaglilihian ng tiyan ko.
Braces para status symbol?haha
Wheels na maganda. Brooooommmm!!

Magkaroon ng kumpletong documentation ng World War II films.

Immersion once in a year.
Patapusin ang aking kaibigan sa kanyang Economics course.
Maranasang maging teacher.
Educational Program Specialist (blurry..)
Makapagtrabaho sa TV.
Negosyo para kay ermat at erpat.
Barbie shoes para sa aking mga pamangkin.
Matapos ang kung ano mang inaaral ko ngayon.
Makapagtrabaho sa bangko, (ayaw nila akong tanggapin)
Magkaroon ng trabaho na may normal na pahinga.
Sana ay maliit ng karayom para makapagdonate na ako ng dugo.

Magkaroon ng tattoo sa kamay.
Magkaroon ng DSLR camera.
Makapunta sa Batanes.
Makaharap si Angelina Jolie at Jessica Alba.
Maging sikat sa blogging world kahit walang nagbabasa(paano kaya yun?..Ü)
Makapunta sa lahat ng festival kasama ang aking camera.

Couple’s ring! Para maramdaman ko ang sukdulang kabaduyan ni Kupido..harhar!

Makapag-asawa at the age of 28.
Magkaroon ng dalawang anak.
Simpleng bahay na kaya kong linisin.
Yung kasya ang apat.

Party kasama ang mga kaibigan every Friday.
Mailibre ko ang lahat ng nanglibre sa akin!!!!!!!
Reunion with my high school friends at ang theme ay JS Prom.Ü
Makita si Bubbles King in person.
Kelan kaya yun?

Makapunta sa New Zealand.
Makapunta sa Green Land.
Tour around the world after ten years na mapublish ko ito.

Ipod XG.
Bakit XG? Masyado kasing mabilis ang inventor nila. haha!

Makita si Otcho Toleran, Marc Abaya, Brandon Boyd at si Coco Martin ng harapan.

Makita si ROBERTO “Bob” ONG.

Makabalik sa Spanish era.
Time travel powers tsaka invisibility.
Makapunta sa outer space para Makita ang ibang planeta.

Maging si Light Yagami ng isang araw lang.

Masuntok lahat ng nanggago saken bago ako mautas. Hehe.. para quits lang.

Hell yeah!
Let’s roll! (^-^)v

P. M.A.

Dahil sa masyadong tuwid ang linya, tayo ay Kanyang pinipilipit.
Dr. kwak-kwak.
Masakit.
Malupit.

At tayo ay nagkasigawan.
Ikaw ay aking sinaktan.
Tayo ay nagkabasagan.
Nagkaiyakan.

At sila ay dumamay sa ating palabas.
Natabunan ang pagtatalong ugat ng lahat.

At dumaloy ang likido mula sa’yong balintataw.

Masakit ang makitang ikaw ay umiiyak.
Mas nanaisin kong sa akin lahat tumapat ang nararamdaman mong pait.
Hindi mo maapuhap ang iyong sarili.
Tanging halik at yakap ang alok ko sa puso mong wasak.

Sa kalagitnaan ng luha at boses na basag tayo ay nagliwanag.
Nagpasyang pansamantalang maglayo upang hanapin ang katauhang wala sa landas na dapat.
At sinabi kong ako ay maghihintay.
Ipinanalangin sa sariling huwag sanang matagal.
Hindi ko din kayang sa’yo ay mawalay.
Magdilim man at maliwanag ako ay narito.
Ang diwatang iilaw sa bawat hakbang mo.
Kung maging mabait ang tadhana, ipagpahintulot sanang hanggang sa huli ay tayo…

MAHAL KITA SAAN MAN MAKARATING.
MAHAL KITA KAHIT MAY IBANG DUMATING.

Tuesday, May 17, 2011

DEMENTIA

Ang puso ay walang amor sa kasayahan na iniaalok mo.
Sa puso ay walang puwang ang pagbubunyi.
Pulos sugat at peklat ng araw-araw.
Lasong lumalamon sa buong katinuan.

Hayaang magkaroon ng delubyo.
Pusong pagal ang magsisilbing kalasag sa bawat sibat na ipinupukol ng mundo.

Sasabog ang liwanag kapalit ay kalungkutan.
Ang dapit-hapon tulad ng manininingning na ilaw
Na pupukaw sa pusong nahahabag.

Matinik at madawag ang gubat ng paghihintay.
Walang kapanatagan.
Walang tiyak na liwanag.
Baging ng pag-asa tanging aaliw sa kaluluwa ng hapis.

Kadena ang iyong alaala.
Bangungot ka sa bawat paghinga.
Magtungo ka na sa kung saan ka dapat mahimlay.

Iaabot ang kamay.
Idampi ang hangin ng langit.
Sa paraiso na inaasam, doon ang katahimikan.
Tulungang umahon sa bangin.

Tuesday, April 19, 2011

WARNING: MALUNGKOT


Kung hindi mo na ako maalala, wala na akong mgagawa doon.
Kung may pinatigas man ang panahon, hindi ako; ikaw yun.

Tutal nasaktan na, gawin na nating isang bagsakan.
Sa katunayan, nakita ko na ang hinaharap kaya hindi na ganoon katindi ang sakit.

Isa, dalawa, tatlo.
Madaming beses ng nangyari ang nagyari ngayon.
Para na akong manhid.
Ilang taon ng nakapreserve sa nagbabagang yelo ang aking katauhan.

Mga ilang beses ko na ding inagapan na huwag mapasok sa sitwasyon na ito.
Anong magagawa ko?
May kasalanan din ako.
Natural na yata na may mga taong abusado.
Mga prenteng anino na humahabol sa aking bawat paghinga.

Konti lang ang tunay sa mundo kaya takot na ako.
Kung itatanong mo kuna paano abuso; tanungin mo ang sarili mo.
Hindi ko na alam at hindi ko na matandaan kung paano tayo umabot sa ganito,.
Siguro talagang ganun ang pagtanda, paurong.

Marahil sasabihin na naman sa akin na hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.
Paano ako gagalaw kung lagi mong nilaagyan ng pandikit ang aking bawat hakbang.

Tulong!
Sinong magpapaliwanag sa akin ng salitang KAPAYAPAAn????

Friday, March 11, 2011

FRAGMENTED 2


………….Suko..
Insekto sa paningin mo…………
Pagod.
Boringot..
…………Walang direksyon..
Walang pagsisisi.
Takas!!!!!!!!
Pag-iisa..
Hingalo…

Ok lang na miss n’yo ako, hindi ko naman kayo namimiss….nyahehe..
Gayahin mo pa ang diskarte ko, po-------3!
Ikaw ang suspek.

Patawadin mo ako sarili ko.
Sopasita prangkita..

Sabi n’ya:
Nasa sa’yo na iyong kung hahayaan mo ang iba na isipin na mali ka.
Walang tama o mali depende na iyon sa diskresyon mo.

Magilas na Bubbles.
Hunting me.
Single ulet???????

Kaibigan.
Konti na lang.
Andito.

Dalhin mo ako kung saan ako patutungo.

Pera equals demonyo,
Ambisyon equals rape.
Comma??????????
Tuldok na tayo.

I need vindication..

Ikaw ang katahimikan ko.
Hilahin mo ako punta sa’yo.