Monday, June 13, 2011

P. M.A.

Dahil sa masyadong tuwid ang linya, tayo ay Kanyang pinipilipit.
Dr. kwak-kwak.
Masakit.
Malupit.

At tayo ay nagkasigawan.
Ikaw ay aking sinaktan.
Tayo ay nagkabasagan.
Nagkaiyakan.

At sila ay dumamay sa ating palabas.
Natabunan ang pagtatalong ugat ng lahat.

At dumaloy ang likido mula sa’yong balintataw.

Masakit ang makitang ikaw ay umiiyak.
Mas nanaisin kong sa akin lahat tumapat ang nararamdaman mong pait.
Hindi mo maapuhap ang iyong sarili.
Tanging halik at yakap ang alok ko sa puso mong wasak.

Sa kalagitnaan ng luha at boses na basag tayo ay nagliwanag.
Nagpasyang pansamantalang maglayo upang hanapin ang katauhang wala sa landas na dapat.
At sinabi kong ako ay maghihintay.
Ipinanalangin sa sariling huwag sanang matagal.
Hindi ko din kayang sa’yo ay mawalay.
Magdilim man at maliwanag ako ay narito.
Ang diwatang iilaw sa bawat hakbang mo.
Kung maging mabait ang tadhana, ipagpahintulot sanang hanggang sa huli ay tayo…

MAHAL KITA SAAN MAN MAKARATING.
MAHAL KITA KAHIT MAY IBANG DUMATING.

No comments:

Post a Comment