Wednesday, May 5, 2010

ERMAT


Tumawag ako sa aking inay kanina.
Naglalaba na naman s'ya.

Yun talaga ang triP n'ya at hobby sa buhay.
Simula yata ng tumigil sa pananahi, pinagkaabalahan na nya ang maglaba.
Kung meron mang weird sa paglalaba n'ya,
Yun ay ang mas madalas n'yang paglalaba tuwing umuulan.
Kaya naman ang tatay ko ay galit kapag nagsampay sa kusina ang mga patuyuing damit.

Ang inay ko, singkit ang mata, maikli ang buhok na kinulayan ng mapulang brown.
Kayumanggi pero ang alam ko dati xang maputi.
Epekto na kasi ng kalalaba at kakasampay.
Medyo tumaba na siya pero hindi ganun kataba.
Syempre, given na ung pagtaba dahil na din sa pagtanda.

May mga oras na sinusumbatan ko ang aking ina.
biro lang naman..:p
Kasi naman iniisip ko na hindi ako naalagaan nung bata ako.
Isinisisi ko sa kanya ang mga namaga kong libag sa tuhod at siko pati na ang mga piso ko sa binti.
Bata pa lang kasi ako, subsob na s'ya sa trabaho.
Umaalis ng 4am para sa trabaho.
Kaya kumahog ako na ihanda ang aking pampaligo sa edad na singko.
Ayaw ko naman iaasa kina utol ang mga gawaing ito.

TRIVIA: nag-iisa po akong babae sa anim na magkakapatid.
Aang aking ina,katuwang ang aking tatay ay maasikaso sa kanyang mga anak.
Dalawang trahedya ang dumaan sa aming pamilya ngunit nanatili s'yang matatag.
Ng susuko na ang aking tatay s'ya ang nagpapalakas ng kanyang loob.
DRAMA naman...hehehe..

Ang aking ermat kung sa sasakyan, may problema ang preno.
Madalas kasi s'yang nadudulas o kaya naman ay nadadapa.
Hindi na namin un tinitingnan na nakakaawa, minsan talagang nakakatawa na talaga.
Biruin mo, kahit sa patag, nadudulas s'ya. hahaha!
Madalas s'yang gumawa ng scandal sa palengke kung saan talagang literal na lumilipad ang mga Pinamili n'ya including mga isda.
Sa mall, ganun din s'ya.
Bago kami sumakay ng escalator, binibiro ko s'ya kung escalator, stairs o karga. hehehe.
Nakaka-kaba kasi.

Madalas n'yang kinukwento sa akin ang kanyang manliligaw nung kadalagahan n'ya .
Hanep si madir, ako nakaisa lang tapos s'ya madami pala.
Super pila pa ang mga lalaki sa kanya.
Magpipinsan ang nanliligaw.
Swerte na nga lang ng aking erpat si ermat ang napangasawa.

Alam n'yo, sobrang swerte ng mga naging hipag ko at magiging hipag.
Hands-on ang aking ermat sa mga apo.
Nitong huli binbiro n'ya ako.

INAY: Nene, maabutan ko pa kaya ang aking magiging apo sa'yo?
AKO: Aba inay, wag n'yo akong tanungin at baka ako nga ay makapag-asawa. hahaha!

Yan ang madalas naming biruang dalawa.Ü

Dahil nga hands-on s'ya,
Susuyurin n'ya ang kakasuluk-suukan ng Brgy Aya
Para lang makautang ng pera
Nung panahong sabay-sabay kami ng pag-aaral.
Sa kanya ko siguro namana ang art ng pangungutang pag walang-wala na.
Varsity n'ya ako..hehehe

Ang mga kailangan naming damit sa mga school competition mga required na get-up, sya ang lumalakad.
Kaya naman, lagi s'ya ang taun-taong nasa stage.
Ahhhmmmm....yabang ano?:p

Sa mga panahong nagsimula akong medyo tubuan ng puso na hanggang ngayon ay tumutubo, sa Aking inay ako nagkukwento.
Minsan nakakahiya na nga.
Nahihirapan akong magpigil na kiligin pag pinagkukuwentuhan namin si hemats boy.
Sisingitan pa n'ya ng mga payo na sa parte ko minsan ay nakakasuka at baduday talaga.
Kaso lang ewan ko, siya na ang bestfriend ko sa bahay.
Alangan naman sa mga barako magkwento. ;p

Si ermat mahilig magcha-cha.
Nakakatawa ung isang step lang ang nakikita ko sa kanya.
Cha-cha and then ikot..hahaha!
Kung sa kantahan din lang nman, aba! sa kanya ako nagmana..Ü

Katulad ng ibang ina, maingay s'ya sa umaga.
Natural na yata yun. hahaha!
Nangingibabaw ang boses n'ya kung weekends. hehehe..

Maswerte kami ke ermat. Ang dami ko pang gustong ibigay na reward sa kanya bukod sa tribute entry kong ito. Kung pahihihntulutan sana ni Papa Jesus, Sana magkaroon ng pagkakataon na mabigay ko sa kanya lahat ng kanyang gusto. Buti na lang siya ang inay ko. Kahit makulit, hindi ko pagpapalit

Ang entry kong ito ay sinusulat ko sa pagitan ng aking trabaho at kaantukan. Para sa akin at sa inyo, medyo may kabaduyan. Naisipan ko lang na gawin kasi ngayon ay kanyang kaarawan.
Happy birthday MUDRA! Wag ka ng madadapa, ipapahuli na kita sa pulis for public scandal. hahaha!

PS: pedeng pag naglilinis ng bahay, huwag mo ng ibalik ang mga itinapon kong basura? hahaha!

Monday, May 3, 2010

DOBLE CARA Y CRUZ




WEEKEND..
Sarap matulog with my pampulubing damit,with matching electric fan with the chirping birds.
Payapang umaga..
And then suddenly....

IBOTO PO NATIN! maasahan! mapagkakatiwalaan!
"Tao po! pede pong isama-isama nyo naman are sa Mayo 10."
AKO: !@#$!!%^*%#!!*(&$#%@@%#$&%$**%!!!!!!!!
Ang ganda sana ng umaga! kaso sinira ang ang aking tulog.
Napurnada ang aking tumutulong laway.

Ang lakas-lakas ng mga jingle ng mga kandidato ngayon.
Daig pa ang may rave party kapag dumadaan sa kalsada.
Noise pollution.
Sa kainitan ng panahon sumasabay ang amplified na jingle.

Ang lakas-lakas ng apog ng mga kumakandidato ngayon.
Pati mga mamatay tao tumatakbong konsehal ng bayan.
Hanep naman tsong!
Wala na talagang konting kahihiyaan sa buhay.
Ano kayo ngayon?????? kilala lang tao kapag botohan.

Wala na talagang prinsipyo ang mga tao ngayon
Kaisa-isa na nga lang karapatan hinahayaang pakialaman pa ng kung sino.
Ssssshhhhhhh..... sikreto ito ?
Doon po sa amin ang mga bahay ay nagkakaroon ng bubong.
Ang mga tindahan ay napupuno ng laman, at ang bigasan ay umaapaw..

Alam n'yo na, mabili din kasi ang boto ngayon eh.. hahaha!
Parang kendi fifty cents lang.
Parang yosi pedeng iaalok sa kahit sino.
Parang alahas pwedeng isangla.

Nakakairita din naman na nahahati ang magkakamag-anak dahil sa pulitika na yan.
At nakakairita din na kelangan pa ng debatehan sa kung sino at hindi ang gusto.
Bakit pa pinag-aawayan masyado ang pwesto ng mga mayor at kung anu-ano.
Kung tututusin naman ang liit lang ng sweldo.
Hay.. ganyan talaga ang mga mukhang kickback.

Sana naman sa mga kapwa ko kumukondena ng maduming halalan,
Maging matalino na tayo. tayonaman ang apektado tapos magrereklamo.
Tayo din naman gagawa ng sarili natiung multo.
Wapakels naman ako kung sino ka, kung anak ka man ni Lucifer o anak mo si Poncio Pilato.
Basta ako, hindi kayo piho. mahirap na pag nagbabayad ng buwis..

Yabang ko ano? amanos na lang tayo, tablado..;p

****pasintabi sa paggamit ng logo, may kaugnayan naman eh..Ü

EXOTIC WARRIORS


Kung hindi ka sanay makakita ng taong weird, wag kang sasama saken.
Kung nadidiri ka at nadudugyutan sa taong matatttoo at wag na wag kang lalapit sa akin.
Kung inaakala mo na kasali ako sa mga fraternity, me sablay ka doon.
Kung natatakot ka sa mga taong me malalaking hikaw(alias tunnel) wag mo akong kakaibiganin.
Kung isa kang high-class, sosyalera, distansya ka lang. konti lang.
Kung gwapo din lagi ang habol, sige lang lapit ka, bibigyan kita. haha!
Kung ayaw mong mapagalitan ng isang magtitinda ng mani sa palengke ;
Kung ayaw momg sigawan ka ng mga matadero at trycycle driver, wag na wag kang sasama saken.

Hindi naman ako masyadong judgemental na tao, kunti lang.
Pero un pa din nga ang logic noon, judgemental pa din nga ako.
Ang konting kaibahan nga lang pinipilit ko namang hanapan ng paliwanag ang isang tao kung ano Ang komposisyon ng kanyang mundo.

Ang ilan sa mga bagay na nabanggit ko, dati ay hindi ko tanggap.
Tsaka mo lang naman maiintindihan at makikilala ang isang tao kapag nakakasama mo eh.
Kung tutuusin, madaling magbitaw ng salita. As usual kelangang bida na nman ako sa kwento.
Madaling husgahan ang tao batay sa kanyang kilos.
Kung isaksak natin sa makitid nating utak, hindi lahat ng tao pareho-pareho ng nararamdaman.
Hindi pareho ng isipin sa buhay.

Madaming nagtatanong:
Bakit daw mga kaibigan ko puro ganon.

Ating alamin:
Hindi naman po puro ganon.
Musika ay art! ang get-up ng musikero ay art.
ang pinili mong lifestyle ay ARTE! oo, art yun!

Bata pa lang po ako ang aking mga tito nakikita ko ng ganon.
Nakita ko na din kung paanong ang tattoo nila sa katawan ay binura.
Yikes!
So frightening men!

Natatandaan ko pa nung minsang naghikaw ang aking kuya.
Nang makita ng aking ama, hinaklit ang tenga. haha! kawawa..
Madaming restriction, pero kanya-kanyang pagdadala.

Katulad ng paulit-ulit na commercial aking sasabihin..
TO ALL THE PEOPLE OF THE WORLD:
Hindi naman porke style bato eh adik na.
Hindi porke mahaba ang buhok luko na.
Look within.
Hindi naman nasusukat ang pagkatao sa hitsura lang.

SA AKING mga batong kaibigan: Kung anuman ang pinili mong porma, accounted ka jan. Pero wag sana nating kalimutan na ang ating katawan ang templo ng nasa ITAAS. Nasa sayo na kung paano yan aalagaan.

Iniisip ko din kung paano hahatulan ni Papa Jesus ang mga tao sa purgatoryo.. Paano nga kaya??

Tuesday, March 16, 2010

BOPLAKS----pre-requisite


ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON?
KATULAD LANG NUNG.....

....GRADE 5-- KASASAYAW LANG NG CARIÑOSA.
SABITAN NG MEDAL TAPOS ISA LANG YUNG AKIN. HEHEHE
TAPOS LAKAD AKO NG MABILIS PAUWI NG BAHAY HABANG UMIIYAK.
NAGKAABANGAN NOONG NAG-GRADE-6.;)

...WALA AKONG PAYONG HABANG ANG MGA PINSAN KO AY BAGO LAHAT.
AYAW NILA AKO PASUKUBIN DAHIL MADAMOT SI ERMAT NILA.HEHE
SUGOD AKO SA ULANAN.
PANDONG (TAKLOB ANG ULO, HIRAP MAGTAGALOG..HEHEHE...) ANG BAG KO NA NAKAPLASTIC PARA HINDI MABASA ANG AKING MGA GAMIT.
INABANGAN NILA NUNG NAGCOLLEGE.

..KATULAD NG ME BAGO SILANG DAMIT TUWING PASKO SAMANTALANG AKO, MANA LAHAT SA MGA NAGING GF NG UTOL KO.
INABANGAN AKO NUNG ME PERA NA.. FABULOUS!

..KATULAD DIN LANG NUNG UNA AKONG NAGKACRUSH AT NALAMAN KO NA MAY GF NA S'YA.
WOW HEMATS. SAKIT. OK LANG.
GANDA KO NGAYON.HEKHEK!

..KATULAD NUNG HINDI AKO KINUHA NG KAPATID KO NA KAPARTIDO SA STUDENT GOVERNMENT ELECTION.
(NAINTINDIHAN KO NA NGAYON KUNG BAKIT AYAW N'YA.)
PANALO AKO NOONG BILANGAN, LANDSLIDE..HEHE

..KATULAD NUNG 3RD YEAR NA NAGKASAKIT AKO AT NAWALA SA UNANG PILA NG MAY ULO DAW(ECHOS!!)
UNG NANGUNGUNA, HINDI KO NA ALAM KUNG ASAN NA NGAYON.

..KATULAD NUNG GUSTO KO MAGING MOCC PERO HINDI DIN NANGYARI.
AYOS, LANG, ROVERETTE NA LANG MUNA.

..NAKITA KO ANG KABARKADA KONG BABAE NUNG ISANG ARAW, PULIS NA SYA PERO HINDI S'YA SUNDALO.
PINAGALITAN KO PA S'YA . BAKIT HINDI SUNDALO. HAHA! KAMOT SI KAIBIGAN. (PEACE MGA PNP!)
NATUTUWA AKO AT NATUPAD N'YA ANG PANGARAP NAMIN.

..NUNG HIGHSCHOOL GRADUATION HINDI AKO PINAKAMAGANDA, PERO BARKADA KO PUGE..(MATUTUWA SI BABSIE)

..NUNG HIGHSCHOOL GRADUATION HINDI AKO ANG UNA PERO MADAMING NAGPALAKPAKAN NUNG NASA STAGE NA, AYOS.
MODEL STUDENT, PUNCTUAL. AMOY POLITICS. NAGSIGAWAN MGA KABARKADA. BUTI HINDI AKO BINATO NG KAMATIS KONTI LANG PAGBABA. ISA AKONG HUWAD. HAHA!

..UNG COLLEGE, HINDI KO NAKAPASOK NG SKUL NA GUSTO KO.
LAGI AKONG MAY ASSIGNMENT.

KATULAD LANG NUNG WALA LANG AKO AT ISANG SUBSTITUTE LANG SA SCHOOL BAND KO, ANO NGAYON??
NYAHAHAHA! ROCK EN ROLL!

..NUNG COLLEGE SA BAGO KONG SKUL MATAPOS AKONG MAGTRANSFER NAPAGALITAN AKO NI TEACHER.
AYOS PA DIN, WALA NA S'YA SA SKUL NAMEN NUNG 3RD YEAR.

..NUNG PA-3RD YEAR NA, BAGSAK AKO SA QUALIFYING NG COURSE KO, LAGLAG ANG DATING NAKASABIT SA LETTER "y"
GUSTO KO SANANG IPAGTANGGOL ANG SARILI KO DAHIL NACOMMITT KO ANG DALAWANG STANDARD NA ITO SA ISANG SKUL YEAR LANG.
(THE FOLLOWING IS ONE OF THE REASON) HAHA!

..BOTHERED KE _____AKALA KO MAHAL MO AKO?
HAYAN TULOY, ME ASAWA KA NA..HAHAHA!
PERO OK LANG HINDI PA DIN IKAW ANG UNA SA AKING PUSO, MAY HEMATS NA AKO NAUN.

..KATULAD LANG NUNG BURN-OUT LANG AKO MAG-ARAL.
SAWA NA SA SET OF RULES AND REGULATION N'YO.

..KATULAD LANG NUNG HINDI KAME NANALO SA BATTLE.
KASURA KAYONG MGA JUDGE KAYO, ANO? ASAN NA KAYO NGAYON??

..NUNG NAKATANGGAP NG 3 SA THESIS, FEASIBILITY.
KAME LANG YATA NAKATANGGAP NUN, HAHAHA!
AYOS LANG, BOKALON, MAGKIKITA PA TAYO.

AT NGAYON..

PARE-PAREHONG PAKIRAMDAM, IBA-IBANG PAKIKIPAGSAPALARAN.
INAAMIN KO NASAKTAN AKO. PERO ANO ANG MAGAGAWA KO?


SIGURO NGA HINDI KO SINERYOSO ANG COMPETITION.
HINDI NA KASI AKO MAGALING DIYAN.
MAARING SABIHING MAGANDA DIN ANG COMPETITION PERO KADALASANG NAGIGING ANAY SA SAMAHAN.

KOMPETISYON EQUALS PULITIKA.

NUNG PANAHONG SI LUCIFER AY NAG-AKLAS, ISA NG COMPETITION EQUALS POLITICS.
ANG PAGPATAY NI CAIN KAY ABEL, KOMPETISYON DIN ANG PINAG-UGATAN.


HALO-HALONG PAGKAINIS AT AWA SA SARILI ANG NASA AKING KATAWAN NG MASULYAPAN KO ANG ISANG MAMA.
MARUNGIS, MUKHANG GUTOM. PUTOL ANG KAMAY.


PAPA JESUS, PAPA GOD YOU'RE SO GOOD.

ANO NGA NAMANG KARAPATANG KONG MAGREKLAMO?
EGO LANG ANG NAWALA SAKEN. HINDI NAMAN AKO NAMAMALIMOS SA KALYE.
BUO ANG KATAWAN KO MALIBAN NA LANG SA NAKAPATONG LANG ANG AKING ULO PAMINSAN-MINSAN.
ANG SAKIT AT FAILURE NAMAN PAIKOT-IKOT LANG.
PARANG MAS MASAYA KA LANG KAHAPON KESA NGAYON.
KAPLASTIKAN KO LANG ITO..HEHE..JOKE! TUNAY YAN..Ü


EH ANO NGA NAMAN KUNG HINDI AKO MAKAPASA SA PANLASA NYO. PEDE KO PA NAMANG PASARAPIN ANG LASA KO.

SA UNA NGA NAMAN MEDYO MASAKIT TANGGAPIN LALO AT ALAM MO NAMAN NA CONFIDENT KA SA SARILI MO NA OK ANG GINAGAWA MO.

THE FIRST CUT IS THE DEEPEST.(VOILA!)

SA UNA LANG NAMAN, PAGKATAPOS NG LAHAT MAIISIP MO NA WALA NAMAN TALAGANG KWENTA ANG KARANGALAN BASTA ALAM MO SA PUSO MO NA WALA KANG NATATAPAKAN.

KUNG HINDI AKO NAKAPASA SA STANDARD MO, WALA NAMAN AKONG MAGAGAWA DUN, IKAW YAN, HETO AKO.


I REALLY RESPECT YOU ALL. HAHA! HALONG PLASTIC, KONTI LANG.

KUNG HINDI AKO NAKAPASA SA'YO,OK LANG NAMAN,HINDI KA DIN NAMAN NAKAPASA SAKEN.NYAHAHAHAHA!
QUITS LANG TAYO, AMANOS!!!! BELAT!!!


ANG PAYO NGA NG SDD:
kimpoy:kung ayaw ka nilang tanggapin.wag mo nlang pansinin,dahil hindi sila Diyos na dapat mong suyuin.
ROCKIN' and ROLLI'...:p
-

MULTU-MULTUHAN--the ghost in me..



KASALANAN KO BA GA KUNG AKO AY ISANG MULTO?YEAH RIGHT, MULTO TALAGA AKO.

NABANGGIT KO NA SA ISANG ENTRY KO NA AKO AY DAKILANG MULTO.HINDI KASI AKO PAPANSIN, HAHAHA! PERO PANSININ, HAHAHA! DUN LANG ANG BAWI..

MULTO, MULTO! PAULIT-ULIT NA LANG AKO.ANONG PAKE MO?? KUNG NAKUKULITAN KA NA, WAG MUNG BASAHIN. HEKHEK! PEACE OUT.

PARA SA IBA, AKO AY WALA LANG. PARA SA KANILA, AKO AY DA BEST..BEST, BEST! AKO LANG NAMAN NAGPAPALAKI NG SARILI KONG BATUNGOL(ULO)

SINO PA ANG MAGTATAAS SA AKIN AKO DIN LANG.

MAHILIG TALAGA AKO SA SULOK, KAHIT SA PICTURAN AKO AY NASA SULOK, TAPOS MASISINAGAN NG FLUORESCENT LAMP. VOILA! MULTONG-MULTO ANG DATING PARANG WHITE LADY,KAYA NGA GUMAGAWA AKO NG PARAAN PARA MAPANSIN KAHIT KONTI.

halimbawa: POPOSE NG PARANG ABNORMAL(ANG TERM PO NA ITO AY PARA SA AKIN LANG HINDI PARA SA MGA KAPATID NATING ME KAPANSANAN.)

SIGURO KAYA HINDI AKO BINIBIG-DEAL DAHIL AKO SI SULOK MAN.MINSAN NAIISIP KO KUNG KASALANAN NGA BANG MUKHA AKONG WALANG PAKIALAM SA PALIGID?

MAGILAS NAMAN AKO EH, PABIBO NAMAN AKO, TALAGA LANG UNFAIR ANG BUHAY.KUNG SINONG MUKHANG MABAIT XA ANG DA BEST.PUPPY OF A BITCH! HINDI LAHAT NG MUKHANG MABAIT, MABAIT! POKER FACE!HEHEHE....HINDI NAMAN AKO GALIT, PAINIWALA KO LANG YUN. KUNG AANGAL KA, WALA NA AKONG MAGAGAWA DOON.

MAM! SIR! NAKIKINIG TALAGA AKO, AKALA MO LANG HINDI.MADAMI NAMAMATAY SA AKALA.SI RIZAL AKALA WALANG BARIL TUMALIKOD.SI MARCOS AKALA NASA KANYA PA DIN ANG MILITAR PERO WALA NA.

TINGNAN MO, NUNG SINABI KO NA PUTI, IGINIIT MO NA ITIM HANGGANG SA NAPATUNAYAN MO NA PUTI NGA!BELAT! ISANG MALAKING UHHHHHHMMMMMMM SA IYO!! (DEVIL LAUGH) ETO KA!!!!!!!!!! \m/

BAKIT NGA KAYA PARANG MUKHANG LAGI NA LANG AKO PATAPON, DAIG KO PA ANG ISANG LAGALAG. TSK! TSK! NOMADIC..KAWAWA..HINDI KO ALAM KUNG SAAN AKO DADALHIN. PEDE BA???? IM BETTER THAN WHAT YOU THINK. I'M TRYING MY VERY BEST WITH MY OWN EFFORTLESS WAYS PERO WALA PA DING GALING.. HAHAHA! TANGNA!! PAG MALI ANG GRAMMAR MAGCOMMENT.TATANGGAPIN KO LAHAT NG PAGBULLY NYO. HEKHEK!

AT TINANGGAP NA NG ULO KO ANG SUNOD NA SENTENCES.

"MINSAN KAHIT ANONG GAWIN HINDI AGAD MAKUKUHA ANG GINUGUSTO. BASTA ANG MAHALAGA, HINDI KA TRYING HARD,EASY LANG.

KUNG HINDI KASI PARA SAYO ANG ISANG BAGAY, KAHIT PA MAGPAKAMATAY KA SA TABI GAMIT ANG MOTHBALLS, WALA TAYONG MAGAGAWA.

KUNG MINSAN INAAKALA NATEN NA ALAM NATIN LAHAT NG BAGAY, AT SA HULI, MAHIHIYA KA AT AAMININ SA SARILI NA ISA KANG TANGA DAHIL ALAM MO NA NAGKAMALI KA NG HATOL.

PARANG TANGA LANG, PARANG AKO LANG.MUKHA KASI AKONG WALANG PAKIALAM.

ALAM KO NA WALA KANG MAINTINDIHAN SA PINUPUNTO KO, PERO HINDI KO NAMAN LAYUNIN NA MAINTINDIHAN MO AKO. GUSTO KO LANG MALAMAN MO ANG INIISIP KO.

Saturday, March 6, 2010

KUMUSTASA??


Kumusta na?

Kumusta na BLOGSPOT.

Mapapatawad mu kaya ako dahil ngayon lang ulet ako sumulpot? Pasensya na talaga ha?
Sorry from the bottom of my hardcore heart.
Kasi naman inabuso ako, inabuso ako ng panahon. Inabuso ako ng trabaho. Kelan yung huli tayong nagreunion? 2009 pa un. Naging busy ako nakalimutan kita.

Isang araw ang aking bumbunan ay nag-isip ng nagisip.
Anu ang mga bagay na aking namissed?
Masyado na akong kinain ng trabaho.
Wantusawa ang gawain ko, pramis!
Tunay na tunay; hindi ako nagsisinungaling kahit pa tubuan ako ng pigsa sa bunganga ngayon.
Wala na akong alam sa nagyayari sa mundo.
Papasok sa umaga para magtrabaho, tapos lalabas ako ng wala ng araw.
Makikipagchikahan sa mga kalive-in ko sa boarding house, tapos konting teleserye, tapos tulog, gising, pasok na ulet.

Nung graduating student pa lang ako, super hyper trip na gusto ko nang magtrabaho.
Office gurl, ika nga, ngayon namang nagtatrabaho na ako, gusto ko namang habambuhay na maging estudyante. Ang gulo ano? Magulo talaga ako parang buhok ng mais, hahaha!!!!

Grabe ang pressure ng buhay empleyado. Kelangan mong habulin ang mga deadlines kung hindi DEAD talaga , kelangan mong makisama sa mga taong ibat-iba ang ugali.
Minsan nga kaibigan mo ng matagal na saka mu lang malalaman na makakaaway mu pa din xa. (see new post in the future..;p)

Totoo nga pala ang lumabas sa hula.
Kapag nasa corporate world ka na, wala kang ligtas sa mga gawain, by hook or by crook. Kelanagan mung tapusin ang iyong nasimulan.
Wapakels kung wala ka pang gaanong tulog; wapakels kung dun ka na tumira sa office.
Buti na lang hindi ko pa yun nararanasan, pero malapit na.

Ayaw kong magpakasugapa sa trabaho.
Bukod sa alam ko ng medyo nagiging sugapa ako ngayon.
Buti na lang hindi ko pa nararanasan ang straight shift dahil siguradong pag naranasan ko un me 75% na mala-life line ako.magagamit nag health card.
Tae naman, hindi ko na iwiwish na magamit ang health card na un!! haha!

Kapag nagtatrabaho ka na malaki ang tendency na mabobo ka; Paano naman kasi ang alam mo lang ang ginagawa mo ngayon.
Computer, keyboard at mouse, yun lang ang kasama mo maghapon sa iyong station.
Masuwerte ka ng makasalamuha si kaibigang Google dahil lahat halos ng companies ngayon ibinoblocked na ang mga prominent sites. Wala na ang mga fezbuk, wala na ang mga Friendster, walang Youtube, wala lahat. Hahaha! Blog na lang ang natitira kong napupuntahan, kaso hindi pede mag-sign-in. blocked eh, hehe.
Burahin ang internet history.

Mahirap ding makisama sa mga tao sa opisina. Iba-iba ng ugali, may aswang, manananggal at multo.

Ako yung multo.
Aminado naman ako. Hindi ko maitatatwa na isa akong tinga dahil kung saan sulok ako ay nandun.
Siyempre minsan masakit ding masabihan na hindi nila ako nararamdaman, hindi ko lang kasi trip masyado magsalita, nakakapagod kasi un sa panga. Hahaha!
Hindi din ako madaling mapatawa. Pero lagi naman akog ngumingiti kapag nasasalubong kung sino man silang nakakasalubong ko.
Ipinanganak naman talaga akong isang TINGA QUEEN palaging nasa sulok. Isang multo, kalimitang hindi napapansin.

PERA, SWELDO, SALARY, WAGE…
Yan ang primary motivation ng mga empleyado, pangalawa pa ung job experience.
Malapit na ang cut off, wala ng pera. Kapag swelduhan na, one day masaya.
Kapag sweldo kasi lalo na sa isang katulad ko budgeted na ang pera.
Kailangan ng ibigay sa mga naghihirap.
Masaya ako pag may nabili ako para sa mga mahal ko sa buhay; pero kapag ako ang bumili ng para saken, ang bigat sa loob ko. Kawawa naman..
Pero ok lang yun saken mahal ko naman sila..

Alam mo ba ga na dahil sa trabaho ko, dumadami ang hangin sa aking likod, kelangan ko ng magpahilot ng likod. Alam mu din ba na ako ay sumasakit ang ulo dahil sa matinding aircon. Siguro balat dinosaur ung mga nasa opisina (hiram ke kaibigang Allen).

Masisisi ko ba kung maingay akong magtype? Dun ko kasi naiilabas ang aking pagkainip. Mas gusto ko kasing naririnig nila na me ginagawa ako, hehehe.. Kaya naman ito, medyo pasma,.
Kaibigang BLOGSPOT, hindi naman ako nagrereklamo sa kung ano ako meron ngayon, nais ko lang ibalita ang aking nararamdaman. Sino pa ang aking pagsasabihan?

Men fakingly cares about your problems. (THE UGLY THRUTH) haha!

Sa isang araw ulet….
Unga pala, ako ay night shift na.. One week na.
Goodluck na lang ulet sa next 3months..(-.-)

Monday, February 22, 2010

ANG NALALAPIT NA PAGBABALIK.....

Maghintay ka lang aking pahina..

Malapit ka na ulet magkalaman ng madaming-madami..Ü

Sa mga susunod na araw ha?Ü

VAMOS!!