Saturday, March 6, 2010

KUMUSTASA??


Kumusta na?

Kumusta na BLOGSPOT.

Mapapatawad mu kaya ako dahil ngayon lang ulet ako sumulpot? Pasensya na talaga ha?
Sorry from the bottom of my hardcore heart.
Kasi naman inabuso ako, inabuso ako ng panahon. Inabuso ako ng trabaho. Kelan yung huli tayong nagreunion? 2009 pa un. Naging busy ako nakalimutan kita.

Isang araw ang aking bumbunan ay nag-isip ng nagisip.
Anu ang mga bagay na aking namissed?
Masyado na akong kinain ng trabaho.
Wantusawa ang gawain ko, pramis!
Tunay na tunay; hindi ako nagsisinungaling kahit pa tubuan ako ng pigsa sa bunganga ngayon.
Wala na akong alam sa nagyayari sa mundo.
Papasok sa umaga para magtrabaho, tapos lalabas ako ng wala ng araw.
Makikipagchikahan sa mga kalive-in ko sa boarding house, tapos konting teleserye, tapos tulog, gising, pasok na ulet.

Nung graduating student pa lang ako, super hyper trip na gusto ko nang magtrabaho.
Office gurl, ika nga, ngayon namang nagtatrabaho na ako, gusto ko namang habambuhay na maging estudyante. Ang gulo ano? Magulo talaga ako parang buhok ng mais, hahaha!!!!

Grabe ang pressure ng buhay empleyado. Kelangan mong habulin ang mga deadlines kung hindi DEAD talaga , kelangan mong makisama sa mga taong ibat-iba ang ugali.
Minsan nga kaibigan mo ng matagal na saka mu lang malalaman na makakaaway mu pa din xa. (see new post in the future..;p)

Totoo nga pala ang lumabas sa hula.
Kapag nasa corporate world ka na, wala kang ligtas sa mga gawain, by hook or by crook. Kelanagan mung tapusin ang iyong nasimulan.
Wapakels kung wala ka pang gaanong tulog; wapakels kung dun ka na tumira sa office.
Buti na lang hindi ko pa yun nararanasan, pero malapit na.

Ayaw kong magpakasugapa sa trabaho.
Bukod sa alam ko ng medyo nagiging sugapa ako ngayon.
Buti na lang hindi ko pa nararanasan ang straight shift dahil siguradong pag naranasan ko un me 75% na mala-life line ako.magagamit nag health card.
Tae naman, hindi ko na iwiwish na magamit ang health card na un!! haha!

Kapag nagtatrabaho ka na malaki ang tendency na mabobo ka; Paano naman kasi ang alam mo lang ang ginagawa mo ngayon.
Computer, keyboard at mouse, yun lang ang kasama mo maghapon sa iyong station.
Masuwerte ka ng makasalamuha si kaibigang Google dahil lahat halos ng companies ngayon ibinoblocked na ang mga prominent sites. Wala na ang mga fezbuk, wala na ang mga Friendster, walang Youtube, wala lahat. Hahaha! Blog na lang ang natitira kong napupuntahan, kaso hindi pede mag-sign-in. blocked eh, hehe.
Burahin ang internet history.

Mahirap ding makisama sa mga tao sa opisina. Iba-iba ng ugali, may aswang, manananggal at multo.

Ako yung multo.
Aminado naman ako. Hindi ko maitatatwa na isa akong tinga dahil kung saan sulok ako ay nandun.
Siyempre minsan masakit ding masabihan na hindi nila ako nararamdaman, hindi ko lang kasi trip masyado magsalita, nakakapagod kasi un sa panga. Hahaha!
Hindi din ako madaling mapatawa. Pero lagi naman akog ngumingiti kapag nasasalubong kung sino man silang nakakasalubong ko.
Ipinanganak naman talaga akong isang TINGA QUEEN palaging nasa sulok. Isang multo, kalimitang hindi napapansin.

PERA, SWELDO, SALARY, WAGE…
Yan ang primary motivation ng mga empleyado, pangalawa pa ung job experience.
Malapit na ang cut off, wala ng pera. Kapag swelduhan na, one day masaya.
Kapag sweldo kasi lalo na sa isang katulad ko budgeted na ang pera.
Kailangan ng ibigay sa mga naghihirap.
Masaya ako pag may nabili ako para sa mga mahal ko sa buhay; pero kapag ako ang bumili ng para saken, ang bigat sa loob ko. Kawawa naman..
Pero ok lang yun saken mahal ko naman sila..

Alam mo ba ga na dahil sa trabaho ko, dumadami ang hangin sa aking likod, kelangan ko ng magpahilot ng likod. Alam mu din ba na ako ay sumasakit ang ulo dahil sa matinding aircon. Siguro balat dinosaur ung mga nasa opisina (hiram ke kaibigang Allen).

Masisisi ko ba kung maingay akong magtype? Dun ko kasi naiilabas ang aking pagkainip. Mas gusto ko kasing naririnig nila na me ginagawa ako, hehehe.. Kaya naman ito, medyo pasma,.
Kaibigang BLOGSPOT, hindi naman ako nagrereklamo sa kung ano ako meron ngayon, nais ko lang ibalita ang aking nararamdaman. Sino pa ang aking pagsasabihan?

Men fakingly cares about your problems. (THE UGLY THRUTH) haha!

Sa isang araw ulet….
Unga pala, ako ay night shift na.. One week na.
Goodluck na lang ulet sa next 3months..(-.-)

Monday, February 22, 2010

ANG NALALAPIT NA PAGBABALIK.....

Maghintay ka lang aking pahina..

Malapit ka na ulet magkalaman ng madaming-madami..Ü

Sa mga susunod na araw ha?Ü

VAMOS!!

Friday, August 14, 2009

Bakit kaya pagdating sa’yo nauubusan ako ng sasabihin?
Maraming salamat aking Wolverine. Kahit minsan lang tayo nagkakasama, nararamdaman ko ang iyong pag-aalaga.
Hindi mo ako hinahayaang bastusin ng kahit sino. 

Thank you! Alam mo na ang kasunod..(“\(^0^)/”)



KUNG AKO AY MAGIGING HAYOP..

Kung ako ay magiging hayop nais kong maging kalapati.

Ang kalapati kasi alam kung paano bumalik sa tirahan, ako kelangan pang alalayan. Magtatanong pa ako ng ilang beses sa iba’t- ibanag tao para masure kung yun ang tamang daan. Poor kasi ako sa direksyon. Kapag first time ako sa lugar palaging BOPLAKS ako..:Pl

Lampas o kaya naman kulang o kaya mali ang napupuntahan ko, hehe..


FEELING WRITER LANG

Ano namang pakialam nila kung sa wikang tagalog ako magsulat? Feel ko ang magkwento ng kabalahuraan eh. Haha!! Wala naman akong kaaway. Masarap lang talaga ang maaksyon pero hindi ako mahilig sa action movies ,hehe.

Nung ipinapambato pa ako ng paaralan para sa “School Press Conference” naranasan kong umiyak sa harap ng iba pang aspiring journalist. Feeling ko lang naman na writer ako dahil ang totoo, halimaw na yung mga kasama ko. Nasa anino lang kasi ako ng halimaw kong kapatid na sa kagandahan ng reputasyon eh kelangang sabayan para hindi mapahiya ang lahi.

*****pambato equals pambato!(may stress sa dulo)..-meaning pambato ng pusa, pambato ng aso, pambato sa prutas sa puno.

Maisundo ko ang kwento, Sports Writing- FIlipino ang aking category. Kelangan daw maapoy ang mga salita, maaksyon. Tipong nakkipagbakbakan si mahal kong Wolverine sa iba pang mutants. Naiinis ako wala akong maisip dahil sa pressure. One on one kasi kame ng adviser namen. Dahil wala ng mapiga ang utak ko dahil takot at hiya na kay teacher ko, napaityak na lang ako. Yung mga katabi naming estudyante na galing ng ibang school ay nagtinginan na. Mga anak kayo ng inay n’yo! Bakit hindi kayo naiyak sa publiko? Haha! 
Buti naman at umiyak ako, nagkaroon ng place kahit paano. 

MAKIKINIG KASI AT WAG AKALAING KAPAG PINAPAGALITAN EH PARA PARA PAGALITAN LANG. CONSTRUCTIVE CRITICISM PALA ANG TAWAG DUN, HEHE..

Dahil natanim sa utak ko ang pangyayaring iyon, hanggang ngayon maaksyon pa din ako kapag nagkukuwento lalo sa mga kaibigan ko. Me exclamation point!!!!!!!!!! Me konting mura at kalimitang parang laging makikipag-away ang terminologies. Me kasama pa nga palang mustra pag nagkukwento ako..:p

Naalala ko ang sinabi ng kaibigan naming Cholo, buhay na buhay daw ako lagi. Haha!! 

GUILTY PLEASURE

Sa probinsya lang may masarap na mami, goto, arroz caldo, lomi at guisado.
Pede ding sa sariling bayan lang makaktikim ng hinahanap mong pagkain.
Kahit pa Pinoy tayong lahat, may pagkakaiba pa din.

Halimbawa:
*hindi lahat ng Pinoy matulungin, hospitable at mapagkakatiwalaan.
 Me nagtanong kung ano daw ang hanap namen. Sabi ko apartment. Isama daw s’ya at ligtas kame kapag kasama s’ya. Kumusta naman ang pagmumukha ng mamang iyon na mukhang hindi pahuhuli ng buhay. Epal s’ya ng konti.
 May ilan ding nag-aalok ng tulong at sinasabing libre ang pagtatanong. Ayos si Manong. Hindi naman daw kasi masamang magtanong dahil walang bayad.


Hindi naman maselan ang aking tiyan at panlasa sa pagkain. Ngunit ng minsang matikman ko ang mami sa mga carinderia ng lungsod parang gusto ko na s’yang isumpa.hehe.

Dahil wala ng pera pinatulan na namen yung pagkaing nasa lansangan. Bente pesos lang ang isang order ng mami at arroz caldo. Ng matikman ko, wow! Kahit bulate sa tiyan ko ayaw lumunok, hehe.. tuyot na yung itlog. Maitim na yung piniritong bawang at malabnak ang sabaw, ahaha!! Siguro ganu ang lasa ng pinagbabaran ng pustiso ni ermat..haha!!

PAUNAWA: ang kwentong inyong nabasa ay personal na karanasan ng nag-sulat. Walang intensyong apihin ang mga nagtitinda. Isang paalala lang na sulitin ang bayad sa kanila o kaya mag-aral ng tamang pagluluto na makakatulong para lumago ang negosyo nila..
Haha!!



NANG HABULIN AKO NG MANYAKIS

Nung minsang umuwi ako galing trabaho naisipan kong mag-ordinary bus na lang puntang Sucat. Mas matipid at mas mabilis. Sa tatluhang tao ako naupo, katabi ko ang isang matanda; nasa tapat s’ya ng bintana at natutulog. 

Tumigil ang bus na sinasakyan ko sa Bicutan at nagsisakayan ang ibang pasahero. Nang biglang tatayo na ako para lumipat ng upuan, bigla namang me umupo sa aking tabi kaya hindi na ako nakalipat. Kinuwento ako ng mama. Ang tantiya ko mga nasa early 60’s na s’ya. Nakatingin lang ako sa bintana hindi sa kanyang mukha. Alam ko na ang mga diskarte ng mga taong katulad n’ya. Kinakausap ako at kinuha ang aking numero. Dahil maloko din naman ang utak ko, binigyan ko nga ng kung anong numero.

Eto ang masama. Pagbaba ko ng Sucat bumaba din si pedophile man alias Dirty Old Man. Hindi ko man pinapahalata ang kaba ko, kabado talaga ako. Naghintay muna ako ng oras na umalis s’ya. Pero bumalik para itanong ang numero na aking isinulat. Kinahig kasi ng manok ang pagkasulat ko sa papel na binigay n’ya. Tinanong ako kung pasaan pa daw ako, sabi ko hinihintay ko kapatid ko at umalis na si nakakalbong matanda. Nang mawala na ang matanda, naglakad na akong puntang terminal. Andun yung pedophile! Nagda-dial s’ya sa cellphone n’ya at nagtitingin sa paligid.

Ano ang aking next move?na-overpass ako at sumakay sa jeep na sibat para lang makaligtas sa kabang aking nararamdaman. Noon lang ulet kumabog ang puso ko at nanginig ang tuhod sa sobrang takot. Hanggang sa bahay hindi ako mapakali sa aking kapatid dahil sa takot.

Tinuruan ako ng aking magulang na gumalang sa matanda, pero ang katulad n’ya ay dapat ipinapadala sa IRAQ para ipa-rape sa mga bilanggo dun! Hinayupak kang mama ka! Sana matanggal ang lahat ng buhok sa’yong katawan..haha!

LESSON: HINDI KO NA IRERELAX ANG MUKHA KO PAG NAG-BIBIYAHE. DAPAT LAGI AKONG MUKHANG GALIT.