Saturday, July 23, 2011

WALANG PAMAGAT

Nakakapanghinayang.
Kaya ko din naman ang board course kaso madaming nangyaring hindi inaasahan.
Dahil napagod na ako sa kaaral sumuko na ako na maging CPA.
Kung hindi lang madaming problemang dumating sa akin siguro may comma na din ang dulo ng aking pangalan.
Nakakalungkot na hindi ko man lang naranasang magreview at magtake ng board exam.

Hindi ko naman talaga choice ang business course.
Nakigaya lang ako sa mga pinsan at kaklase.
Mahirap kasing mag-aral na hindi idinidikta ng iyong puso ang iyong inaaral.
Kung mayaman lang ako pwede akong pumasok sa malalaki at sikat na university sa Manila.

Kung mayaman ako siguro nakapag-aral ako sa Conservatory of Music.
Pero wala daw pera sa musika.
Pwede ding fine arts.
Hindi lang naman drawing ang pinag-aaralan dun.
Gusto ko kasi ng multimedia arts.

Pwede ding pharmacist na ako.
May board exam yun.
At kung naging pharmacist na ako, may sarili na akong botikang negosyo.

Pwede ding nurse na ako.
O kaya doctor.
Imagination ko lang  ang propesyong yun dahil takot ako sa dugo ng iba.

Minsan ko ding naisipan na masarap na maging dentist.
Nakakainggit kasi yung mga banner ng mga nakakapasa.
Kung dentist na ako ngayon siguro may sarili na akong klinika.
Marahil ako na din ang gumagawa ng pustiso ni Erpat at Mamita.

Pwede ding engineer na ako.
Chemical engineer para tagatimpla ng gamot.hehehe.
Hindi lang naman lalaki ang nagdodominate sa course na ito.
Engr. Maria Carina Ariola……
Ang ganda sana.
Pangarap lang.

Pwede ding nag-criminology ako.
Buti na lng din at hindi.
Naanticipate ko na kasi ang magiging imahe ng pulis  dahil sa kakapanuod ng pelikula ni FPJ.
Pinangarap ko ding maging sundalo kaso mahina daw ang aking katawan.
Payatola kasi ako dati.

Kung ang kinuha ko namang course eh Customs Administration pihong sabay kaming nakagraduate ni Hemats boy.
Nasa Makati Stock Exchange sana ako ngayon.
Pwedeng nasa Bureau of Customs o kaya nasa isang brokerage firm.

Kung nag-Veterinary Medicine, mayamang-mayaman na ako.
Papalitan ko na si Doc Ferdz sa Born to be Wild.
O kaya naman magiging mas sikat pa ako kesa kay Kuya Kim.

Ang dami nga palang course na madaming board exam.
Sayang.
Kaya naman ng utak at loob ko pero hindi kaya ng bulsa.

Tanda ko bago ako mag-college.
Sinamahan ko ang aking itinuturing na bestfriend na kumuha ng UPCAT.
Ngayon ko lang naisip, napakauto-uto ko nga noon.
Bakit ako pumayag na maghintay ng buong araw sa Saint Bridgette?
Sana sinabihan n’ya man lang ako na kumuha din ako ng form at mag-exam.
Hay ang mundo talaga.
Pero tapos na  yun.
Kung kumuha ako ng exam at nakapasa,  siguro nasa Elbi nights na ako palagi o nasa UP MANILA.
Kakayamot din lang maalala.               
Pakiramdam ko tuloy nasayang ang aking buhay.

Kapag nagkaanak ako, hindi ko s’ya pipigilan sa gusto n’yang kurso.
Ayaw ko kasing ng maramdaman n’ya ang nararamdaman ko ngayon.

Sabihin mo man na hindi ako makuntento sa Graduate School ko ngayon eh hindi mo ako masisisi.
Ang hirap ng may pinanghihinayangan.

Para sa mga nagbabasa:
Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?
Kung pahihintulutan ako, gusto ko sanang magtuloy ng Law school.
Kahit hindi makapasa basta magkaroon lang ako ng fulfilment na maranasang magtake ng government mandated exam.
Sana bago ako magwakas sa mundo matupad ang pangarap ko.
Sana lang.


“BECAUSE THE END JUSTIFIES THE MEANS.”

1 comment:

  1. tawa ako ng walang humpay sa first part ng blog, but then, bago sya matapos masakit pala para sa part ko dahil hindi ko naisip na dagdagan ang pangalan ko :)ms. kayen, sadyang hindi natin pwedeng angkinin lahat no? nakakatuwang mabasa to', nag-enjoy ako ^^

    ReplyDelete