Saturday, January 29, 2011

ALUMNI HOMECOMING

Uuwi na ako.

Wala nang mabigat na bag tuwing Lunes.
Hindi na gigising ng maaga at malalamigan ang likod.
Hindi na magpipigil jumingle o kaya paminsan-minsang pagpigil ng jebs.(hehe)
Wala ng masakit na likod sa byahe.
Wala ng masikip na MRT.
Hindi na maglalakad ng malayo punta sa opisina.
Hindi na maje-jaywalking.
Hindi na matatrapik.

Isang taon at limang buwan.
Routinary.
Luluwas, babalik.

Bakit?
Sa gusto ko eh.
Kasalanan mo ba ga iyon? (pilosopong sagot..Ü)

Napapagod na din kasi ako.
Paroon at parito.
Mahabang byahe.
Maingay na paligid.
Maliligalig na tao.
Maduming lungsod.
May bayad ang bawat kilos.

Magpapaalam na ako mabangis na lungsod.
Hanggang sa muli nating pagkikita.
Paminsan-minsan ay dadalawin kita.
Sisilipin kung may ipinagbago ka.

Salamat sa mga konduktor at driver ng bus.
Kahit minsan hindi nyo ako binigo sa ligtas na byahe.

Sa aking tinirhan, kina lolo at lola.
Salamat po kahit kayo ay bigla kong tinakbuhan.
Babawi naman ako bago matapos ang mga araw ko.

Salamat sa aking pinasukang kumpanya.
Madami akong natutunan sa’yo kahit paminsan-minsan ikaw ay aking isinusuka.
Dala lang iyon ng pagod na binibigay mo sa akin.
Sa kabuuan ay mataas ang iyong marka.
10------ karta diyes.
Pasensya ka na.
Matapos kong kunin ang lahat sa’yo ako ay aalis.
Alam mo naman kung bakit.

Salamat sa aking mga KAIPISINA.
Malaking aral ang aking nakuha.
Bagama’t may mga taong nambalahura sa akin sa ilan sa inyo,
Ipinagdadasal ko pa din ang harmonious n’yong pagsasama.
Sana maiwasan na ang crab mentality.
Sana pagtulungang itaas ang bawat isa.
Dapat ipagdiwang ang APIR DAY sa tuwi-tuwina.

Sa iilan na natuwa sa aking mga knock-knock jokes at kakornihan,
Binabati ko kayo at nakadaupang-palad n’yo ang isang tulad ko.
CHAROT!!!!!!!!! Hahaha!

 Sa lahat-lahat ng dapat pasalamatan,
Hindi ko malilimutang banggitin ang mga pulubi sa kalsada.
Ang mga namamalimos.
Si lolo, si inay at itay na kumakanta,
Ang mga nagtitinda sa lansangan.
Sa inyo ako kumuha ng lakas na bumangon sa tuwing ako ay sugatan.

BRO,
Kahit pa tahimik ka d’yan, mananatili kang andito a aking puso.
Punks na kung punks, pero alam mo na ikaw ay laging nasa aking isipan.
Salamat sa paggabay mo sa aking rock en roll na adventure.
Samahan mo sana ulet ako sa aking sunod na pupuntahan.

Hanggang sa muli..
Paalam..♪♫♪♫♫♪



Saturday, January 22, 2011

THE DAWN..


Lolo ano pong ginagawa n’yo  d’yan?
Sa tantiya ko ay nasa edad 70 na kayo.
Suot mo ang iyong sumbrerong yari sa buli.
Hindi ko nakita, pero may kapansanan din yata iyong mga mata.
Kupas ang iyong damit at pantalon katulad ng kupas na panahon.

Hindi po ako makakababa sa sinasakyan kong jeep para ikaw ay lapitan.
Pinilit kong habaan ang aking leeg para maabot kayo ng tingin.
At ng makalampas ang aking sinasakyan, hindi ko namalayang may likido sa balintataw.
Malungkot.
Nakakahabag ang iyong tanawin.

Makulimlim at umaambon po lolo.
Baka ikaw ay magkasakit.
Nakatayo ka sa tabi ng highway.
Kilik ng mga putol mong braso ang  lagayan ng limos.
Dumadaan ang mga tao.
Sana bigyan ka nila kahit konting barya.
Kung lolo kita at apo mo ako, hindi kita hahayaan sa kalsada.
Matanda ka na lolo.
Kelangan mo ng pahinga na bagay para sa isang matanda.

Kahit paano nabawasan ang pag-aalala ko ng malaman ko na may pamilya ka pala.
May sumusundo at naghahatid pala sa’yo d’yan sa iyong pwesto.
Ngunit bakit ganun?
Bakit ikaw pa ang kelangang tumayo d’yan.
Hindi na kita huhusgahan.
Siguro nga masyadong mahirap ang iyong pamilya kaya ganyan ang sitwasyon.

Hangad ko na dumating ang araw na magretiro ka na sa iyong gawain.
Sana Makita ka ng “ Wish Ko Lang.”
Hindi ko kasi maasikaso na isulat sa kanila ang iyong buhay.
Sana sa libo-libong dumadaan sa highway na yan, may isang magmalasakit sa’yo.
Hindi ko na kasi yun maiintindi dahil aalis na din ako.

Ipananalangin kita lolo…

Saturday, January 8, 2011

ASSESSMENT 2010


--Narealize ko na dalaga nga pala ako.
Kelan ko huling binigyan ng reward ang sarili ko?August 2009.
Ayos lang, nakikita ko naman ang aking pinaghirapan.
Baka kasi maibili ko pa ng Krispy Kreme(pronounced as krem) ang aking pera kaya dali-dali ko ng ikinapit sa aking sahig at lababo.(^-^)

-Nagsusuot na ako ng dress.
Sa buong  2010, mga 3 beses akong nag-astang babae.
Nagsuot ako ng gown sa sagala.
Nag-cocktail dress sa wedding anniversary ng aking kaibigang Teletubbies(a.k.a Kimpoy)
Uy, extra. Hahaha!
Itong huli sa Christmas party.
Hindi makaget-over ang mga fans ko.
Yeah, late bloomer ang sopas.(^-^)

--May bago akong kaibigan.
ADDY is fantastic.
Addy is balahura.
Addy is the epitome of a schizophrenic in a normal schizophrenic world.
I love ADDY! (hindi ako tomboy!!!)
Balahura ako; mas balahura s’ya,.
Baliw ako pero mas baliw s’ya.
Masayang isipin na may kasama kang nanunuod ng ipis sa kalsada habang nagkukwentuhan ng daloy ng buhay na hindi emo style.
Special talent namin na amuyin ang naiwang bakas ng mga aso.
(Ewwwwwwwww!!) that’s effing gross...;p
Naghihinayang ako sa apat na taon sa college na hindi ko s’ya nakaclose.
Nakakapanghinayang na tsaka ko lang s’ya nakakausap kapag naniningil lang s’ya ng bayad sa photocopy.
Sana makasama ko s’ya hindi sa trabaho.
Baka mag-away pa kame sayang naman..;p

-May bago na namang lalaki sa aking buhay.
Don’t get me wrong.
Hindi ako two-timer.
Matagal na din kaming magkasama pero ngayon ko lang naappreciate.
Maswerte ako, pinagkatiwalaan mo ESPREN.
Hindi ko na idedetalye kung bakit.
Basta ilabas ang 100% kulet..Ü

-Bawal magsalita ng tapos.
Kapag may binitawan kang salita, dapat kayo mo itong lunukin kahit gaano man kapanget ng lasa kapag nagkalintikan na.
I have my own fair of shitsssssssssss.
Pero isa lang ang ma-assure ko.
Kapag sinabi ko, ginagawa ko.
Sana maging lesson sa lahat na pag napraning ka sa isang bagay, panindigan na hanggang huli kaya mong mapraning.
Matalas ang aking pluma.
Kung hindi mo matagalan, itigil mo na.

-Naranasan ko ang ligayang dulot ng matiyagang paghihintay.
Malas man ako sa ibang aspeto ng aking buhay,
Ang matagal ko namang inaasam ay dumating din.
Siguro ganun talaga ang batas ng kalikasan.
Kapag may ibinigay sa’yo, may mawawala din.
Paikot-ikot lang.
Natuto na akong tanggapin ito.
Bubuyog, sana tuloy-tuloy ka na..T_T

-Natuto akong magpasalamat sa aking mga paa.
Napakagaling talaga ng Rockstar ko sa taas.
Binigyan n’ya ako ng mga paa at binti para makalakad.
Kung wala ang aking mga binti at paa, tiyak hindi ko mararanasan ang mapunta sa kung saan-saan para matunghayan ang bangis ng mundo.
Hindi ko maiwasang mangiti kapag nangangawit na ang aking mga paa.
Natuto akong pahalagahan s’ya.
Ipinama-manicure ko every two weeks para hindi tubuan ng hayupan.;p
Nilolotion ko din para hindi nada-dry. Hahaha! (Kidding)
God is good all the time.

-Nalaman ko na konti lang ang masasabing kaibigan sa mundo.
Tama.
Madaming dadating pero konti lang ang matitira.
Ipagpapalit ka din nila.
Wala pa ding tatalo sa nauna na.
Kung sisikat ka, dapat hindi ka primadonna.

-78% completed patience
Pinipilit ko pa lang gawing 100%.
Isang pagsubok sa akin yan.
Kung ako ay lalaki, pihong nasa barangay ako lage.hehe
Noong isang araw, hindi ako nakatiis na magtungayaw sa mga batang nakatambay sa harap ng aking tinitirhan.

Ang sumusunod ang aking naging litanya (BENTE-NUWEBE STYLE):

          “Hoy! Mga estudyante pa kayo mga utoy?................
          “Hoy! Mga estudyante pa kayo?

          “Opo”

          “Ah, kaya pala hindi pa ninyo alam ang pakiramdam ng nagtatrabaho. Alam n’yo ga na kapag nag-trabaho na kayo, ang pahinga n’yo na lang ay yung itutulog sa gabe? Kaya habang estudyante matulog na kayo ng mainam. Ako ay dumaan din sa pagiging teenager. Totoo at talagang masarap tumambay sa kalsada lalo na at kalahati ng mundo ay natutulog pero hindi ko naman inugali na mambulahaw ng kahanggan. Kita n’yo yung basketball court dun sa kabila? Dun kayo pumunta at ngumalngal. At pakiusap na, pwedeng  huwag kayong nagmumurahan kapag nag-uusap? Ang sakit sa tenga. Eh kung ilagay ko kaya kayo sa isang baso at sasabihan ng TA-nga! PI!! Lechugas! Matuwa kaya kayo? Isa sa bahay na iyan ay mayroong matandang may sakit, sanggol na natutulog o kaya tao na may sleeping disorder? Ala –eh! Ano ga namang totoong kinukurinding n’yo diyan? Uwi na!!
          “Opo ate”

Buti naman naintindihan nila ang aking sinabi. Nakakatulog na ako ng mahimbing at kung tatambay ang mga binatilyo, me curfew na..;p
Nyahahahahaha!

-Hindi nilalaro ang buhay.
At kung laro man, dapat may konkretong gameplan.
Aalamin mo kung sino dapat ang kasagpi at kalaban.

Hindi ka basta pupukol ng bola.
Hindi basta tira ng tira.
Makinig kay coach.
Kailangan din ng DEFFENSE hindi lang puro OFFENSE.
Hindi maitatanggi na kailangan mo ding humingi ng tulong mula sa iba(-kaibigang Allen)

Bawal tumira ng basta paboarding o kaya fastbreak dahil sayang ang pagkakataon.
Quickly but surely, iyan ang uso ngayon.

Bawal ang basta magbigay ng foul sa kalaban.
Mahirap ng makakasakit ka pa para lang makaangat ka ng ilang puntos.
Habambuhay nilang matatandaan ang ginawa mong injury sa kanila.
Baka matechnical ka pa at mathrown-out sa laro.
At sa susunod baka ikaw naman ang bigyan nila ng foul na magdudulot ng ACL injury.
Masakit yun. Baka hindi ka na makabangon.

Kung masyadong masakit at magulang ang kalaro, pumunta sa referee para magreklamo.
Publish or perish.

Kabag binigyan ka ng chance na mag-freethrow, dapat focus ka sa ring.
Hindi pwedeng Sakuragi style.
Nakaporma ang mga kamay, diretso ang tingin at malakas ang pulso.
Dapat nagdadasal ka sa Kanya na sana hindi ka sumablay o magkaroon ng line violation.
At kung sakaling sa freethrow hindi magshoot ang bola dapat me Plan B ka.
Maagap dapat  sa rebound.
Hindi sasagutin ni Bro ang iyong panalangin kung wala ka ding tiwala sa sarili mo.

Ang 6th man on court ay nagsisilbing anghang sa buhay.
Sila ang mga players na ba-blocked at magkocommit ng ball tending para hindi mo ma-shoot ang bola.
Palagi kang susubukan kung hanggang saan ang kaya mong itagal.
Para kang lastikong babanatin hanggang kung saan mo kaya.
Ingat nga lang at baka malagot ka.

Kung manalo ka at maging best player pa, batiin sa camera ang mga supporters mo.
Ialay sa kanila ang panalo.
Lagi mong tatandaan na mahalaga sa ating kultura na batiin ang kapamilya, kaibigan, kumpare at ipis on air.
Magdidiwang sila para sa’yo at para kang si Spiderman na iniligtas ang mundo.

Kung matalo ka, nasa lowest standing at ma-boo ng tao, huwag kang mawalan ng pag-asa.
Ang bola ay bilog, ang ring ay bilog.
Laging isipin na may next season pa.
Ang huli kong sinabi ay medyo risky kaya huwag mo masyadong susundin.
Walang tamang panahon kundi ang bawat ngayon(kanta..hehe)
Experience is the best teacher but that’s a very dangerous statement. (-PROF DIAZ)
Ang bawat pagkakataon ay hindi dapat sinasayang.
Yan ang mahalaga kong natutunan.

Kung susuko ka na, pwede ka namang magpahinga mula sa tadtad na pagkatalo.
Gugulin ang mga oras sa pagplano para maiwasan ang pagsablay.
Kung hindi man maiwasan, mabawasan.

Failure to plan, is plan to fail (SM residence)
-ginamit na halimbawa ng reporter sa strategic management, hahahaha!)

OK.. tapos na po. Next assessment year,,(^_^)







Saturday, December 4, 2010

BLUE MOON

Nakakapagtaka.
Bakit lagi kitang napapanaginipan.
Isa ka lang bahagi ng aking imahinasyon na akin ng kinalimutan.
Yes, you’re far from reality.
But at least I know you existed.


Sumulpot ka lang isang tag-araw ng aking buhay.
Sabi mo nga: “and everything’s so blurry and everyone’s so fake,
Everybody’s empty & every one’s so mess up.


Isa ka ngang batang palalo.
Naging estudyante kita sa hamon ng iyong buhay.
Hindi ko lang alam kung ikaw ay may natutunan.
Ang mga detalye ng iyong pagkatao, ang mga marka sa katawan na simbolo ng lahat ng pait at pakikibaka; lahat ng iyan tumatak sa aking puso at isipan.
Hindi ka nahiya na isambulat ang iyong pagkakamali.


Nagulat ako, naawa at natakot sa’yo.
Sino ako para sabihin sa akin ang lahat ng iyan?


Ilang beses ko ding pinag-isipan kung dapat ka ding pagkatiwalaan ng aking mga saya, kalungkutan, at katwiran sa buhay.
Pinangarap kong makita ka, ngunit alam ko na hindi ka handa.
Pinangarap kong marinig sa’yo ang mahiwagang salita.
Alam ko din ang iyong laro.
Hindi ako nadala.
Pinatunayan mong ikaw ay isang bula.


Nagdulot ka ng sakit sa aking pagkatao.
Sa panahong sumisibol ang isang espesyal na pakiramdam, doon ka nawala.
Sa panahong pulido at patas na ang aking gulanit na pagkatao muli ka na naming dumating.
Sa kalagitnaan ng ulan naghuhumiyaw ang sakit na kinimkim ko ng mahabang panahon.
Ano ang pakay mo?
Bakit ka andito?


Masaya na akong nakita ang iyong likuran at ang paru-paro.
Masaya akong pagkatapos ng lahat malaki ang natutunan ko sa’yo.
Masaya akong malaman na nasa mabuti kang kalagayan.
Ano’t-ano pa man, nahigitan mo inaasahan kong mangyari.


Nakakalungkot dahil hindi ako ang kasama mo sa pag-abot ng mga butil ng bituin.


Maliit lang ang mundo; Magkikita pa din tayo.
Maliit lang ang mundo, magtatagpo din ang dulo.


Kung mababasa mo itong pilas na ito, matatandaan mo kaya na sinabi mo?:


Noon ako'y nalulungkot at walang kasama
Kasamang nagmamahal, kasamang umuunawa
Kaya ako'y humingi ng tulong sa Poong Bathala
At kanyang ibinigay magandang diwata


Diwata ikaw ang buhay ko
Diwata ikaw ang pag-asa ko
Diwata ikaw ang liwanag sa buhay kong madilim
Diwata ikaw lamang ang aking iibigin


Ngunit sa pagdaan ng mga panahon
Ako'y muling nalulungkot
Dahil mukha mo'y di na muling nasilayan
At buhay ko'y bumalik sa kadiliman
----INDIO I

Saturday, November 6, 2010

OUT OF THE CLOSET

BABS,
Magkukuwento na ako.


Apat na revision na ang nagawa ko para sa blog entry na ito.
Nais ko kasi na lumabas itong makwela at may pagkabarumbado.
Sa kasamaang palad bumabalik pa din ito sa gusto n’yang tema.
MIDJO “EMO”
Sa abot ng aking makakaya, pipilitin ko na hindi ito sumeryoso.


Naghalungkat ako ng mga lumang sulat nung highschool.
Nakakatawa naman.
May birthday card pala akong hindi naibigay sa’yo nung 2001??
Binalikan ko ang sulat mo nung recollection.
Wow hanep! Ang mushy. Nakakatawa.hehe
Bawal nang itanggi documented na eh..(^_^)


Sa lahat ng lalaki nqa nakilala ko.
Ikaw lang ang may pinakamaraming bestfriend.
Bakit puro babae yun, maliban lang sa akin?
Tsaka ako lang talaga yung panget.


Hindi kasing lalim ng sa kanila ang pagkakabigan naten.
Walang masyadong malaLim na usapan dahil lahat ay napupunta sa biruan.
Kung lalalim naman, nangyari lang kung kelan busy at kalahati ng mundo ang pagitan.
Hindi kasing tibay ng sa kanila.


Aminan Portion:
Tinangka ko na ilayo ang aking sarili sa’yo BABS.
Ang yaman mo kasi at ang gwapo. Haha!
Eh samantalang ako isang panget na dusdusing taga-bukid.
Ewwwww!!!!
(Palakapak tenga)
(Pinapaniwala ko lang ang mga nagbabasa na gwapo ka..Ü)


Pareho tayo ng school na pinasukan nung college.
Hindi na Ms. Sunshine ang aking role.
Naging Ms. Invisible Girl na ako.
Inaamin ko na nagkaroon ako ng inseguridad sa sarili.
Kaya school tour muna mula sa mundong ang malakas lang ang dominante.


OK, time is out and up.
Tama na yung konting “siryus” na yun.




Madami ka ding matututunan kapag humiwalay ka ng kaibigan.


Matututo kang mamukhang malakas kahit fake lang.
Mang-bully ng mga classmates kahit sa tingin lang na dati ay katulad kong nerd.
Manglait ng mga batang todo taas kamay para magpasikat kay prof.
Responsibilidad mo na ang buhay mo.
Kung paano paninindigan ang mga cutting classes na na-commit at mga bagsak na exams.


Nabalitaan ko na nag-excel ka sa school at course mo.
aba, good news. Dean’s lister ka na.
Ang lahat ay naging kabaligtaran ng kung ano ako dati at kung ano ka.
Parang sundial lang, tapos na ang araw ko at kelangan ng ibaliktad para magsimula naman ang sa’yo.


Napasubsob na ako sa SM 101, SM 102.
Madaming pagdarahop(echos!)
Naging DL sa unang year kahit paano.
Kahit pilit lang.
Alam kong hindi mo ito alam.
Hindi naman lahat ay puro pagiging model citizen ang aking gawain.


Nagtataka ka na siguro at napunta sa ibang usapan ang kwento ko.
Kasi aminin mo man o hindi, kaunti sa kwento ko ay maaring makarelate sa buhay na meron ka ngayon.
May mga bagay na mayroon ka d’yan na wala dito sa akin.
Mayroon naman ako na wala ka din.


Ang sarap ng isaw, betamax, at LOMIIIIIIIIIIIIII!!!
Fishballs kayo d’yan, kikiam! Kwek-kwek!!


Bilang pagtatapos….


Inilista ko na din pala ung mga natatandaan ko lang na dumaan ka sa buhay ko.
Kokonti lang ito.


1. dahil sa katamaran mo na magdala ng bag sa school, ipinapahiram mo ang bag mo na green. (taas kilay girls mo)
2. CAMPING, yung nawala kong bracelet, mga drawing ng mga cartoon characters, SPYROS sa fieldtrip
3. lookout ako sa pagliban ng bakod para makapag-counter
4. Kwentuhan sa likod ng room
5. bookreviews (kahit ayaw kong magpatype ng sa akin)
6. notes sa economics.
7. gagamba para may panlaban ka sa kalaro
8. walang kamatayang pagtukso kay tooooooootttt!!!!!
9. FHM magazine at kwarto sa ilalim ng hagdanan
10. pagsurprise sa birthday kung kelan ako ay wala
11. pagpunta sa bahay na wala kayong bitbit at wala din akong pangpakain..(HEHEHE)
12. virginity issue (madami na akong ipong asin) :)


Ahahaha! Sabi ko sa’yo kokonti lang eh..


Wish ko lang, katukin mo ulet ako sa room ko at magsumbong na binabalahura ka ng adviser mo

Thursday, November 4, 2010

GALING SA AKING MAILBOX

Sa Anak Ko... Kung Sakaling Mawala Ako Bigla At
Hindi Ko Masabi Sa Iyo To Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang
pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana
huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at
magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo
bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing
telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang
kakwenta-kwentang bagay.

Mahalin mo ang nanay mo
Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. 
Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. 
Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin.

Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. 
Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. 
Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. 
Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa
barkada mo.
Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. 
Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English.
Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement.
Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. 
Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog.
Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English.

Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara.
Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono.
Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. 
Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. 
Hindi sila nakakapag-Internet. 
Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. 
Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. 
MaY kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara.

Makinig ka sa mga kanta ng Beatles.
Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles,kahit anong genre kaya mong i-appreciate. 
Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. 
Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero
sikat at ginagaya pa rin? 
Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. 
Bakit college?

Kasi kung high school ka magiging sira ulo,mawawalan ka ng options sa college. 
Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak.

Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school.
Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle , o UST. 
Dapat maganda yung course mo.

Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan.
Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinabukasan. 

Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga.
Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang.

Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilangmakipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo.
Practice safe sex. 
Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. 
Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka.

Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend.
Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, 
Kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya samga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. 
Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. 
Huwag mong sisigawan.
Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun
habambuhay.

Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. 
Matuto kang mag-ipon.
Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo.
Pinaghirapan mo yang pera na yan. 
Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. 
Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT.

Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo. 
Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. 
Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa
masamang landas. 
Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. 
Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. 
Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak nya, at eto yung nasabi niya sa kin. 
Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:

LEARN..

Huwag kang matakot matuto. 
Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. 
Matuto ka sa library.
Matuto ka sa Internet. 
Matuto ka sa news. 
Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha.

Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo.
Matuto ka sa mga kaibigan mo.
Matuto ka sa mga pagkakamali mo.

Saturday, October 2, 2010

FRAGMENTED

Iniidolo ko ang mga:
-dispatcher ng jeep
-takatak boys
-basurero
-naglilinis ng lansangan

Hindi ang mga: -
-maligalig na driver
-mga kotong cops
-mga pulitiko
-hindi ang mga Poncio Pilato

Isang batang babae ang aking nakita.
Nagtatawag ng pasahero sa lansangan.
Kahanga-hangang sa murang edad gumagawa na ng paraan para mabuhay.
Sana lang kapag naging dalaga na s’ya hindi maging basura ng lipunan.
Hindi papara ng mga lalaki sa kalagitnaan ng gabi.


Gusto ko ng baboy.
Hindi ng BABOY na TAO.

Wag kang panget,
Hindi ka malupet.
(excerpt from the FLipTop Battle)

Nanggaling kami ng Quiapo kahapon.
Hindi ako nakapagdasal sa simbahan.
Nakatayo lang ako dun, nakamasid sa altar.

Ang lupit na talaga ng mga pulubi ngayon.
May Facebook na din sila..;p

Madaming babae sa mundo ang insecure.
Huwag n’yo akong isama..;p

Para akong nasa harap ng sanga-sangang daan.
Hindi malaman kung alin ang tatahaking daaan.
At natatakot subukan ang kahit isa man na nadoon.

Subukan mo kayang magsuot ng damit na hindi kasya?
Ano palagay mo sa pakiramdam at hitsura.