Saturday, January 22, 2011

THE DAWN..


Lolo ano pong ginagawa n’yo  d’yan?
Sa tantiya ko ay nasa edad 70 na kayo.
Suot mo ang iyong sumbrerong yari sa buli.
Hindi ko nakita, pero may kapansanan din yata iyong mga mata.
Kupas ang iyong damit at pantalon katulad ng kupas na panahon.

Hindi po ako makakababa sa sinasakyan kong jeep para ikaw ay lapitan.
Pinilit kong habaan ang aking leeg para maabot kayo ng tingin.
At ng makalampas ang aking sinasakyan, hindi ko namalayang may likido sa balintataw.
Malungkot.
Nakakahabag ang iyong tanawin.

Makulimlim at umaambon po lolo.
Baka ikaw ay magkasakit.
Nakatayo ka sa tabi ng highway.
Kilik ng mga putol mong braso ang  lagayan ng limos.
Dumadaan ang mga tao.
Sana bigyan ka nila kahit konting barya.
Kung lolo kita at apo mo ako, hindi kita hahayaan sa kalsada.
Matanda ka na lolo.
Kelangan mo ng pahinga na bagay para sa isang matanda.

Kahit paano nabawasan ang pag-aalala ko ng malaman ko na may pamilya ka pala.
May sumusundo at naghahatid pala sa’yo d’yan sa iyong pwesto.
Ngunit bakit ganun?
Bakit ikaw pa ang kelangang tumayo d’yan.
Hindi na kita huhusgahan.
Siguro nga masyadong mahirap ang iyong pamilya kaya ganyan ang sitwasyon.

Hangad ko na dumating ang araw na magretiro ka na sa iyong gawain.
Sana Makita ka ng “ Wish Ko Lang.”
Hindi ko kasi maasikaso na isulat sa kanila ang iyong buhay.
Sana sa libo-libong dumadaan sa highway na yan, may isang magmalasakit sa’yo.
Hindi ko na kasi yun maiintindi dahil aalis na din ako.

Ipananalangin kita lolo…

No comments:

Post a Comment