Saturday, November 6, 2010

OUT OF THE CLOSET

BABS,
Magkukuwento na ako.


Apat na revision na ang nagawa ko para sa blog entry na ito.
Nais ko kasi na lumabas itong makwela at may pagkabarumbado.
Sa kasamaang palad bumabalik pa din ito sa gusto n’yang tema.
MIDJO “EMO”
Sa abot ng aking makakaya, pipilitin ko na hindi ito sumeryoso.


Naghalungkat ako ng mga lumang sulat nung highschool.
Nakakatawa naman.
May birthday card pala akong hindi naibigay sa’yo nung 2001??
Binalikan ko ang sulat mo nung recollection.
Wow hanep! Ang mushy. Nakakatawa.hehe
Bawal nang itanggi documented na eh..(^_^)


Sa lahat ng lalaki nqa nakilala ko.
Ikaw lang ang may pinakamaraming bestfriend.
Bakit puro babae yun, maliban lang sa akin?
Tsaka ako lang talaga yung panget.


Hindi kasing lalim ng sa kanila ang pagkakabigan naten.
Walang masyadong malaLim na usapan dahil lahat ay napupunta sa biruan.
Kung lalalim naman, nangyari lang kung kelan busy at kalahati ng mundo ang pagitan.
Hindi kasing tibay ng sa kanila.


Aminan Portion:
Tinangka ko na ilayo ang aking sarili sa’yo BABS.
Ang yaman mo kasi at ang gwapo. Haha!
Eh samantalang ako isang panget na dusdusing taga-bukid.
Ewwwww!!!!
(Palakapak tenga)
(Pinapaniwala ko lang ang mga nagbabasa na gwapo ka..Ü)


Pareho tayo ng school na pinasukan nung college.
Hindi na Ms. Sunshine ang aking role.
Naging Ms. Invisible Girl na ako.
Inaamin ko na nagkaroon ako ng inseguridad sa sarili.
Kaya school tour muna mula sa mundong ang malakas lang ang dominante.


OK, time is out and up.
Tama na yung konting “siryus” na yun.




Madami ka ding matututunan kapag humiwalay ka ng kaibigan.


Matututo kang mamukhang malakas kahit fake lang.
Mang-bully ng mga classmates kahit sa tingin lang na dati ay katulad kong nerd.
Manglait ng mga batang todo taas kamay para magpasikat kay prof.
Responsibilidad mo na ang buhay mo.
Kung paano paninindigan ang mga cutting classes na na-commit at mga bagsak na exams.


Nabalitaan ko na nag-excel ka sa school at course mo.
aba, good news. Dean’s lister ka na.
Ang lahat ay naging kabaligtaran ng kung ano ako dati at kung ano ka.
Parang sundial lang, tapos na ang araw ko at kelangan ng ibaliktad para magsimula naman ang sa’yo.


Napasubsob na ako sa SM 101, SM 102.
Madaming pagdarahop(echos!)
Naging DL sa unang year kahit paano.
Kahit pilit lang.
Alam kong hindi mo ito alam.
Hindi naman lahat ay puro pagiging model citizen ang aking gawain.


Nagtataka ka na siguro at napunta sa ibang usapan ang kwento ko.
Kasi aminin mo man o hindi, kaunti sa kwento ko ay maaring makarelate sa buhay na meron ka ngayon.
May mga bagay na mayroon ka d’yan na wala dito sa akin.
Mayroon naman ako na wala ka din.


Ang sarap ng isaw, betamax, at LOMIIIIIIIIIIIIII!!!
Fishballs kayo d’yan, kikiam! Kwek-kwek!!


Bilang pagtatapos….


Inilista ko na din pala ung mga natatandaan ko lang na dumaan ka sa buhay ko.
Kokonti lang ito.


1. dahil sa katamaran mo na magdala ng bag sa school, ipinapahiram mo ang bag mo na green. (taas kilay girls mo)
2. CAMPING, yung nawala kong bracelet, mga drawing ng mga cartoon characters, SPYROS sa fieldtrip
3. lookout ako sa pagliban ng bakod para makapag-counter
4. Kwentuhan sa likod ng room
5. bookreviews (kahit ayaw kong magpatype ng sa akin)
6. notes sa economics.
7. gagamba para may panlaban ka sa kalaro
8. walang kamatayang pagtukso kay tooooooootttt!!!!!
9. FHM magazine at kwarto sa ilalim ng hagdanan
10. pagsurprise sa birthday kung kelan ako ay wala
11. pagpunta sa bahay na wala kayong bitbit at wala din akong pangpakain..(HEHEHE)
12. virginity issue (madami na akong ipong asin) :)


Ahahaha! Sabi ko sa’yo kokonti lang eh..


Wish ko lang, katukin mo ulet ako sa room ko at magsumbong na binabalahura ka ng adviser mo

Thursday, November 4, 2010

GALING SA AKING MAILBOX

Sa Anak Ko... Kung Sakaling Mawala Ako Bigla At
Hindi Ko Masabi Sa Iyo To Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang
pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana
huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at
magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo
bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing
telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang
kakwenta-kwentang bagay.

Mahalin mo ang nanay mo
Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. 
Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. 
Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin.

Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. 
Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. 
Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. 
Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa
barkada mo.
Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. 
Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English.
Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement.
Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. 
Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog.
Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English.

Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara.
Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono.
Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. 
Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. 
Hindi sila nakakapag-Internet. 
Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. 
Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. 
MaY kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara.

Makinig ka sa mga kanta ng Beatles.
Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles,kahit anong genre kaya mong i-appreciate. 
Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. 
Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero
sikat at ginagaya pa rin? 
Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. 
Bakit college?

Kasi kung high school ka magiging sira ulo,mawawalan ka ng options sa college. 
Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak.

Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school.
Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle , o UST. 
Dapat maganda yung course mo.

Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan.
Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinabukasan. 

Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga.
Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang.

Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilangmakipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo.
Practice safe sex. 
Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. 
Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka.

Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend.
Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, 
Kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya samga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. 
Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. 
Huwag mong sisigawan.
Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun
habambuhay.

Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. 
Matuto kang mag-ipon.
Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo.
Pinaghirapan mo yang pera na yan. 
Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. 
Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT.

Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo. 
Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. 
Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa
masamang landas. 
Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. 
Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. 
Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak nya, at eto yung nasabi niya sa kin. 
Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:

LEARN..

Huwag kang matakot matuto. 
Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. 
Matuto ka sa library.
Matuto ka sa Internet. 
Matuto ka sa news. 
Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha.

Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo.
Matuto ka sa mga kaibigan mo.
Matuto ka sa mga pagkakamali mo.

Saturday, October 2, 2010

FRAGMENTED

Iniidolo ko ang mga:
-dispatcher ng jeep
-takatak boys
-basurero
-naglilinis ng lansangan

Hindi ang mga: -
-maligalig na driver
-mga kotong cops
-mga pulitiko
-hindi ang mga Poncio Pilato

Isang batang babae ang aking nakita.
Nagtatawag ng pasahero sa lansangan.
Kahanga-hangang sa murang edad gumagawa na ng paraan para mabuhay.
Sana lang kapag naging dalaga na s’ya hindi maging basura ng lipunan.
Hindi papara ng mga lalaki sa kalagitnaan ng gabi.


Gusto ko ng baboy.
Hindi ng BABOY na TAO.

Wag kang panget,
Hindi ka malupet.
(excerpt from the FLipTop Battle)

Nanggaling kami ng Quiapo kahapon.
Hindi ako nakapagdasal sa simbahan.
Nakatayo lang ako dun, nakamasid sa altar.

Ang lupit na talaga ng mga pulubi ngayon.
May Facebook na din sila..;p

Madaming babae sa mundo ang insecure.
Huwag n’yo akong isama..;p

Para akong nasa harap ng sanga-sangang daan.
Hindi malaman kung alin ang tatahaking daaan.
At natatakot subukan ang kahit isa man na nadoon.

Subukan mo kayang magsuot ng damit na hindi kasya?
Ano palagay mo sa pakiramdam at hitsura.

Monday, September 13, 2010

WARNING: BATANGUEÑA ON THIS SIDE


The zombies ate my brains.
I was provoked to be angry.
And so, the tiger in me unleashed its coat.

Yan ang epekto sa taong ng galit.
Nag-eenglish.

I never committed such a major, major fight greater than what had happened last night.
(CHARENG!!!!!)

WARNING: EXPLICIT CONTENT

Mahirap tumira sa boarding house lalo na at ang bahay n’yo ay board lamang.
Board lamang dahil konting kibo lang magkakahalikan na kayo ng mukha ng kasama mo.
Lalong mahirap kung ang kasamahan mo ay kasama mo din sa trabaho.
Mas napakahirap kung ang kasama mo ay isang Bisayang buntis na hindi matae at hindi maihi.

Nasubok ang pasensya ko ng ang sira-ulong Bisaya na ito ay umariba na naman ng kanyang walang kamatayang kaaartehan at sira sa ulo.
Matutuwa ka kaya kung dadating ka sa bahay na nakasimangot agad ang mukhang tae na hindi mo naman ginagawan ng masama?
Nagdadabog kahit hindi mo naman alam kung may kagalit.
Ang isa pa kung anu-anong parinig ang dinadakdak na talaga namang nakkainis.

At dahil sa kakulitan n’ya hindi ako nakapagtimpi.
Sumabog ako ng sabog na sabog parang BOG na kung ilan ang tinira.

Hindi SLOW MOTION ang tama. HYPER men! Hyper!
Mabilis na mabilis na nagsalita ang aking bunganga.
At natulala ang BIsaya.

ISA NA AKONG SUBERBIYO SIMULA NUNG AKO AY GRADE ONE.
At ang ability ko na iyon ay nagamit ko sa Bisayang may malaking boobs at ulong nakapatong lang.
Hindi ko na lang pakakahabaan.
Pero alam mo na kung paano magalit ang Batangueña.
Parang Bulkang Taal.

Ano gusto mo?
Suntukan paglabas! sa likuran?
Oh square!!!
Kukulamin mo ako?
Yung patay agad!
ETO KA!
#%$@T$@#%#%@(&$!!!!#$@$%#

PAALALA: HINDI KO NILALAHAT MAY KAIBIGAN DIN AKONG TAGA-CEBU..

Friday, June 25, 2010

GENESIS-----JUST LIKE OLD SCHOOL

Nakapagdesisyon na ako.

Para sa ikauunlad ng aking value kailangan ko ng gawin ang nararapat.
Papasok ako.
Mapride lang.
Sabihin nyo man na isa akong sugapa sa pag-aaral.
Wala ng eepal dahil ito ang gusto ko.
Yan ay tunay hindi munay!

Wala daw pera sa ACADEME.
Eh sa trip kong maging teacher ngayon, ewan ko lang bukas.
Suntok sa buwan, sa tulad kong pagkit ang katawan,
Kapag inatake ng katamaran, malamang 50-50 ang chance na matupad yun.

Smells like teen-spirit..:p

Kung dati isusuka ko na ang aking Alma Mater, heto na naman ako.
Nag-eenroll para mapatawad ang aking sarili sa ideya na hindi pa sapat ang natapos ko
Para magpasikat sa mundo.
Ordinaryong proseso.
Ngunit kakaibang pakiramdam.
May halong yabang.
May kasiyahan.

Actually, hindi naman pasikat ang tawag dun.
Gusto ko lang talagang mag-aasawa.
Hahaha!
Taas kilay..
Nginig baba.
Ano ang konek?
Kapag sa company ka nagtagal, tiyak aagiwin ka.
At tatanda kang dalaga.
Puro panget iyong makikita.(;p)

Nag-eenroll pa lang nakaharap ko na agad ang mga dating kong Professor.
Napakalaki ng kanilang ngiti ng pagtanggap sa mga Alumni na gustOng tumuntong sa Graduate School.
Yun ang mga ngiti na ikinakakaba ko.
Ano kayang patibong ang naghihintay sa akin sa gubat ng mga henyo???

May halong kasiyahan na papasok na naman ako ng may baon.
Pabaon ko sarili ko..T_T
Madaming naglalaro sa aking isip.
Pwede kaya akong magcutting class kapag gusto ko.
Pwede kayang kumain saharap ni Prof?
Magpapayong kaya ako kapag sa unahan umupo.
The saliva attack!!

Para sa taong naramdaman na ang hirap ng pagkita ng pera,
Independent sa lungsod at kumakain ng noodles halos araw-araw,
Kasama ang mga halimaw na nag-aanyong tao,
Maiisip mo talaga ng na gumawa ng paraan kung paano ka uunlad.
Kung paano ka mabubuhay.
Survival of the Fittest----043 (gaya-gaya sa SOF)

Ang pampalubag loob ko na linya…

Saan man ako makadating,
Gaguhin man ako ng Professor na kalbo.
Tarayan man ng mataas ng kilay na Dean.
Pipilitin ko pa rin tapusin ang target ko na ito.
Mahirapan man ako, at least nagtry ako ng gusto ko.

My first day of school is...
Syempre, walang klase…(^-^)

Monday, June 21, 2010

EAT AND RUN


Sa kadahilanang minamaliit mo ako,
Kaya andito ako ngayon.
Dahil kinuha mo ang dating akin
kaya nagpipilit akong bumangon.
Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon
Para ipakita ang aking galling.
Kaya naman ngayon
Gumagawa ako ng paraan
Para ibangon ang nawalang dangal.

Echos!!

Napag-sip-isip ko na wala namang mangyayari
Kung magtatagal ako dito.
Para ko na ding hinintay na ang pag-ikli ng aking buhay sa iyong mga kamay.

Hindi ako ang tinatawag nilang Ampalaya Anonymous.
Ako ay ang dakilang masabaw na Sopas.

At dahil sa katakawan mong yan
At uhaw na uhaw ka sa kapangyarihan,
Sa'yo na iyan.
Hindi ako makikipagpatayan.

At pag nakuha ko na ang gusto ko..
Oras na para lumipad…..

Bantay-salakay..
(FACE GRINNING..;p)

Friday, June 11, 2010

CODENAME: CACTUS MAN


Pangalan: halaw sa mga santo
Edad: bata pa
Status: single pero pinapantasya
Striking attitude: parang Atlantic Ocean
Mga marka: sa braso, sa braso ulet, sa batok
Lokasyon: bayan ng tinapay
Mga anak: Hari at Panginoon
Kabuhayan: manginginom, tagasagot ng tawag
Affiliation: Rockers

SOPAS GIRL: ikaw ga si J_ _ ES
CACTUS: Ako nga, bakit mo ako kilala?
SOPAS GIRL: eh di kilala mo din si ano, si ano at si ano? eh ung SD____..
CACTUS: Barkada ko yun sa skul. Bakit mo sila kilala?
SOPAS GIRL: Pasok na ako sa loob.
CACTUS: PARAAAAA!!!

-----The Alien Encounter------

Noong unang kong makita ang cactus isa lang ang tumama sa utak ko..
"SUPLADO"

Minsan ko ng pinagdudahan ang aking sarili kung mapapaamo ko ba ga si cactus man.

Isang araw ay dumulog siya sa akin tungkol sa kanyang problemang emosyonal.
At nung mga araw na un,nagsulputan ang mga payong
Hindi ko alam kung saang sulok ng anit ko galing.
Himalang sumulpot ang lawak ng pang-unawa na noon
Ay hanggang pang-unawang kutsero lang.
Humanga ako sa tibay ng loob na meron siya.
Sa palagay ko kung sa iba nangyari yun baka nasa sementeryo
Na sa tindi ng kahihiyaan at hindi handang responsibilidad.

Ang buhay nya, parang pelikula.
Parang teleserye na kelangan mong abangan gabi-gabi.
Ang title story: The Adventures and Misadventures of the Cactus Man

Feeling ko madaling maheart burn si Cactus man kahit wala sa kanyang mukha.
****HEARTBURN--tearing one's heart and putting your soul into fire.
It is about heat, burn and the fifth element... LOVE.

Hindi ko masasabing perpekto si Cactus.
Lahat naman ng tao may kanya-kanyang kasalanan.
Ang maganda lang sa kanya naiintindihan n'ya ang pagkakamali n'yang iyon
at sinisikap ituwid.
Isa pang nakakatuwa sa kanya, kapag pinayuhan mo,
sinusunod n'ya.

Hindi ganun kalalim ang pagkakilala ko sa kanya.
Pero sa aking obserbasyon, kung anu na ung nakikita ko, yun na yun..:p

CACTUS
Most cactus cannot remove water from cold soils,
so they are dormant in winter and grow in summer.
---Kaya siguro mahilig sa beach

Cactus spines keep the plant from being eaten by most animals.
---Eto ang ebidensya kung bakit pinamagatan ko s'yang Cactus.
---Ung mga lalapit sa taong ito ang matatakot.

All cactuses produce flowers.
---Ang kagandahan at kabutihan ay hindi nakikita sa katawan.

Nasa puso lang yan..


------THE END------